“Pssst! Bata?” tawag ng isang estudyante. Napalingon si Aya. “Hindi ka papasok? Tiyak na hindi rito ang classroom mo. Hinahanap mo ba ang Kuya mo sa loob?”“Kilala ba kita?!” gigil na sabi ni Aya. Napatid ang pasensya babae sa inasta niya. “Abnoy!” sigaw ni Aya habang binubuksan ang pintuan. Agad niyang napansin ang paglipad ng isang upuan. Patumbok ito sa kaniyang kinaroroonan. Agad niyang isinangga ang palad. Kasabay niyon ang paglabas ng kaunting puwersa.
Ngunit hindi lang kaunting puwersa ang nagawa niya dahil naging abo ito isang dipa mula sa kaniya. Pati ang mga nag-iingayang estudyante’y nagsitahimik. Pawang napanganga ang lahat sa nakita. Ang iba ay nagbulungan sapagkat sa isang kisapmata’y naging abo ang upuang gamit nila kanina.
Humakbang nang ilang beses si Aya. Sa panghuling hakbang ay tumalon siya sa teachers desk. Itinaas niya nang tuwid ang paningin at saka niya tinitigan ang magulong silid-aralan. Sa pagkakatayo niya sa lamesa, bawat isa’y napapakunoot-noo. Dahan-dahan siyang nagpakilala dahil alam niyang mga low I.Q. ang lahat.
“Magmula sa araw na ‘to, dito na ako mag-aaral. Huwag kayong atat! Mamaya sa labasan ay umpisahan natin ang ninanais ninyo. Alam ko namang nayayabangan kayo, hindi ba?” nagyayabang sagot ni Aya sa harapan.
Habang nagpapakilala naman ang ating bida, matamang nag-uusap ang magnobyo. “Iyang kapatid mo, Maya, pagsabihan mo. Kung hindi mo lang kapatid ang bansot na iyan, baka patulan iyan. Pinapatulan ko ang mga taong matatalas ang dila,” bulong ni Souichiro habang nilalaro niya ang mahabang buhok ng kasintahan.
“Hindi makikinig iyan kahit magsalita ako sa harap niyan,” inis na pahayag niya sa nobyo.
“Saka, babe, lumalaki ba iyan? Ba’t hindi yata nahihirapan?” tanong nito.
Nangunot-noo si Maya. “Ang dami mong tanong!” Pero sa kaloob-looban ni Maya ay naglalaro doon ang kakaibang kaisipan. Oo nga, hindi ko pa siya nakikitang magbago ng anyo. Either maliit siya o hindi na ito lumalaki. Siguro naman ay walang pandak sa kanilang angkan. Mabuting nagkataong ganoon. Hindi sila maipagkukumpara, matatalbugan siya ng kambal kapag nagkataon.
“Bago ang lahat, gusto kong sabihin ang aking rules. Una, ayaw kong maingay o ni makipag-usap. Maliwanag naman sa lahat na hindi ko kayo ka-level. Ikalawa, huwag na huwag ninyong babanggitin ang salitang ito.” Kasabay niyon ang pagsulat niya sa salitang M-A-H-A-L. “Ikatlo, huwag ninyo akong sisisihin kapag napuruhan ko kayo!” nagmamalaking pahayag niya bago muling tumayo sa harap.
“Ako nga pala si Aya Natsume, bunsong kapatid ni Shin Natsume atkambal ng babaeng nakikipaglampungan sa lalaking iyan,” sabay turo sa kakambal.
Agad namang nagsisigaw ang naeskandalong magkasintahan. Bagamat, kitang-kita naman ang paglalampungan ng dalawa.
“Ikaw, bata, kung nasisiyahan ka sa pang-iinsulto. . . Puwes, kami ay hindi. Magpasalamat ka at hindi kita sinisipa palabas ng Todo. Kung hindi ako pinipigilan ni Maya, dapat ay nasa labas ka na, gumagapang sa sakit!” gigil na sabi ni Souichiro.
Hindi man lang kinabahan si Aya. Kung hindi sa suot na salamin ay kanina pa nakita ni Souichiro ang kaniyang mga matang nanlilisik.
“Mr. Souichiro Nagi, huwag na huwag mo akong dinadaan sa ganiyan. Ni katiting na takot ay hindi man lang ako nakakaramdam. Kung ako sa yo, mananahimik ka. Saka hindi kita papatulan dahil napakababa ng pinag-aralan mong martial arts. May chin ka bang itinatago? O kakaibang aura sa loob ng katawan mo man lang? Mukhang wala,” mahabang salaysay ni Aya.
“Ano at. . . "sagot ni Souichiro sa napahiyang tinig.
“Tama na iyan, Souichiro! Pinagtitinginan na tayo. Baka mapag-initan tayo. Ayaw kong ma-detention!” babala ni Maya sa nobyo.
Pero hindi pa nakatalikod ang magkasintahan ay nilundag at tinapakan sa ulo si Souichiro ng batang si Aya. Tumalon rin agad ito para maghanap na ng mauupuan.
Ngunit mabilis siyang hinawakan sa paa ni Souichiro. “Ngayon, babasagin ko ang bao ng ulo mo!” gigil na sigaw ni Souichiro.
Napangisi lang si Aya. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Souichiro. Humawak ito sa kaniyang paa. “Kung ako sa yo, Souichiro Nagi, nanahimik ka na lang sana. Pero pinilit mo ako. Hindi ka sana mababalian ng buto,” anito at pagkatapos ay isang malakas na pagkakabalibag sa sahig ang naganap. Nawalan ng malay ang binata pagkatapos.
“Souichiro!” sigaw na lang ni Maya nang makita ang nagdurugong ulo ni Souichiro.
“Iupo mo na iyang boyfriend mo. Padating na si teacher,” utos ni Aya. Kanina pa pala ito nakaupo at nagbabasa. Hahawakan na sana ito ni Maya para akaying tumayo para bumalik na sa kanilang upuan nang mag-umpisa itong maglakad papunta kay Aya.
“Ikaw, Aya Natsume, ba’t gumawa ka ng ganoong eksena? Paano mo iyon nagawa, huh? Isa ka lamang hamak na kutong lupa. Bakit. . . "
Naputol ang mga iba pang sasabihin ni Souichiro nang biglang magsalita si Aya. “Ikaw na lapastangang tumatayo sa aking harapan. . . Na walang ginawa kundi ang ngumawa sa harapan ko at ipaamoy ang mabahong hininga’y. . .” Isinara nito ang librong ipinatong niya sa lamesa.
“Ay, ano?!” tanong ni Souichiro.
Ngumiti nang mapait si Aya bago itinuloy ang sasabihin ". . . .Ay walang kakayahang sagutin. Hindi ka nababagay sa paaralang ito. Masyado itong mataas para para ituro sa yo ang mga nakatagong galing sa martial arts ng mga Takayanage. Hindi naman liban sa iyo na mas malakas at mas marami akong alam kay Kuya Shin.” lahad ni Aya sa nagmamalaking tinig. "Hindi ba Maya?”Tumingin si Souichiro sa kasintahan. Tumango ito. Nag-isip si Souichiro. Kung mas malakas si Aya nang di hamak kay Shin, tiyak na wala siyang kalaban-laban kahit magpakatanda pa siyang mag-aral ng martial arts. Tumalikod na si Souichiro at napatahimik siya sa narinig.
Ngunit, naghabol pa si Aya. Duwag!”
Nangingiting lumingon at bumalik si Souichiro.“Duwag pala, huh? Mamayang hapon, diyan tayo sa kanto maglaban!” walang alinlangang hamon ni Souichiro sa nakangising si Aya.
Isang malutong na halakhak ang naghari sa buong silid. “Hindi ako isang mababaw para pumatol sa isang walang alam. Napakababaw ng alam mong martial arts. Ikaw, Mr. Souichiro? Nangangrap ka ba nabg dilat ang mga mata? O masyado ka lang hibang? Hindi kaya naghahanap ka lang ng ikamamatay mo? Mamili ka at. . . "
Pero hindi pa natatapos ni Aya sa sinasabi ay walang pasabing sinuntok ni Souichiro ang lamesa. Ang puwersang ginamit ni Souichiro’y tumapon sa mukha ni Aya ikinahati ng salaming nag-uugnay sa mga mata nito.
Imbes na kasiyahan ang maramdaman ni Souichiro ay kakaibang takot ang bumalot sa kaniya. Nanigas siya sa kinatatayuan nang makitang nakapagkit ang mga mata ni Aya sa kaniya. Hindi niya aakalaing ang Riyugang taglay ni Shin ay taglay rin ng nakababatang kapatid nito. Lalo niyang ikinagulat ang dragon na pumapalibot dito. Mistulan iyog galit nang dumako nga ang mga mata ng dragon sa kaniya. Hindi na niya nalaman ang sumunod na nangyari. Tumama siya sa pader at nadurog ang bahaging iyon. Si Aya ay ipinagpatuloy ang pagbabasa.
Dahan-dahan siyang pinaupo ni Maya. “Bakit mo naman kasi ginawa iyon?” tanong ni Maya sa nag-aalalang tinig.
“Taglay pala ni Aya ang Riyugan. Bakit hindi mo sinabi?” Dama pa rin ni Souichiro ang sakit.
Hindi nakakibo si Maya. Hindi liban sa lahat na ang Kuya Shin niya ang nagtataglay ng kakaibang pares ng mga mata na kung tawagin ay Riyugan na ang kahulugan ay “The Dragon’s Eye”.
“Kontrolado na ba niya ang paggamit niyon? Hindi ba siya nahihirapan?” tanong ulit niya sa nobya.
“Hindi, sanay siya,” bulong ni Maya.
Tinitigan niya ang kakambal at pinagmasdang maigi ang kakaibang matang hindi niya namana. Naiinggit siya rito sa madaling salita. Siya lamang sa magkakapatid na Natsume ang hindi nakapagmana ng kakaibang pares ng mga mata.
Minsan pa niyang tinitigan ang kakambal. Lingid sa lahat, siya’y nagtataglay ng maamong mata na binagayan ng kulay orange na buhok. Ngunit sa kabila ng maamo niyang mata ay nagtatago roon ang masakit na katotohanan. Hindi alam ni Maya ang tungkol doon. Si Shin lamang ang nakasaksi sa bawat masasakit na karanasan nito. Mga gabi ng lagim. Kung ano ang mabigat na katotohan sa kapatid.
Napatingin si Aya sa nakatitig na si Maya. Inirapan siya ng naiinis ng huli bago nagpatuloy sa pagbabasa.
BINABASA MO ANG
✔️SOKTOREGGIE(TENJHO TENGE) COMPLETE/ UNDER-EDITED
Fanfiction"Para sa lahat siya ay inosenti, pero sa likod ng maamong mukha nagtatago ang mapait na katotohanan sa tunay niyang pagkatao..." SYNOPSIS Aya Natsume, kabilang sa angkan ng mga Natsume na nagtataglay ng kakaibang mata. Mata ng hinaharap kung tawagi...