CHAPTER TWENTY THREE
(Betrayal)MALALIM na ang gabi nang maalimpungatan si Kira. Lumabas siya saglit ng kuwarto para makainom ng tubig nang mapansin niya ang nobyang nasa likod ng bahay at inihahambalos sa ere ang espadang hawak.
Kitang-kita ni Kira kung paano hugutin pabalik ni Aya sa hangin ang espada. Ang mabilis nitong mga kilos. Ang pawisang katawan ng dalaga. Ang napakaamo nitong mga mata. Napalingon si Aya sa direksiyon ni Kira. Dahan-dahan niyang ibinababa sa lupa ang hawak na espada.
Hinayaan niyang sumayad ito. Tumikhim si Kira para mawala ang bara nito sa lalamunan at nag-umpisa siyang magsalita.
"Bakit hindi ka pa natutulog, Aya?" takang tanong ni Kira, agad na lumapit sa dalaga. Pinunasan ni Aya ang noo gamit ang bimpong nasa gilid.
"Lately hindi ako makatulog, Kira."
Iginiya ni Kira si Aya na umupo sa tapat ng pintuan. Matagal siyang pinagmasdan ng binata. Umaasa itong io-open ng nobya ang problema. Hanggang sa nag-umpisa na ngang magsalita si Aya."Bakit gano'n, Kira? Humingi na nga ako ng tawad sa kakambal ko pero parang ayaw pa rin nitong maniwala. Hindi ba talaga ako karapat-dapat na patawarin?" Anumang sandali ay maiiyak na ito. Huminga muna nang malalim si Kira saka masuyong inakbayan ang nobya. Magaang hinaplos-haplos ni Kira ang buhok ng nobya.
"Nauunawaan ko siya, Aya. Nabibigla lang si Maya dahil sa biglaang pag-iiba mo. Just give her enough time. Sa tamang oras ay magkakaayos rin kayo."
Dahil sa narinig ay nabawasan ang lungkot na bumabalot sa mga mata ni Aya. "Salamat, Kira. Kung hindi dahil sa yo, hindi na ako magbabago," masayang sambit ni Aya at mahigpit na niyakap ang binata. Mariing hinalikan ni Aya sa mga labi ang nobyo. Matapos ang eksenang iyon, inihatid siya ni Kira sa loob. Pumasok na rin sa sariling silid si Kira.
KINABUKASAN. . . Habang papasok sina Aya at Kira ay nanatili lamang silang tahimik habang naglalakad. May ngiti sa mga labi ang bawat isa. Tumingin si Aya sa maaliwalas na langit at hinigpitan lalo ang pagkakahawak sa mga palad ng nobyo.
"Kira, kahit anong mangyari ay hinding-hindi mo ako iiwan," matamis na sambit ni Aya sa binata.
"Oo naman, Aya. Mahal na mahal kita," matamis namang balik-sagot ni Kira. Mabilis na dinampian ng halik sa mga labi ang nobya.
Napatigil naman ang grupo nina Mitsoumi. Nasa kaibayong daan kasi ang mga ito. Nasaksihan lang naman nila ang paghalik ni Kira kay Aya.
"Did you see that, guys? Tama ba ang nakita ko?" gulat pang tanong ni Emi sa mga kasama.
"Hindi kami bulag kaya manahimik ka na lang, Emi," iritang sagot ni Masataka sa sinabi nito.
"Nagseselos ka ba?" natatawang tanong naman ni Bob na inakbayan pa ang inis na inis na binata.
"Huwag n'yo na kasing inisin si Masataka. Magtatampo lang iyan. Hindi na tayo papansinin niyan!" natatawang sagot ni Chiaki.
"Bakit nyo pa kasi itinutukso sakin si Aya, e, may boyfriend na nga di ba?!" inis na sabi ni Masataka. Lalong binilisan ni Masataka ang paglalakad.
"Si Masataka, hindi na mabiro!" natatawa namang dagdag ni Kuzunoha at kumapit na sa braso ni Mitsoumi.
Biglang umimik si Shin na tahimik lang. Nakisali ito sa usapan. "Nayumi, mamayang hapon bago magsiuwian, yayain nyo na munang mamasyal si Aya. Kakausapin lang namin si Kira para na rin sa nalalapit na tournament."
"Ah, sige," nangingiting sabi ni Nayumi na tila tuwang-tuwa. Isa-isang tinawag nito ang mga kaibigang babae sa grupo. Maang na tumingin si Shin sa nakatitig na si Mitsoumi.
BINABASA MO ANG
✔️SOKTOREGGIE(TENJHO TENGE) COMPLETE/ UNDER-EDITED
Fanfiction"Para sa lahat siya ay inosenti, pero sa likod ng maamong mukha nagtatago ang mapait na katotohanan sa tunay niyang pagkatao..." SYNOPSIS Aya Natsume, kabilang sa angkan ng mga Natsume na nagtataglay ng kakaibang mata. Mata ng hinaharap kung tawagi...