HINDI niya alam pero mabilis na tumitibok ang puso niya. Pero tingin niya’y nabibigla lamang siya sa mga nangyayari. Tiyak na mawawala rin ang kakaibang kabang namamahay sa kaloob-looban ni Masataka.
Bakit siya matatakot sa tulad ni Aya na walang ginawa kundi ang manlait. Mas natutuwa nga siya dahil may bata siyang iinisin at tatawanan. Matagal na siyang nababagot sa eskuwelahan mula nang magka-boyfriend si Maya. Kagrupo pa niyang si Souichiro ang naging kasintahan nito. Wala na tuloy siyang napagdidiskitahan. Nakakahiya naman dahil kung eentrada siya ay tiyak na paghihinalaan lang siya ni Souichiro.
May crush siya kay Maya. Hilig niya ang mga cute. Halos araw-araw niyang iniinis si Maya pero ngayon? Hindi na puwede. Ngunit ngayong may Aya na, balik siya sa dating gawi na i-link siya sa dalawang kagrupong babae.
Malaki na talaga ang ipinagbago ng Todo high. Dumami ang mga estudyanteng gustong matuto ng martial arts. Kulang pa sila ng dalawang miyembro sa grupo.
Siya ang nagtayo ng Katanaga Club na ngayon ay pinamumunuhan ng first cousin niyang si Mitsoumi. Ang papa niya rin ang nagpatatag ng alituntunin sa kanilang paaralan. Ang papa niya ang nagtuturo ng Martial Arts sa kanilang paaralan na ngayon ay sanay nang ginagamit ng karamihan dito sa Japan.
Ang Todo high ang namumukod-tanging may curriculum para sa Martial Arts sa buong lupalop ng Japan. Dito nagtitipon-tipon ang mga malalakas na martial masters sa buong Japan na binubuo ng mga Takayanage, Sakura, Nagi, Yuan at ang malalakas at magagaling na nagtataglay ng kakaibang chin ng dragon. Ang mata ng hinaharap na tinatawag na Riyugan, ang mga angkan ng mga Natsume.
“Pareng Masataka, tulala ka na naman?”
“Hindi ka ba napapagod sa kakaisip? Nanood ka na naman siguro ng porn kaya kung saan-saan lumilipad iyang mahalay mong utak!” tatawa-tawang kantiyaw ni Bob. Halatang hindi pinag-isipan ang nasabi.“Sira!” sumbat ni Masataka na binatukan pa ang kaibigan.
“Nagbabakasakali lang ako kung tama ba ang hinala ko. Masama bang mag-assume? Tao lang ako, nagkakamali paminsan-minsan, kaibigan,” buwelta ni Bob na hindi naman nasaktan sa ginawa ng kaibigan.
“Next year, ga-graduate na tayo. Sana naman ay meron tayong maibaong kakaibang experience na hindi natin makakalimutan kahit na kailan,” malalim na sambit ni Masataka sa kaibigan.
“Ikaw naman, pare, kung anu-ano iyang mga naiisip mo. Nagtataka ako sa mga pinagsasabi mo. Enjoy naman ang High School life natin, a? Lalo na sa lovelife ko! Ewan ko lang sa yo, pare? Virgin ka pa ba?” Kasabay niyon ang malakas na tawa nitong hindi na lang pinansin ni Masataka.
“Doon ka na! Parating na si Sir Habas!” pagtataboy niya sa kaibigan nang makitang papasok na ang guro.
“Pero sandali, pare! Tingnan mo si Pareng Shin. Parang lampa sa school pero kapag nakipaglaban ay tiyak na wala kang panama,” huling hirit ni Bob na umupo na sa likuran.
Muli ay tinitigan ni Masataka ang nagbabasang kaibigan. Tulad ito sa pangkaraniwang estudyante na nagbubuklat na lang ng libro. Tatahimik saka magbabasa habang naghihintay sa guro. Parang wala itong kaalam-alam sa martial arts. Ngunit siya na anak pa ng may-ari ng Todo high ay natalo lamang nito sa isang tira lamang. Doon niya unang nakita ang mga mata ng dragon na tila lalamunin siya nang buhay sa isang kisapmata. Mabuti na lang, napigilan si Shin ng mga kasama. Kung hindi, matagal na siyang wala sa mundong ibabaw.
Napakurap siya at tila nahiya sa inasal nang napatingin sa kaniya si Shin. Para siyang sirang plaka sa mga pinaggagawa.
“ILANG minuto na lang, tanghalian na,” sambit ni Aya habang matamang nakikinig sa boring na guro.
BINABASA MO ANG
✔️SOKTOREGGIE(TENJHO TENGE) COMPLETE/ UNDER-EDITED
Fanfiction"Para sa lahat siya ay inosenti, pero sa likod ng maamong mukha nagtatago ang mapait na katotohanan sa tunay niyang pagkatao..." SYNOPSIS Aya Natsume, kabilang sa angkan ng mga Natsume na nagtataglay ng kakaibang mata. Mata ng hinaharap kung tawagi...