CHAPTER THIRTEEN (The confession of Kira)

27 2 1
                                    

MALUNGKOT na nakamasid si Kira sa siwang ng pintuan na pinag-eensayuhan ni Aya. Habang tinitingnan niya si Aya ay biglang nilukuban ng lungkot ang buong katauhan ni Kira.

Kitang-kita niya kung gaano kalayo ang agwat ng kakayahan nila ni Aya. Iyon ang labis niyang ikinalulungkot.

Lulugo-lugo siyang naglakad palayo sa babaeng minamahal na niya. Oo, mahal na niya si Aya. Unang kita pa lang niya rito ay nag-iba na ang pintig ng puso niya. Habang tumatagal ay lalo iyong lumalalim. Nalulungkot siya dahil wala siyang lakas ng loob para sabihin iyon.

Tiyak na kahit na masabi niya ay wala pa ring magbabago. Itatago na lang niya iyon para walang makaalam kundi siya lang. Tuloy-tuloy siyang naglakad palayo.

Habang patuloy na nagsasanay si Aya sa loob ay hindi niya napunang nagdaan ang  oras. Hanggang sa mapatingin sa pintuan si Aya at pumasok doon ang grupo nina Masataka. Nagtataka silang napatingin sa pawisang mukha ni Aya.

Agad inayos ni Aya ang sarili at pinunasan ang pawisang mukha.

Mataman niyang tiningnan ang magkakaibigan na nakamasid sa bawat kilos nya. Tumayo na siya. Nang mag-umpisang maglakad si Aya ay napabaling ang tingin niya kay Masataka na nasa gilid ng pintuang lalabasan.

Nagulat si Masataka nang balingan siya ni Aya at sabihang sumunod sa kaniya.

“Bakit mo naman ako pinasusunod sa iyo? Ano na naman bang trip mo Aya?”
Matamang tinitigan  ito ni Aya at may ibinulong. “Ayaw mo bang palitan ko iyong kinain kong lunch meal mo kahapon? Eh, kung ayaw mo, huwag mo.”

Napangiti si Masataka, dali-daling sumunod sa dalaga. Habang patuloy siya sa pagsunod sa dalaga ay napag-aralan nito ang profile ng dalaga.

Matipid siyang ngumiti. Ayaw man niyang aminin pero gustong-gusto niyang tinititigan si Aya. Mukhang nade-develop na ang nararamdaman niya sa bunsong kapatid nina Shin. Napailing siya at patuloy na sumunod dito.

“Anong tinitingin-tingin mo?” marahas na tanong ni Aya nang mahuli nitong nakatingin sa kaniya ang binata.

“Hindi naman kita tinitingnan, ah? Akin na nga iyong lunch meal ko! Gutom na kaya ako?” himutok ni Masataka.

Napasmirk lang si Aya at itinuon na lang ang paningin sa hagdan. Malapit na sila sa classroom nina Shin. Sakto namang nakauwi na ang ilang estudyante. Ang ibang natitirang estudyante ay nag-uumpisa nang magsikain. Halos mabingi si Aya nang nagtilian ang ibang mga lower student na palapit sa kasama niyang si Masataka.

Napataas ang kilay ni Aya at hinayaang dumugin ito ng mga babaeng estudyante. Dali-dali niyang kinuha ang lunch box. Maglalakad na sana palabas si Aya nang mapansin niya ang papel na nakarolyo sa may desk niya. Kinuha niya iyon at mabilis na binasa. Ayon sa sulat kamay ni Kira ay nanghihingi ito ng paumanhin at kalakip din niyon ang sketch ng mukha niya na kung saan kasalukuyan siyang nagbabasa roon. Parang may kung anong humaplos sa puso niya. Lihim siyang nasisiyahan. Unti-unti niyang itinupi ang papel at isinukbit sa may bulsa niya.

Nalabasan niyang patuloy na pinagkakaguluhan ng mga kababaihan si Masataka. Napataas ang kilay niya nang mapag-aralan ang itsura ng binata. Halos mapuno ng lipsick mark ang mukha nito. Dahan-dahan siyang lumapit dito. “Tapos ka na ba sa mga kalandian mo? Di ba nagugutom ka na? Sumunod ka na lang kapag tapos ka na riyan.”

Mabilis siyang sumunod sa dalaga. Nagpaalam muna siya nang maayos sa mga babaeng nakapaligid sa kaniya. Kinindatan niya ang mga ito kaya lalo silang nagtitili sa kilig. Napailing si Aya at lalong binilisan ang paglalakad. “Wait, Aya, ba’t napakabilis mong maglakad?” habol ni Masataka habang pinupunasan ang mga marka ng lipstick na nasa mukha niya.

✔️SOKTOREGGIE(TENJHO TENGE) COMPLETE/ UNDER-EDITED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon