MULA sa pagkakaupo ay tumayo si Kira. Pinulot niya ang nakatimbawang salamin ni Aya at pagkatapos ay muli siyang umupo sa tabi ni Aya. Seatmate niya ito sa madaling salita.
Matangkad ito at nakasuot ng pabilog na salamin. Kung tutuusin, maikukumpara ito kay “Labo” sa Slum Dunk. Paborito nitong panoorin iyon pagkagaling sa klase. Matalino ito at kung poporma nang tama ay tiyak na hahabol-habulin ito ng mga babae.
“Aya, sa iyo ito, hindi ba? P-puwede pa ito. K-kung ipapaayos mo,” sabi ng binata sa nahihiyang tinig.
Ibinaba niya ang aklat na hawak at matamang tinitigan ito ni Aya. Lalong kinabahan ang binata nang magtama ang mga mata nila. Nakakahiya mang aminin ay na-inlove siya unang kita pa lang sa maliit na nilalang na nasa kaniyang harapan. Bumibilis ang tibok ng kaniyang puso sa tuwing magtatama ang kanilang mata. Gusto niyang hapitin ito palapit sa kaniyang bisig at mahalikan.
Pero sa kabila ng paghanga niya ay naroon ang piping takot. Ang takot na iyon ang pumipigil sa masidhi niyang nararamdaman kay Aya Natsume. Bumilib siya lalo kay Aya dahil natalo nito si Souichiro na isa sa mga pinakamalakas sa kanilang eskuwelahan.
Wala siyang alam pagdating sa pakikipaglaban. Isa lang siyang normal na estudyante. Napabilib pa siya lalo nang ginamit ni Aya ang pinakamahinang technique ng mga Natsume, ang Rezo Kizura. Iyon ang technique na ginagamitan ng kaunting puwersa para maitapon nang malakas ang kalaban.
“Istorbo!” sagot ni Aya sa binatang natulala. Marahil ay hindi nito namalayan ang sandaling lumipas kung ilang segundo silang nagkatitigan.
Imbes na mapahiya, hindi natinag ang binata. “Ang salamin mo, hindi mo ba ipapaayos? Sayang kung hindi mo na gagamitin.”Mabilis na kinuha ni Aya ang salaming nasa kamay ng binata. Pinagmasdan siya ng binata nang ilaglag ni Aya ang hawak na salamin. Dinurog niya iyon sa pamamagitan ng pagtapak dito. “Kahit kailan, ang isang bagay na nasira at pinilit mong ayusin ay agad ding masisira. Hindi mo na ito maibabalik sa dati!” marahas na sambit ni Aya kay Kira saka ito bumalik sa pagbabasa.
Pero hindi nawalan ng pag-asa si Kira. “Kung hindi mo mamasamain. . . gusto kong magpakilala sa yo, Aya. Kira Kinomoto nga pala. Bago lang akong katulad mo. Wala pa akong kakilala. Sabagay, walang gustong makipagkaibigan sa akin. Lampa raw kasi ako.”
Doon napadako ang tingin ni Aya rito. ”Ikaw, Mr. Kinomoto, hindi ba’t sinabi ko kaninang ayaw kong may kumakausap sa akin? Baliw ka ba? Hindi ako nakikipagkaibigan!”
“Patawad! Baliw na kung baliw. Gusto sana kitang maging kaibigan kung mamarapatin mo. . ." malungkot na pahayag nito.
Ngunit hindi na muling kumibo ang kausap. Ipinagpatuloy nito ang pagbabasa.
“Please, kahit hindi na tayo maging magkaibigan. Kahit pakinggan mo lang ako,” pagsusumamo nito kay Aya.
Tumingin si Aya sa binatang ngayon ay lubos nang humihingi ng kaniyang pansin. “Hindi mo ba ako titigilan, lampa? Baka hindi mo alam. . . wala akong kinakaawaan!” Napatingin siya sa labas ng bintana kung saan makikita mula roon ang maaliwalas na langit.
“Gusto ko lang namang may makausap, Aya,” malambing na sabi ni Kira.
Tinitigan ni Aya ang binata. “Sige, payag ako,” sa wakas ay pagpayag nito kahit halatang napilitan.
Biglang umaliwalas ang mukha ng binata na parang batang nagagalak. “Tumahimik ka riyan! Para kang sira!" saway niya sa binata. Hindi ito maawat sa pagtawa. Imbes na sundin ang sinabi’y lalo itong nagtatawa. Nainis si Aya at pinukulan niya ng nanlilisik at nananakot na tingin ito. Tumahimik ang loko sa nakita.
“Sa susunod, huwag mo akong pupunuiin. . ." Kundi dudukutin ko ang puso mo at pipisatin!
“Patawad. . ." hinging paumanhin nito.
“Tungkol sa usapang ito, meron akong kondisyones. Alalayan mo ako sa mga lessons ninyo at kung may problema ako sa mga quizzes at assignments, ikaw ang sumagot.”
“Sige, matalino naman ako,” sagot ni Kira sa nahihiyang tinig.
“Kira, hindi lang ikaw ang nag-iisang taong may problema sa mundo. Marami! Parang susuko na. . . “ matalinghaggang sabi ni Aya.
Imbes na magtanong ay tumahimik si Kira dahil sa paglungkot ng tinig ni Aya. Dumating ang kanilang Math Teacher. Tahimik lang ang dalawa habang nakikinig. Kapagdaka’y nagbigay ang guro ng pagsusulit. Mabilis at maayos namang nasagutan ni Aya ang mga tanong. Ngunit si Kira na nangakong aalalay ay wala. Napakahina nito, lalo sa Math.
Lahat naman ng mga kabataan ay nahihirapan sa subject na ito. Ilang minuto na siyang sumasagot sa papel. Pakamot-kamot ito at minsan ay lilingon sa katabing si Aya.
“Kopyahin mo iyan habang wala pa si Ms. Sakura,” pabulong na utos ni Aya kay Kira.
Napatingin ito sa kaniya, parang hindi tatanggapin ang alok nitong tulong. Pero pilit nitong ipinatong ang papel sa harapan ng binata. “S-salamat," sabi niya kahit naapakan na ang pride. Mataman siyang tinitigan ni Aya. Napagmasdan ni Kira ang mga matang nakatingin sa kaniya.
“Bakit, Aya? May problema?” tanong ni Kira. “W-wala!” sagot ni Aya sa maagap at malamig na tinig.
Pumasok ang guro at ipinasagot sa mga estudyante ang nga tanong na nasa pisara. Isa sa mga napili ay si Aya at Kira.
Nasagot ni Aya ang tanong na pinasasagot sa kaniya pero si Kirang nauna pang tinawag ay naroroon pa rin siya sa pisara at sumasagot. Mukhang napasubo ito. Hindi na maipinta ang mukha.
Isinulat ni Aya sa isang kusot na papel ang sagot niya. Mabilis niya iyong ibinato. Sa umpisa ay ayaw pa niyang damputin ang tulong ni Aya. Ngunit wala siyang pagpipilian.
Nang masagutan niya ang nasa pisara’y umupo na siya. “S-salamat,” pagpapasalamat ni Kira sa nahihiyang tinig.
Mataman siyang tinitigan ng binata. Sarkatiskong sinagot niya ito. “Wala kang dapat ipagpasalamat. Nadulas lamang ang kamay ko kaya naibato ko ang papel na pinagsulatan ko ng mga sagot. Aksidente ang lahat.”
“Kahit na, salamat pa rin. Hindi ka lang maamo sa panlabas. Napakabait mo rin pala,” humahangang papuri ni Kira.
Dahil sa narinig, matamang nag-isip si Aya. “Kung hindi ako makakapagpigil, aalisin ko ang ulo nito. Saka ko isasako para itapon sa labas ng Todo. Tiyak na wala nang maingay kapag ginawa ko iyon.” Hindi niya kasi gusto ang mga matatamis nitong salita. Lalo siyang nabu-bullshit. Sa kadahilanang pinagsasabi ni Kira ay hindi na lang niya pinansin ang binata. Itinuon niya sa pakikinig ang pansin.
SA silid-aralan nila Masataka ay matamang nakatitig ito sa matandang puno ng cherry. Wala pa ang paaralan ng Todo high ay naroon na ito. Kasing tanda na ito ng kaniyang ama.
Bagamat nasa 90’s na edad na ang kaniyang ama ay malakas pa rin itong nagsasanay ng mga martial arts.
Habang nakaititig siya rito’y parang Gise na sumasayaw ito sa saliw ng hangin. Katulad sa mga napapanuod niya sa Korean Novelas sa telebisyon. Kaninang umaga ay hindi niya napigilang mapuna ang puno. Tila may kakaibang nangyari sa kaniyang paligid sa mga oras na iyon.Sa pagkurap niya’y isang bata ang biglang sumulpot sa tabi ng punong mataman niyang tinitigan. Hinawakan ng bata ang dala nitong mahabang espada. Ngunit bigla itong nawala. Hindi siya maaring magkali . . .
Si Aya Natsume ang kaniyang nakita!
BINABASA MO ANG
✔️SOKTOREGGIE(TENJHO TENGE) COMPLETE/ UNDER-EDITED
Fanfiction"Para sa lahat siya ay inosenti, pero sa likod ng maamong mukha nagtatago ang mapait na katotohanan sa tunay niyang pagkatao..." SYNOPSIS Aya Natsume, kabilang sa angkan ng mga Natsume na nagtataglay ng kakaibang mata. Mata ng hinaharap kung tawagi...