CHAPTER TWENTY FOUR (Paglisan)

14 2 1
                                    

CHAPTER TWENTY FOUR
(Paglisan)

NAGDAAN ang ilang minuto ay biglang nabuksan ang pintuan ng Katanaga Club. Bumungad roon sina Maya at Souichiro na nagtatawanan pa. Hindi nila napunang may tao.
Ano ba, Souichiro? Maghintay ka naman! Buti wala rito ngayon sina Kuya. Hindi sana tayo makapagsosolo," malambing na tugon ni Maya.

Pagkatapos ay mapusok na naghalikan ang dalawa. Habang naghahalikan ay isa-isang inalis ni Souichiro ang butones ng blouse ni Maya. Ngunit parehas na natigilan ang mga ito nang makarinig ng mahinang ungol. Napalingon sila sa pinagmulan ng ingay at nakita ang sugatang estudyante. Nagkatinginan ang dalawa. Minabuti nilang usisain kung sino man ito. Dahan-dahang inalalayan ni Souichiro ang nakahandusay na si Kira. Nagtatakang nagtinginan ang dalawa. Hindi yata't ang lalaking sugatan na nakahandusay pala ay ang nobyo ng kakambal ni Maya! Si Kira Kinomoto!
A-anong nangyari, Kira?" gulat na tanong ni Maya rito. Nanatiling nakapikit ito at hindi nagsasalita. Dali-daling itinakbo nila ito sa pinakamalapit na hospital para agad na malapatan ng lunas.

HOSPITAL ROOM . . .

Habang nakahiga sa kama, matamang pinagmasdan ng magkasintahan si Kira. Unang umimik si Souichiro.
May hinala ka ba kung sino ang may kagagawan nito kay Kira? nag-aalalang sabi ni Souichiro.
Maski ako, hindi ko matukoy kung sino. Sina Kuya Shin at Mitsoumi lang naman ang may duplicate key ng Katanaga Club. Kung sila man ang may kagagawan nito kay Kira, ano naman ang motibo nila?
Mabuti pang tanungin mo ang Kuya Shin mo sa bagay na 'to. Tiyak may sapat na rason siya kung bakit niya ginawa ito sa bayaw niyo.
Buhat sa mga salitang binitiwan ng nobyo ay may halong pagkamangha at kalituhan na sumagot si Maya.
Sinasabi mo bang kaya ngang gawin ni Kuya ito kay Kira? Huh, Souichiro? This is absurd!"
Naguguluhan rin ako kaya kailangan mong kausapin si Shin."
Napatango na lang si Maya na bakas pa rin ang kalituhan.

PASADO alas-diyes na noong makauwi si Aya sa apartment nila ni Kira ngunit mukhang hindi pa nakakauwi ang binata. Bigla siyang sinalakay ng kaba.
Agad niyang pinage si Kira. Agad din naman itong sumagot sa kaniya. Ang idinahilan ng binata ay nagkaroon ito ng family problem at baka sa susunod na linggo na lamang ito makakauwi. Nababalisa na namaalam na lang si Aya rito. Nag-I love you siya sa binata ngunit hindi na ito sumagot.
Malungkot niyang isinilid sa bulsa ang pager. Itinutok na lang niya sa pag-iisip ang pansin. Kailangan na niyang matulog. Bukas ay madami siyang aasikasuhin sapagkat nalalapit na ang tournament.
Malungkot na napatitig si Aya sa kisame ng kaniyang silid, ngunit napalis din agad ang lungkot na nararamdaman nang makita sa balintataw ang matamis na ngiti ni Kira. Hanggang sa hinila na siya ng kaniyang guni-guni sa isang napakagandang panaginip.

SA LOOB NG HOSPITAL . . .

Malungkot na nakatitig si Kira sa kisame ng kaniyang kuwarto. Nag-aalalang kinausap siya ng ama kung ano bang nangyari dito. Halos napuno kasi ng pasa ang buong katawan ng binata. Nagkandabali-bali rin ang braso at binti niya.
Mag-aalas onse na ng gabi nang maalala nito si Aya. Hindi niya alam kung saan siya mag-uumpisang kalimutan ang babaeng una at huli niyang mamahalin. Mariin siyang napapikit, nagmalabis roon ang mga luha.
Kira, ang family secretary na natin ang bahalang umayos ng papeles mo sa dating mong school. Sa susunod na buwan ay lilipad na tayo papuntang States," maawtoridad na sabi ng kaniyang ama dahilan upang mapabalik sa kasalukuyan ang isip ng binata.
Napatango siya. Muli niyang ipinikit ang nahahapong mga mata. Malungkot na tinanglaw niya mula sa kamalayan ang itsura ng kaniyang minamahal na tiyak niyang hindi na masisilayan sa mga susunod na araw.

KINABUKASAN. . . maagang nagising si Aya upang maghanda ng agahan. Malungkot niyang tinapunan ng tingin ang madalas na inuupuan ng nobyo. Sa totoo lang, hindi na siya sanay na wala ang presensiya ng nobyo.
Matapos mag-almusal ay dali-dali siyang naghugas ng pinagkainan. Mabilis niyang tinapunan ang kuwartong gamit ni Kira. Muli, isang malungkot na ngiti ang pumunit sa labi ni Aya.
Papasok na ako, Kira. I miss you na, mahal ko," bulong ni Aya at malungkot na nagpatuloy ito sa pagpasok sa school.
Papasok na siya sa loob nang maraanan niya ang panganay na kapatid. Lalagpasan na sana niya ito nang magsalita ang panganay na kapatid.
Aya, nasaan si Kira?"
Umuwi siya sa kanila, Kuya. Uuwi rin daw ito by next week. Bakit?" Nagtaka si Aya kung bakit lumalapit ngayon sa kaniya ang nakatatandang kapatid.
Wala naman, Aya. Napuna ko kasing hindi mo nakasabay si Kira sa pagpasok." Nagpatuloy si Shin. Aya, maaari ka ng umuwi sa bahay.
Mabilis na napabaling ang atensyon ni Aya sa kapatid. Si-sige, Kuya. Magpapaalam lang ako kay Kira. Hihintayin ko muna ang pagbabalik niya.
Tipid na napangiti si Shin na sinuklian naman ng bunsong kapatid ng ganoong ngiti. Mataman siyang pinakatitigan ng panganay na kapatid at nagwikang. . .
"Malaki na talaga ang ipinagbago mo, Aya, walang emosyong sabi ni Shin rito.
Oo, Kuya, malaki na nga. Dahil kay Kira nagbago ako nang tuluyan. Malaki ang pasasalamat ko sa kaniya, Kuya, sapagkat iminulat niya ako na ang buhay ay dapat ine-enjoy lang. Pagkatapos ay mahigpit na niyakap nito ang panganay na kapatid. Masuyong hinipo ni Shin ang buhok ng bunsong kapatid. Bigla namang sumulpot sa isip ni Shin ang mga katagang iyon.
Masaya ako para sa iyo Aya. . . totoo. Ngunit iyon ay kung mababalikan ka pa ni Kira. Alam kong magiging maayos din ang lahat. . . na malilimutan mo rin si Kira. Iniisip ko lamang ang makakabuti para sa iyo. Patawarin mo sana ako, Aya."

HABANG papasok ng silid-aralan ay nadatnan niya ang kakambal at bayaw niya na mahinang nag-uusap. Parang napakaseryoso ng pinag-uusapan ng mga ito. Tumikhim muna si Aya upang matigilan ang dalawa.
Dahil sa kabiglaan ay napatayo si Maya. Nagtaka si Aya sa reaction ng kakambal. Mabilis niyang inilapag ang mga gamit sa upuan.
Bakit, Maya? Nagulat ba kita?
No, not like that," pag-iwas ni Maya at pilit na nginitian ang kakambal.
"Kumusta ang date niyo ni Souichiro kahapon?" masayang tanong ni Aya. Agad na umupo sa lamesa na katapat ng lamesa ni Maya.
Bagaman hindi mapakali sa presensiya ng kakambal ay minabuti na lamang nitong sagutin ito. A-ayos naman. Bakit mo naitanong?
Napag-usapan kasi namin kahapon ni Kira." Matapos sumagot ay agad ng nagbalik sa kinauupuan si Aya. Hindi na niya napansin ang tila kaba sa mga mata ni Maya. Dumating na rin ang instructor nila para sa first subject.
Sumapit ang lunch break . . .
Habang nagliligpit si Aya ng kaniyang mga gamit ay tinapunan niya ng pansin ang upuan ng nobyo. Isang araw pa lang ngunit miss na miss na niya ito. Paano pa kaya sa mga susunod na araw?

SA MAY ROOF TOP . . .

Unang nagbukas ng usapan ay si Maya sa kapatid na si Shin.
"Kuya, may kinalaman ka ba sa pambubugbog kay Kira?" Kaakibat no'n ay ang mga matang nagtatanong.
Dahan-dahang tinitigan ni Shin ang kapatid saka nito pinakawalan ang mga salitang sasagot sa mga katanungan sa isip ni Maya. Tama ka, Maya. Ako ang gumawa," walang emosyong sabi ni Shin at itinutok sa labas ang tingin.
Sa nanginginig at gulat na boses ni Maya ay nagpatuloy ito sa pagtatanong. "Bakit? Bakit, kuya! Anong ginawa ni Kira? Napakabait niyang tao para ganunin mo! Ramdam sa bawat salitang binitiwan ni Maya ang hinanakit.
Ang lahat ng ginawa ko ay para sa ikabubuti ni Aya," mabigat na bigkas ni Shin matapos bumuntong-hininga.
Makabubuti? Hindi mo alam kung ano ang makakabuti sa kaniya. Hindi lahat ng alam mong tama para kay Aya ay makabubuti!" puno ng hinanakit na saad ni Maya na parang siya ang nasa kalagayan ni Aya sa oras na malaman nito ang katotohanan!
Hindi ako mananahimik. Sasabihin ko kay Aya ang ginawa mong kahayupan kay Kira!" Mabilis na tinalikuran ni Maya ang kapatid ngunit mabilis rin siyang nahawakan sa kamay ni Shin at nagwikang,
Subukan mo lang, Maya. Isusunod ko ang pinakamamahal mong boyfriend! nagbabaantang sabi ni Shin. Diniinan pa niya ang pagkakahawak sa kamay ni Maya.
Malakas na ipiniksi ni Maya ang kamay ng panganay na kapatid. Pinakatitigang mabuti nito ang panganay na kapatid na puno ng pagkasuklam at pagkamangha! Tila nagsukatan ng tingin ang magkapatid.
Sana nga tama ang ginawa mo, Kuya Shin, na ito nga ang nararapat. Sana hindi mo ito pagsisihan balang araw! puno ng hinanakit na sabi ni Maya.
Mabilis na naglakad ito papalayo. Palayo sa panganay na kapatid na akala niya'y may tamang pananaw sa buhay. Akala niya si Aya lang ang malaki ang ipinagbago. Mas lamang pala ang Kuya Shin niya.
Every beginning is another end. . . and every end is another beginning.

✔️SOKTOREGGIE(TENJHO TENGE) COMPLETE/ UNDER-EDITED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon