CHAPTER FIVE (Get To Know Her More)

44 3 0
                                    

MARAHAS ang paghingang ginawa ni Masataka sa unang pagkakataon. “Akala ko’y papatayin ako ng batang iyon, Shin. Kung makatingin siya ay parang malalagutan ka ng hininga.”

“Pasensiya na, Masataka, akala ko’y huhugutin ni Aya ang espada.”

“Bakit hinahayaan mong magdala ng ganoon kahabang espada si Aya? Halos kasing-laki ko na iyon! Ang lakas niya. Kung gamitin niya ay parang hindi man lang siya pinagpapawisan. Ang galing ng kapatid ninyo, Shin! Shin?” tanong ni Masataka sa nag-iisip na kaibigan.

Masisiyahan ba siya o masasaktan dahil sa papuri ng kaibigan kay Aya? Nag-aalala siya sa kapatid. Magmula nang mahawakan nito ang espada ay wala nang iniisip ang bunsong kapatid  kundi ang magpalakas.  Maiintindihan niyang pinapalakas lamang nito ang Riyugan at Chin sa loob ng katawan.
Ngunit kailanman, hindi niya tatanggapin ang kapalarang nakalaan sa kapatid.

Sumpa ang kaakibat na ng pinagdadaanan ni Aya sa kasaluKuyan.
Sa ayaw at sa gusto niya, darating ang gabing kailanman ay hindi niya papangaraping dumating sa kapatid. Ang pinakamadilim na bahagi ng buhay sa kapatid niyang si Aya. Ang gabi kung saan gigising ang sumpa na sobra niyang kinatatakutan.

Kung maaari lamang na angkinin niya ang kapalaran ng kapatid ay gagawin niya. Ngunit hindi maari. Wala siyang magagawa para mailayo ito sa madilim nitong kapalaran.

“Shin? B-bakit? May problema ba?” tanong ni Masataka.

W-wala,” sagot ni Shin. Halatang pinilit ang pagngiti.

“Wala nga ba? Sa kaso ng kapatid mo, Shin, ngayon pa lang ay nahihirapan ka na,” sabat ni Mitsoumi.

“Mauna na ako Shin,” pamamaalam ni Masataka.

“Ano bang kabalbalan ang sinasabi mo, Mitsoumi?” nagtatakang tanong ni Shin.

“Pare, alam ko,” sagot nito habang sinisindihan ang sigarilyo.

Tumingin nang masama si Shin dito.

“Kung anumang klaseng kalokohan ang gusto mong sabihin ay huwag mo nang ituloy,” sabi niya at pagkatapos ay tumalikod na para pumasok sa unang klase.

Humithit muna si Mitsoumi ng sigarilyo bago ipinagpatuloy ang naudlot na sasabhin. “Bakit hawak ng bunso mong kapatid ang espadang iyon, Shin?”
“Wala kang pakialam!” pagalit na sagot ni Shin kay Mitsoumi.

“Pare, alam ko ang lihim ng espadang hawak ni Aya. Mabuti at hindi ako nagsalita. Naisiwalat sana sa lahat ang lihim ng espada.”

“Mitsoumi, huwag na huwag mong babalakan ng masama si Aya. Kung hindi ay buburahin kita rito sa mundo.”

“Easy, pare,” sabay tapik niya sa balikat ni Shin. “Wala akong gagawing masama. Susubaybayan ko lamang siya,” seryosong pagtatapos ni Mitsoumi bago magtungo sa loob ng paaralan.

HUWAG kang magugulat, Ms. Aya, kung may mangyari sa yo sa loob ng campus. Alam mo naman ang mga kabataan. . . wala nang sinasantong nilikha,” mataray na babala ng guro kay Aya.

Ngunit imbes na matakot ay natutuwa pa siya. Para sa kaniya, ang mga ganitong bagay na kinatatakutan ng mga ibang kabataan ay laro lamang at pag-eensayo sa kaniya.

“. . .kaya mag-iingat ka. Lalo nat ikaw ay nanggaling sa angkan ng mga Natsume. Kilala kayong malalakas at magagaling sa larangan ng martial arts,” paalala ng guro.

Nakarating sila sa harapan ng pintuan. “Ikaw, Ms. Aya, tumahimik ka na lang para hindi ka pag-initan. Ikaw ang bunsong kapatid ni Shin. Tiyak na hindi ka nila palalampasing mapuruhan,” pagtatapos ng guro. Mabilis itong nagpaalam sa kaniya.

Ilang minuto pa siyang nakatayo sa harapan ng pintuan. Iniisip niya ang kasasabi ng guro. Nagalak siya nang mapagtantong malilibang siyang muli sa paaralang pinapasukan ng mga kapatid.

Hindi siya nasiyahan sa dating paaralang ngayon ay wala na. Nasunog ito sa kadiliman ng gabi. Naaalala pa niya ang gabi kung saan naganap ang kalunos-lunos na pangyayari.

Para sa lahat, ito’y isang dilubyong hindi makakalimutan ng sino man. Mantakin mo, sa isang gabi ay naubos ang buhay ng mga estudyante at guro ng paaralang St. Taro? Sa ikatlong gabi ng camp yard ng mga ito ay halos dalawang libo ang namatay sa trahedyang iyon. Hanggang sa araw na ito ay hindi pa rin tukoy ng may kapangyarihan kung sino ang may kagagawan ng nakakatakot na pangyayaring naganap. Ayon sa pagsisiyasat, mga hati-hating katawan sa buong campus ang nagkalat.

Narinig pa ni Aya dati ang isang matabang ale na nakikihuntutan. “Ano ba iyan? Tao ba talaga ang pumatay sa mga iyan o halimaw?” mariing bigkas nito.

Napatingin ito nang matalim sa kaniya saka siya iniwang mag-isa. Pinuntahan niya ang kaisa-isang natira sa pangyayari. Mag-isa itong nakahilata sa higaan. Matamang tinitigan ni Aya ito. Dahan-dahang itinaas ang kamay saka naglabasan ang matutulis na kuko.
Nagmulat ito ng mata at sa sindak ay hindi makagalaw dahil na rin sa mga natamong sugat.

“Maawa ka sa akin! H-hindi kita isusumbong. Buhayin mo lamang ako.”
Imbes na maawa, lalong sumidhi sa kaniya ang kagustuhan. “Maawa? Pero wala akong awa! Magdadahan-dahan lang ako.”

Kasabay niyon ay ang isang impit na iyak at sigaw. Dahan-dahang niyang pinisa ang pusong kanina’y titibok-tibok pa.

“Sana maulit pa. . .” bulong ni Aya.

✔️SOKTOREGGIE(TENJHO TENGE) COMPLETE/ UNDER-EDITED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon