CHAPTER TWENTY FIVE
(Is This Good Bye?)NAPATIGIL si Aya sa paglapit sa kakambal at sa Kuya Shin niya nang mapuna nitong seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito. Nagulat si Aya nang walang anu-ano’y may nagsalita.
“Oh, bakit ayaw mong lapitan sina Shin? Masuyo siyang hinawakan sa siko ni Masataka. Bagaman genuine naman ang ngiti nito ay nakaramdam pa rin ng pagka-ilang si Aya. Marahang ipiniksi ni Aya ang braso.
“Ayaw ko silang istorbohin, Masataka. Parang seryoso ang pinag-uusapan nila. Ramdam naman ni Masataka ang pagkairita ni Aya ngunit ipinagwalang-bahala lang iyon ni Masataka.
C’mon, Aya. Tara!” Mahigpit na siyang hinila nito. Wala ng nagawa si Aya at nanahimik na lang habang nakasunod sa binata.
Nakita niyang mabilis na naglakad si Maya paalis at patungo ito sa kanila. Malungkot na tinitigan ni Maya ang kakambal. Nagmamadali itong linagpasan sila. Hindi na tuloy ito nakausap ni Aya. Minabuti na lang ni Aya na kausapin ang nakatatandang kapatid.
“Kuya, anong nangyayari?” blangko siyang tinapunan ng tingin ni Shin. Matipid siya nitong nginitian.
Wa-wala, Aya. Pinag-usapan lang namin ni Maya ang nalalapit na tournament. Ikaw, nakapaghanda ka na ba Aya?” Lantarang inilihis ni Shin ang usapan na hindi naman napansin ni Aya.
Kahit na anong oras ay nakahanda ako, Kuya,” sagot ni Aya at pinakatitigan ang maberdeng damo sa kaparangan.
Tumikhim si Shin at saka itinuloy na ang usapan. “Kumain ka na ba, Aya? Tara na’t kumain. Sumabay ka na sa amin ni Aya, Masataka.
Nagtungo sila sa canteen at nang makarating ay agad na nagsi-upo ang mga ito. Matipid na napangiti si Aya. Habang nakikipagkuwentuhan si Shin sa kapatid ay hindi maiwasan ni Shin na ibida si Masataka kay Aya.
“Alam mo, Aya, si Masataka ang nagluto ng mga ito,” tukoy nito sa dala niyang pagkain. Naalala naman ni Aya ang nobyo kaya umimik ito.
Masarap rin magluto si Kira, Kuya. Sana makasabay rin natin si Kira minsan. Nagkatinginan sina Masataka at Shin. Tila nawalan ng gana ang huli sa kinakain. Maang na pinakatitigan nito ang nakababatang kapatid.
Agad na napuna ni Aya ang pagkawala ng gana ng kapatid sa kinakain dahil sa binuksan niyang paksa. Parang biglang hindi malulon ni Aya ang kinakain. Sa nagtatakang mga mata ay nagsalitang muli ito.
Bakit, Kuya? Totoo naman. Kung makikilala mo lang siya ay maiintindihan mo na tama ako at—” mabilis na pinigilan ni Shin ang pagsasalita ni Aya.
Tumahimik ka, Aya. Ayaw kong makarinig ng kung anong tungkol sa nobyo mo na walang saysay!” tila nababanas na sabi ni Shin at marahas na napatayo. Walang kaabog-abog silang iniwan nito. Parehas walang namutawing mga salita buhat sa dalawang naiwan. Ilang segundo silang nasa ganoong sitwasyon lang ni Masataka, pawang walang imik. Unang nagsalita si Masataka.
Hayaan mo na lang muna si Shin, Aya. Hindi pa niya kasi matanggap ang tungkol sa nobyo mo,” nagpapaunawang sabi ni Masataka.
Bakit? Ano ba ang dapat patunayan ni Kira kay Kuya Shin? Kahit naman hindi magaling si Kira sa martial arts ay malaki ang naitulong niya sa pagbabago ko,” nanghihinakit na saad ni Aya na nawalan na rin ng ganang kumain.
Natahimik na silang dalawa at kahit walang gana sa pagkain ay itinuloy na lang nila iyon.LUMIPAS ang tatlong araw na walang Kira na nagpe-page sa kaniya. Lalong nalungkot si Aya. Sa tatlong araw na iyon ay hindi siya iniwan ni Masataka. Ilang beses niyang itinaboy ito ngunit hindi talaga ito nakikinig. Lagi itong nasa tabi niya kaya hinayaan na lang niya ang binata kung gusto nitong bumuntot sa kaniya.
Hanggang sa sumapit ang ika-isang linggong araw na walang Kira’ng nagpaparamdam. Tila nagsisikip ang puso ni Aya nang umagang iyon pagkagising niya. Ngunit inisip na lang niyang hindi pa siguro natatapos ang problema nito sa pamilya. Itinaas niya ang mukha upang hindi tuluyang tumulo ang mga luha niyang nagbabadyang bumagsak anumang sandali. Mabilis niyang sinusian ang pintuan ng bahay.
Sa pagharap niya ay agad niyang nabungaran si Masataka. Nag-cute face ito. Pinilit niyang ngumiti para hindi nito mahalata ang naiiyak niyang mga mata.
“Hi, Aya! Tara na’t pumasok!” yaya ni Masataka na sinabayan na lang ni Aya sa paglalakad.
Hindi ka pa ba uuwi sa bahay ninyo, Aya?” Nakatungong umiling lang si Aya.
Hindi pa ba uuwi si Kira? Aba! Parang wala na atang balak umuwi ang magaling mong syota, huh, Aya?” sarkatiskong sabi ni Masataka, dahilan para mapatigil si Aya sa paglalakad. Pati si Masataka ay natigilan at akmang tatapikin nito ang dalaga na nanatiling nakatungo. Bigla ay yumugyog ang mga balikat ng dalaga na tila umiiyak. Dahan-dahang nagsalita si Aya at sa nanginginig na tinig ay. . .
Babalik siya! Alam kong babalikan niya ako, Masataka. Kaya huwag mong sasabihing hindi na niya ako babalikan!” Pilit na pinapatatag ni Aya ang sarili. Dahan-dahan siyang nilapitan ni Masataka at masuyong yinakap.
I’m so sorry, Aya. Hindi ko alam na masasaktan ka sa sinabi ko,” mababang boses na sabi ni Masataka at hinagod-hagod ang likod ng dalaga.
Kahit sa pamamagitan lang no’n ay maibsan ang hapding nararamdaman nito. Hinayaan lang ni Aya ang ginawang hakbang ni Masataka. Tila doon giginhawa ang hapding nararamdaman niya.
Bakit, Masataka? Bakit hanggang ngayon wala pa siya? Miss na miss ko na siya!” nag-iiyak na sabi ni Aya. Halos ilang minuto silang nasa ganoong ayos nang magsalita si Masataka.
Hoy, Aya! Punong-puno na yata ng uhog iyang polo ko, ah?” pagbibiro ni Masataka para ma-lighten up man lang ang mood ng paligid. Mahina siyang tinampal ni Aya na bagamat umiiyak pa ay nagawa pang matawa sa sinabi nito.
Aray! Ano ba yan? Ang sakit naman no’n, Aya!” pabirong aray ni Masataka. Suminghot-singhot pa si Aya habang sinasabi iyon ni Masataka. Tara na nga. Baka magkaiyakan pa tayo rito, Aya! yakag ni Masataka at sumabay na sila sa mga estudyanteng nagsisipasok na rin.
Nang nawala na ang mga bulto nila Aya ay unti-unting lumabas si Kira sa pinagkukublihan. Malungkot niyang tinanaw sa malayo ang papalayong nobya.
Alam kong magiging maayos din ang kalagayan mo, Aya. Malilimutan mo rin ako. Nandiyan naman na si Senpai Masataka,” malungkot na bulong ng isip ni Kira.
Tumikhim mula sa gilid niya ang bodyguard na ipinasama sa kaniya ng ama.
Sir, tara na. Hinihintay na kayo ni Sir sa sasakyan.”
Marahang tumango si Kira at agad na sumunod dito. Mabilis na tinapunan ni Kira ng tingin ang dating apartment. Goodbye, Aya.
BINABASA MO ANG
✔️SOKTOREGGIE(TENJHO TENGE) COMPLETE/ UNDER-EDITED
Fanfiction"Para sa lahat siya ay inosenti, pero sa likod ng maamong mukha nagtatago ang mapait na katotohanan sa tunay niyang pagkatao..." SYNOPSIS Aya Natsume, kabilang sa angkan ng mga Natsume na nagtataglay ng kakaibang mata. Mata ng hinaharap kung tawagi...