CHAPTER TWENTY ONE (The Power To Love)

20 2 1
                                    

CHAPTER TWENTY ONE
(The Power To Love)

TILA nagkaroon ng bikig sa lalamunan si Aya. Hindi agad siya nakapagsalita kaya nagpatuloy si Shin. "Saan ka nakatira ngayon?"
Umigkas ang tinitimping galit ni Aya sa nakatatandang kapatid. "Wala kang pakialam kung saan man ako naglulungga ngayon o kung maayos ba ang lagay ko!" piksi ni Aya.

"Ang akala mo ba ay hindi ko alam ang pinaggagawa mo sa mga nakaraang araw?" May pakahulugan si Shin sa sinabi niya kay Aya.

"Ano bang pinagsasabi mo, Kuya Shin? Pinasusundan mo ba ako?!" naririnding buwelta ni Aya.

"Alam mo, kahit hindi kita pasundan ay makikita kita. Kapareho mo’y may Riyugan din ako, Aya."

"Kung nakikita mo ako, e, bakit ang ginagawang panloloko ng girlfriend mo at ng kagrupo nating si Mitsoumi ay hindi mo makita-kita?!" malakas na hiyaw ni Aya na nanginginig pa dahil sa nag-uumapaw na emosyon.

Mabilis na iniiwas ni Shin ang mga mata at muling nagsalita." Aya, maiintindihan mo ako sapagkat alam kong nagmamahal ka na rin,” mahinahong bulong ni Shin ngunit may bahid ng pait sa bawat katagang binitiwan.

"Hindi siya karapat-dapat sa iyo, Aya. Kapag ipinagpatuloy mo iyan. . .” patuloy ni Shin." Itatakwil ka namin sa angkan!" Marahas ang mga salita na binitawan ni Shin. Naikuyom ni Aya ang kamay. Akma na niyang susugurin ito nang makita niya si Kira na papalapit sa kanilang magkapatid.

Nilagpasan ni Kira si Shin at hinawakan sa magkabilang balikat si Aya.

" Aya, bakit bigla kang nawala? May problema na naman ba?"Nagtatakang tanong ni Kira. Napansin nito ang nakatatandang kapatid ni Aya na si Shin Natsume. Nagbow siya bilang paggalang rito.

" He-hello po. Kumusta po kayo?" nahihiyang bati ni Kira. Hindi siya pinansin ni Shin at sa huli’y tinitigan nito ang bunsong kapatid.

"Pag-isipan mo ang sinabi ko, Aya. Kahit na nasa edad ka na, hindi ka pa rin dapat nagdedesisyon nang wala akong permiso. Hindi lahat ng nanaisin mo ay magagawa mo." Huling bilin ni Shin at naglakad na pabalik sa simbahan.

Marahas pa rin ang paghinga ni Aya. Hinayaan lang siya ni Kira sa ganoong ayos, alam niyang bago siya lumapit kanina ay mainit na ang diskusyon ng magkapatid. Dahan-dahang ibinaling ni Aya ang mga mata sa naghihintay na binata.

"Pasensiya ka na Kira, ku-kung hindi mo na natapos ang pagsisimba. Ayaw ko kasing. . ." malungkot na hayag ni Aya ngunit hinawakan ni Kira ang mga kamay niya at marahan siyang ikinulong sa mga bisig nito.

"Ayos lang, Aya. Ayos lang," umiintinding sabi ni Kira. Inalalayan nito si Aya sa paglalakad.

“TARA sa playground, Aya." yakag ni Kira kay Aya. Nakaupo na sila sa may swing at hinahayaang dumapyo ang mabining hangin sa kanilang mukha.
Tinitigan siya ni Aya at sa nalulumbay na tinig, Kira. . .  Tila may bikig sa lalamunan ito nang magsalita.
Hmm? Ano iyon, Aya? maang na tanong ni Kira habang sinisipa-sipa naman ang mga maliliit na bato sa buhanginan.

"Mamahalin mo pa ba ako kung malalaman mong pumapatay ako ng tao? Hindi lang isang tao, kung hindi napakaraming tao? Maging ang mga magulang ko ay napatay ko!” walang anu-anong bunyag ni Aya kay Kira na natigilan naman sa narinig.

Mariing ipinikit ni Aya ang mga mata at nagmalabis roon ang mga luha.

Napadilat siya nang yapusin ni Kira ang kaniyang magkabilang pisngi.

Nakayuko ito sa kaniya at pinupunasan nito ang mga luhang umaagos sa kaniyang magkabilang pisngi. Marahang hinalikan ni Kira sa noo si Aya.

“Kahit ano ka pa. Kahit sino ka pa. Mamahalin kita nang walang alinlangan. Ganoon kita kamahal, Aya,” matamis nitong saad at tuluyang idinampi ni Kira ang labi niya sa naghihintay na labi ng dalaga.

✔️SOKTOREGGIE(TENJHO TENGE) COMPLETE/ UNDER-EDITED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon