UMUWI na si Aya sa kanilang tahanan. Magdidilim na noon kaya nagmadali siyang umakyat sa taas at nagpalit agad ng damit pambahay. Magluluto kasi siya ng dinner. Nakasanayan na nila sa kanilang tahanan na siya ang magluluto pero sa gabing iyon ay magbabago ang lahat. Dahil sa pagtapak pa lang ng mga paa ni Aya sa pintuan ay nabungaran niya sina Maya at Kuya Shin niyang masayang nakikipagkuwentuhan sa babaeng ngayon niya lang nakita. Nakatayo ito sa may puwesto niya, kung saan siya nagluluto. Ang nakakairita ay gamit nito ang apron na gamit niya kapag nagluluto siya. Masayang-masaya ito habang nakikipagkuwentuhan sa dalawa niyang kapatid. Ewan pero nakaramdam siya ng panibugho sa mga nasaksihan.
Kung hindi pa siya tumikhim ay wala pang makakapansin na naroon na pala siya.
“Halika, Aya, at ipakikilala kita kay Nayumi. Tiyak na magkakasundo rin kayo!” nakangiting aya ni Shin. Dali-daling lumapit si Aya.
“Aya, si Nayumi Cy nga pala, transferee sa section namin. Nayumi, si Aya nga pala, bunso namin. Sana makasundo mo rin siya,"pagpapakilala ni Shin sa dalawa.
Napangiti nang matamis si Nayumi at saka naglahad ng kamay. Ngunit tinampal ni Aya ang kamay ng dalaga at dali-daling pumasok sa silid niya.
Bagamat napahiya si Nayumi ay minabuti nitong hayaan ang nangyari. Makaraan ang ilang sandali ay nagmadaling sumunod si Shin at ilang beses na kumatok sa pintuan ni Aya.
“Bubuksan mo ba ang pintuan o wawasakin ko ito?” maingat ngunit bahagyang mabigat ang mga salitang binitiwan ni Shin. Unti-unting niyang binuksan ang pintuan at hinayaan si Shin na pumasok sa loob ng kaniyang kuwarto.
“Ano bang pumasok sa utak mo at ganoon ang iniakto mo sa harap ni Nayumi, Aya? Ang ganda naman ng pakikitungo niya sa iyo pero nagawa mo pa ring bastusin siya nang ganoon!” galit na sita ni Shin sa kapatid.
Maang na napatingin si Aya rito at saka napayuko. “Hindi ko gusto ang pagparito niya sa pamamahay natin, Kuya Shin,” naiinis na bigkas ni Aya na kumukuyom pa ang mga palad.
“Bakit, Aya? Anong karapatan mong pangunahan ako kung sino ang puwedeng pumarito? Mas nakatatanda ako sa iyo,” dagdag sita ni Shin.
“Basta ayokong pumaparito iyang babaeng iyan! Kapag hindi mo siya pinaalis ay ako ang gagawa!” galit na sigaw ni Aya na akmang lalabas na ng kuwarto.
Ngunit mabilis siyang nahawakan sa braso ni Shin at mariing itinulak. Napasubsob si Aya sa sariling kama dahil doon. Nagulat si Aya sa ginawa sa kaniya ng Kuya Shin niya. Hindi siya nasaktan physically pero emotionally ay nasaktan siya. For the first time ay hindi siya pinakinggan ng Kuya niya. Na mula pagkabata ay laging umiintindi at inuuna ang kapakanan niya. Ngunit tila nagbabago na ang lahat dahil ang atensiyong dati ay sa kaniya nauukol ay nasa iba na. Nasa babaeng iyon na ang atensyon ng Kuya Shin niya!
“Tama si Maya. Lagi kitang kinunsinti kaya lalong hindi kita masaway. Nagkamali ako ng pagpapalaki sa iyo, Aya,” mapait na turan ni Shin bago lumabas ng kuwarto.
Naiwan si Aya na tulala at nagdaramdam. Ano ang ibig tukuyin ng nakatatandang kapatid? big ba nitong sabihin ay naging makasarili siya? Na hindi na niya iniisip na mali na pala ang mga ginagawa niya? Iinot-inot siyang humiga at mahigpit na niyakap ang sarili. Tama nga ang panganay na kapatid. Mariin siyang napapikit.
PAGKAGISING niya ng umagang iyon ay napakataas na ang sikat ng araw. Nagmamadali siyang pumanaog ng kaniyang kuwarto upang kausapin si Shin ngunit wala na ito. Ganoon din ang kakambal.
Naglakad siya hanggang sa may kusina at nakita niya ang note na nakadikit sa may ref. “Kainin mo iyang nakahain sa lamesa. Sa iyo rin iyang baunan na nakatabi. Ipinagluto kasi tayo ni Nayumi. Maaga siyang dumaan rito. Shin," basa niya sa note. Mabilis niyang nilakumos ang hawak na papel at ibinato iyon sa kung saan. Galit niyang binalingan ang mga pagkain na nasa lamesa. Ibinalibag niya ang lamesa kaya halos lahat ng pagkain na nakalagay roon ay natapon.
BINABASA MO ANG
✔️SOKTOREGGIE(TENJHO TENGE) COMPLETE/ UNDER-EDITED
Fanfiction"Para sa lahat siya ay inosenti, pero sa likod ng maamong mukha nagtatago ang mapait na katotohanan sa tunay niyang pagkatao..." SYNOPSIS Aya Natsume, kabilang sa angkan ng mga Natsume na nagtataglay ng kakaibang mata. Mata ng hinaharap kung tawagi...