CHAPTER SEVENTEEN
(Unforgettable)NANG matapos ang estudyanteng naglalaro ay dali-daling pumaroon si Aya at pinagmasdan ang Giant Hammer. Hahawakan na sana ito ni Aya pero pinigilan siya ni Kira. Pumiksi si Aya. “Oh, bakit? Gusto ko lang namang subukan!” naiinis na sabi ni Aya na bakas sa mukha ang pagkairita.
“Aya, baka masira mo ‘yang Hammer. Wala akong ibabayad,” nakangiting sabi niya kay Aya.
Tumaas ang kilay ni Aya. “Hindi ko naman sisirain. Susubukan ko nga lang,” lahad nito at namaywang pa sa harapan ng binata. Nagpipigil ng tawa ang binata at agad siyang nilapitan nito. “Bakit ka natatawa riyan? Hindi ka nakakatawa, Kira!” napipikong sagot ni Aya.
“Ang cute mo kasing magalit, Aya. Lumalaki butas ng ilong mo,” lahad nito at bahagya pang pinisil ang pisngi ni Aya. Nabigla si Aya at hindi nakahuma. Agad namang tinanggal ni Kira ang kamay at nagpatuloy lang sa pagsasalita. Tila walang nangyaring nakakailang. “Ano bang ginagawa mo riyan, Aya? Pumunta ka na roon,” nakangiting sagot ni Kira. Ngunit sinimangutan lang siya ni Aya at napatingin sa ibang direksyon. “Ano ba, Aya? Sige, ako muna ang susubok, then your turn,” nakangiti nitong dagdag na iginalaw-galaw pa ang magkabilang kilay.
Dahan-dahang ngumiti si Aya at tumango. “Okay, sige, bawiin mo lang iyong sinabi mong lumalaki ang butas ng ilong ko!” inis nitong sabi kay Kira. Nagpapadyak pa ng paa ito.
“Joke lang, Aya. Hindi ka na mabiro. Masanay ka na sa akin. Ganito talaga ako,” natatawang sagot ni Kira na naglalakad na palapit sa Giant Hammer. Napatingin si Kira sa likuran niya. Naroon si Aya at halatang hindi na makapaghintay. Ngumiti siya nang pilit. Ayaw niyang mapahiya sa dalaga. Iniangat niya ang pagkalaki-laking Giant Hammer. Halos naglitawan ang mga pawis ni Kira sa noo. Malakas niyang inihataw at ibinagsak ang hammer upang matantiya ang lakas ng palo ng manlalaro. Pagkatapos niyon ay umikot ang numero nito at inilahad ang nakuha niyang puntos. Natuwa siya dahil nasa tama lang ang score niya. Hindi na nakakahiya sa katulad niyang first timer na sumubok.
Tiningnan niya ang highest score. Talagang napakataas niyon. Hindi basta-basta matatalo. Tumabi sa kaniya si Aya at siniko siya sa may tagiliran. “Papakitaan kita, Kira. Ibi-beat ko ang highest score. Ano? Game? Kapag nanalo ako ay ililibre mo ako ng ice cream?” nakangiting lahad nito.
“Kahit naman hindi mo hilingin ay bibilhan kita, Aya. Sige, bibili lang ako. Pagbalik ko, highest score, ah? nakangiting sang-ayon ni Kira at ginulo ang buhok ni Aya.
“Okay, sige, pero huwag mo masyadong lakasan at baka masira!” pagyayabang nito ngunit may bahid naman ng katotohananan. Inilihis ni Aya ang suot na kimuno.
Napangiti na lang si Kira nang palihim. Natutuwa siya dahil nag-e-enjoy ito sa ginagawa. Bumili siya ng ice cream sa store. Binati rin siya ng mga nagtatrabaho roon. Sabay-sabay na nag-bow ang mga ito bilang pagbati sa kaniya na sinuklian niya ng ngiti. Pagkapasok niya sa playhouse ay halos napapalibutan ang Giant hammer. Dali-dali siyang naglakad palapit sa umpukan.
Napawi ang kaba ni Kira nang makitang ayos lang at nakangiti pa si Aya sa gitna. Tutok na tutok ito sa score board. Hindi pa pala tumitigil sa pag-ikot ang numero. Hinila na niya si Aya palabas. Agad niyang ibinigay rito ang ice cream na binili. “Thanks,” maikli nitong pasasalamat.
“Bakit ba tayo umalis agad? Puwede naman nating hintayin iyong result ng score mo, Aya. Sayang, hindi mo malalaman kung ilan ang score mo,” nagtatakang sabi ni Kira habang tinititigan nito ang dalaga na naupo na sa isang bakanteng upuang nakakalat sa mall.
Tumingin si Aya sa binata. Mamaya pa iyon titigil umikot.”
“Gano’n? Alam na,” natatawang sabi na lang ni Kira dahil sa kawalan ng sasabihin.
Habang ninanamnam nila ang kaniya-kaniyang ice cream ay walang namutawing usapan sa kanilang dalawa. Matagal sila sa ganoong ayos. Halos kuntento na sa pagmasid-masid ang dalawa.
Napatingin si Aya sa direksyon ni Kira mayamaya. “Sana laging ganito. Mainam din pala ang walang iniisip. Ganito pala ang simpleng buhay. . . ang normal na buhay,” bigkas ni Aya na nakatingin lang sa malayo. Pumitik si Kira sa harapan ng mukha ni Aya para bumalik ang atensiyon nito.
“Naman, Aya! Huwag mong sabihing hindi n’yo pa nararanasan ang mga ganitong bagay? Just enjoy the life, Aya! Huwag kang magmadali,” nakangiting bigkas ni Kira sa dalaga. Mistulang bata na napakurap-kurap ito.
“H-hindi ko na nga matandaan kung kailan ang huli naming pasyal nina Kuya. Noong mga bata pa kami ay halos puro pagpapalakas at pag-eensayo ang inaatupag ko.”
Tinitigan siya nang matagal ni Kira at may naisip na ideya. “Kaya nga kasama mo ako ngayon. . . Habang magkasama tayo ay gagawin natin ang hindi mo pa nararanasan. Walang pag-e-ensayo at pagpapalakas. Magiging normal kang tao habang kasama mo ako, Aya. Mag-e-enjoy tayo,” nakangiti nitong sabi kay Aya na nagsimula nang silayan ng ngiti. Hinawakan ni Kira ang palad ni Aya at hindi na binitiwan. Hindi naman pumiksi ang dalaga at tila nagustuhan ang pagkakahawak ng binata sa kaniyang palad. Mariing tumututol ang utak niya pero nanaig ang simbuyo ng puso niya. Tama nga siguro si Kira. Masyado siyang nalango sa pagpapalakas ng kaniyang kapangyarihan. Hindi naman siguro kalabisan kung pagbibigyan niya ang sariling mag-enjoy. Kailangan din niyang mag-unwind kahit paminsan-minsan lang.
Masayang hinila ni Kira si Aya na pumunta sa singing booth. “Marunong kang kumanta, Aya?”
“Ewan ko. Hindi ko pa naranasan ang kumanta,” nahihiyang pag-amin ni Aya.
Nasa loob na sila ng singing booth nang magsalita si Kira. “Puwes, dito, kahit hindi ka marunong kumanta ay walang makaririnig sa yo. Here’s the song list. Pili ka na lang, Aya,” nakangiting paliwanag niya habang inaabot nito ang song book. Habang pumipili si Aya ay nag-umpisang pumindot si Kira at inumpisahang kumanta. Napatigil si Aya sa paglipat ng mga pahina nang mag-umpisa itong kumanta. Ewan niya pero may kakaibang dating ang inaawit ni Kira. Hindi niya alam ang kantang inaawit nito dahil hindi naman siya mahilig makinig at kumanta. Basta ang pamagat ng kanta ay Hiling. Itiniklop niya ang song book at mataman na lang nakinig sa kumakantang binata.Nag-iisang pag-ibig ang nais makamit . . . iyon ay ikaw.
Nag-iisang pangako na hindi magbabago para sa yo.
Saan ka man . . . sana’y maalala mo.
Kailanman asahang hindi magkalayo.Tanging ikaw lamang ang aking iibigin.
Walang ibang hiling kundi yakap mo’t halik.
Hindi malilimutan mga araw nating kay sarap balikan.
At lagi mong isiping walang ibang mahal kundi ikaw.
Malayo ka man . . . sana’y maalala mo.
Kailanman, pangako, hindi magkalayo.Tanging ikaw lamang ang aking iibigin.
Walang ibang hiling . . .
Kundi ang yakap mo’t halik.
Saan ka man . . . sana’y maalala mo.
Kailanman asahan hindi magkalayo.Tanging ikaw lamang ang aking iibigin
Walang ibang hiling kundi ang yakap mo’t halik.
Tanging ikaw lamang ang aking iibigin . . .Napakurap si Aya matapos kumanta si Kira. Sumilay sa mga labi nang binata ang napakatamis na ngiti. Napaawang ang mga labi ni Aya at biglang nag-init ang kaniyang magkabilang pisngi. Agad niyang iniwas ang pagkakatitig sa binata. Napatayo siya nang umupo sa tabi niya ang binata.
Mabilis na hinawakan ni Kira ang palad ni Aya ngunit pumiksi ito sa pagkakahawak niya. Bagamat nagulat si Kira ay patuloy niyang inusisa ito.
“A-anong problema, Aya? May nagawa na naman ba akong mali, Aya? Akala ko ay ayos na tayo at. . .
Ngunit hindi pa natatapos ni Kira ang mga salita ay nag-walk-out na si Aya. Mabilis siyang sumunod ngunit parang bulang nawala si Aya.
BINABASA MO ANG
✔️SOKTOREGGIE(TENJHO TENGE) COMPLETE/ UNDER-EDITED
Fanfiction"Para sa lahat siya ay inosenti, pero sa likod ng maamong mukha nagtatago ang mapait na katotohanan sa tunay niyang pagkatao..." SYNOPSIS Aya Natsume, kabilang sa angkan ng mga Natsume na nagtataglay ng kakaibang mata. Mata ng hinaharap kung tawagi...