CHAPTER TWENTY EIGHT (The Bloody War Regret)

29 2 1
                                    

CHAPTER TWENTY EIGHT
(The Bloody War  Regret)

LUMIPAS ang maraming oras at halos gabi na nang matapos ang paligsahan. Siyempre, sila pa rin ang champion ngayong taon. Kahit maraming natamong mga sugat at pasa ay masayang-masaya pa rin ang magbabarkada. Dahil may isasabit na naman silang medalya, certificate at tropeo sa divider ng Katanaga Club.
Mga nakangiting pares ng mga mata ang tumitig sa mga plaka, tropeo at medalya na halos mapuno na ang pinaglalagyang divider.
Tara, kuhanan natin ng picture!” masayang pasimuno ni Kuzunoha saka nito pinagkukuhanan ng litrato ang naturang divider.
Group picture din tayo!”
Okay, sige ba! Mag-pose na kayo diyan sa harap ng divider. Ise-set ko lang itong camera!” excited na wika ni Maya.
Inilagay na nito sa harapan ang naturang camera. Iyan, okay na! Pose na kayo! Ano ba, Kuya Shin? Tara lets! Kanina ka pa nakatitig sa buwan ah! Tiling hiyaw ni Maya.
Oo na, p-in-age ko lang si Kira! nakangiting hiyaw  ni Shin nang mag-flush na nga ang lens ng camera.
Tuwang-tuwa ang magbabarkada. Tila walang makakapatid sa kasiyahang namamahay sa kanilang mga puso ngunit hindi lahat ng kasiyahan ay pangmatagalan . . .
Habang nagkakasiyahan ang mga ito ay tila ba nag-iba ang ihip ng hangin sa labas.Tila may bagyong darating. Isa-isang napalingon ang mga pares ng mga mata sa bagong dating.
Mukhang nagkakasiyahan kayo, huh. . . tila galing sa ilalim ng lupa na sabi ni Aya sa mga ito.
Tila naman binalewala ng magbabarkada ang kakaibang nararamdaman, na parang walang iba sa Aya na kaharap.
Oh, Aya! You’re here!” masayang salubong ni Maya at mabilis na tumakbo sa direksiyon ng kakambal. Mahigpit niyang yinakap si Aya. Ewan ni Maya pero na-miss niya ang kakambal, na kapag hindi niya ginawang yakapin ito ay mawawalan na siya ng panahon.
Ayos ka lang ba, Aya?” nagtatakang tanong ni Maya nang mapansing nanlilisik ang mapupulang mga mata ng kakambal! Ngunit ipinagkibit lang ng balikat ni Maya ang kabang biglang umusbong sa kaloob-looban niya! Dahan-dahan siyang napalayo sa mga bisig ng kakambal upang mabigyan sila ng kaunting distansiya. Tila sinilaban ng kakaibang kilabot ang buong katauhan ni Maya nang matitigan nga na niya ang nagliliyab na mga mata ni Aya na puno ng pagkapoot!
Unti-unting napaatras si Maya. Ang malaking pagkakamali niya ay hindi niya inaasahan ang sumunod na pangyayari!
Ba-bakit, Aya? Anong nangyayari sa ‘yo? Kinakapos sa hininga na bigkas ni Maya habang sapo-sapo nito ang sinaksak at nagdurugong sugat sa tiyan niya na ginawa ni Aya gamit ang Soktoreggie. Tumagos mula sa likuran ni Maya ang espada.
Tinatanong mo ako kung ano ang problema ko? Kayo! Kayo ang problema ko. Kaya tatapusin ko kayong lahat dahil sa panlolokong ginawa niyo sa akin at kay Kira! hiyaw ni Aya na walang babalang hinugot ang espadang nakabaon sa katawan ng kakambal! Natimbawang si Maya.
Agad na nilapitan ni Souichiro si Maya, halatang tuliro ito sa pangyayari.  Sa kasamaang palad, wala nang buhay si Maya nang bumagsak ito. Grabe ang natamo ni Maya mula sa pagkakasaksak ng kakambal. May nadaling mga major organs at veins ang espada ni Aya. Humiyaw nang napakalakas si Souichiro. Magbabayad ka, Aya! Ngunit tulad ng nangyari kay Maya ay tumimbawang sa lapag si Souichiro na halos wala na ring buhay! Dahil sa sunod-sunod na nangyari ay tila nasindak at nagulat ang mga natira.
Isa-isang pinakatitigan ni Aya ang lahat. Mababakas ang panlilisik ng kaniyang mga mata. Kababakasan ito ng kawalan ng awa! Dahan-dahang lumapit si Aya. Walang pagpipilian ang magbabarkada kundi gawin ang nararapat kahit sugatan na silang lahat at nanghihina. Kailangan nilang mapigilan si Aya ano man ang mangyari! Sapagkat wala na sa sarili si Aya, sinasakop na ng masamang kapangyarihan ng Soktoreggie ang buong katauhan ng dalaga!
Aya, itigil mo na ito. Alam ko. . . Alam kong alam mo na ang ginawa namin kay Kira. . . ang paglilihim ng grupo. Pero mali ang inaakala mo, Aya. Huwag kang magpabulag sa ipinakita lang ng espadang Soktoreggie. Gumising ka, Aya. Pakiusap!”  pakiusap ni Shin sa bunsong kapatid.
Ngunit nginisian lang siya ni Aya. Magtigil ka, Kuya Shin. Alam mong kabilugan ng buwan ngayon at alam mong nauuhaw ako sa dugo!” malakas at nagwawalang sabi ni Aya.
Mabilis itong sumugod sa kinatatayuan nina Shin. Malungkot na nagtinginan sina Shin at ang mga kasamahang natira. Kahit masakit kay Shin ay nagdesisyon na ito.
Kailangan na natin itong tapusin. Tulungan ninyo ako.
Sabay-sabay silang lumabanan kay Aya. Hanggang sa lumipas ang ilang minuto . . . Si Shin na lamang ang natitira sa grupo niya. Pareho sila ni Aya na may kani-kaniyang natamong mga malulubhang sugat ngunit mas grabe ang nangyari kay Shin.
Halos hindi na maidilat ni Shin ang mga mata at sa nanlalabong mga mata ay nabungaran pa nito ang paglapit ng bunsong kapatid. Mariing hinawakan ni Aya ang espada at itinutok sa nakatatandang kapatid na nakabulagta na!
Katapusan mo na, Kuya Shin!” sigaw ni Aya at mabigat na ibinagsak ang espada. Napalugmok si Shin at sa pagitan ng pag-aagaw buhay ay nagawa pa ring mahawakan ni Shin ang kamay ng bunsong kapatid.
Tila nabuksang dam ang kaniyang isipan at rumaragasa ang mga pangyayaring ipinakita niya sa kapatid. Ang senaryo kaninang umaga na pupunan ng paraan ng magbabarkada ang mga maling nagawa nila rito. Tila binuhusan ng malamig na tubig si Aya. Wala sa sariling binitiwan ni Aya ang hawak na espada ng Soktoreggie. Mariing pinunasan ni Aya ang mga dugong nanlimahid sa kaniyang mukha. Iniikot niya ang paningin at kitang-kita niya ang kalunos-lunos na pangyayari. Pangyayaring siya mismo ang may kagagawan!
Naulit lang ang kasaysayan kung saan napatay ni Aya ang sariling mga magulang noon. Ngayon, ang mga kapatid niya at magiging mga kaibigan rin sana niya ang napatay niya. Unti-unting nabasa ng luha ang kaniyang mga pisngi na humalo sa mga dugo. Dugong nanggaling sa mga napatay niya! Halos humiyaw si Aya sa pagsisisi. Dali-dali niyang nilapitan ang nakatatandang kapatid na humihinga pa.
K-Kuya patawad!” hagulhol ni Aya na ipinatong pa nito ang ulunan ng kapatid sa kaniyang kandungan. Napaubo si Shin. Kalakip niyon ang sariwang dugo.
Masuyo siyang tinitigan ng nakatatandang kapatid. Masuyo siya nitong hinawakan sa pisngi. Isang manipis na ngiti ang sumilay sa nahahapong mukha ni Shin. Kasabay niyon ang pagbagsak ng kamay ni Shin na humahaplos sa pisngi ni Aya. Dahan-dahang pumikit ang mga talukap ng mga mata nito.
Halos mag-hysterical si Aya sa nangyari! Nagsusumigaw ito. Hindi nito matanggap ang mga nangyari.
Habang nasa ganoon ayos si Aya ay tahimik namang naglakad palapit si Kira dito. Halos alam na niya ang nangyari. Dahan-dahan niyang kinuha ang espadang Soktoreggie na puno ng dugo na nanggaling sa mga magkakagrupong Shin, Nayumi, Mitsoumi, Kuzunoha, Masataka, Bob, Chiaki, Bonschichi, Emi, Souichiro at Maya.
Mahigpit na hinawakan ni Kira ang hawakan ng espadang Soktoreggie. Tila kay bigat ng bawat hakbang na ginawa niya. Nang sa wakas nakarating din ito sa harapan ni Aya. Aya,” malungkot na sabi ni Kira.
Mabilis na nabaling ang pansin ni Aya rito na patuloy lang sa pagluha. Gumuhit sa mukha nito ang labis na pagkasabik at pangungulila. Dahan-dahang tumayo si Aya. Mahigpit niyang yinakap ang nobyo na nag-umpisa na ring maiyak.
Kira. . . Kira. . . B-bakit ngayon ka lang?! hagulhol ni Aya at lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa nobyo.
Na-miss mo ba ako?” nanginginig na sabi ni Kira mula sa pagitan ng pagluha nito. Oo. Miss na miss kita, sobra!” Patuloy na iyak ni Aya.
Masuyong hinawakan ni Kira ang baba ng nobya. Itinaas ito ni Kira sapat na para magkatitigan sila sa mga mata.
Hindi mo na ako iiwan ‘di ba, Kira?” tila pagod nang bigkas ni Aya. Lalong hinigpitan ni Kira ang pagkakahapit sa nobya.
Dahan-dahang inilapit ni Kira ang mukha sa nobya.
Hindi na, Aya. Hinding-hindi na kita iiwan. Do you trust me?” naluluhang pa ring saad ni Kira habang masuyong dinampian ng halik sa noo ang nobya.
Yes, I trust you, mahinang bulong na sagot ni Aya. Nagtagpo ang kanilang mga labi. Unti-unti namang itinaas ni Kira ang espadang Soktoreggie sa likuran ni Aya.
Sa isang kisapmata’y tuluyang itinarak nito sa likuran ng nobya ang espada. Tumagos iyon hanggang sa likuran ni Kira. Mahigpit nilang hinawakan ang bawat isa at sabay silang natumba. Sa naghihingalong mga buhay ay nagawa pa nilang mahawakan ang mga kamay ng bawat isa.
Sa dahan-dahang pagpikit ng mga mata nilay tumakas naman doon ang isang butil ng luha. Luha na kung saan ay dala-dala ng bawat isa ang pait ng isang nakaraan . . .

✔️SOKTOREGGIE(TENJHO TENGE) COMPLETE/ UNDER-EDITED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon