CHAPTER TWENTY SEVEN (Tournament)

21 2 0
                                    

CHAPTER TWENTY SEVEN
(Tournament)

MAAGANG nagtipon-tipon ang magkakagrupo sa Katanaga Club upang gawin ang mga nakasanayang ritual kada taon bago sumabak sa napipintong tournament.
Ano? Kumpleto na ba tayo? Malapit nang mag-umpisa ang tournament! Magpapawis na kayo.” Pag-uumpisa ni Mitsoumi sa mga kagrupo.
Ah, wala pa si Masataka. Tiyak late na naman iyon, pare!” pagbibiro ni Bonschichi.
Napa-smirk na lang si Mitsoumi.
Hayaan ninyo ang ungas na iyon, tiyak darating iyon. Hindi naman babaliwalain no’n ang importanteng araw na ito dahil huling year na natin ito,” seryosong saad ni Mitsoumi at ibinaling ang isip sa napipintong paligsahan.
Napatigil sa pag-eensayo ang magbabarkada nang mabungaran sa pintuan sina Maya at Shin.
Palalampasin ko ang pagdating niyo ng late, Shin, dahil kayo ang naghanda ng makakain ng grupo!” walang kaemo-emosyong sabi ni Mitsoumi.
Mula sa labas ng campus ay dali-daling nagtatakbo si Masataka. Natitiyak nitong late na naman siya. As in, late na late na! Hindi kasi siya agad nakatulog dahil sa pag-aalala kay Aya nang mga nagdaang gabi. Mula sa kung saan ay napatingin siya sa puno ng cherry na unti-unti nang nalalagasan ng mga bulaklak dahil na rin sa napipintong taglagas.
Bigla na lang siyang napahinto sa paglalakad. Pinakatitigan ang dahan-dahang pagliparan ng mga talukap ng bulaklak ng cherry tree. Marahang ibinaling ni Masataka ang ulo.
Parang may kakaiba sa araw na ito? Parang naulit na ito, a. De javu? halos pabulong na usal ni Masataka sa sarili.
Kinikilabutan ito sa nararamdaman. Ano ba iyan? Kung anu-ano tuloy naiisip ko!”
Dahan-dahang naglakad si Masataka papasok sa loob ng Katanaga Club kung saan maririnig niya ang mga boses ng mga kasamahan niyang nag-eensayo. Kapapasok pa lang niya ay malakas na siyang tinapik ni Bob.
Late ka na naman. Saan ka ba nagpupunta?” malakas na sabi nito sa binata. Ano ba, Bob? Masakit!” Nakangiting aray ni Masataka na hindi naman talaga nasaktan.
Maang siyang pinakatitigan ni Mitsoumi na seryosong-seryoso.
Late ka na naman. Sana next year agahan mo naman dahil hindi ka na pwedeng ma-late. Ikaw na kasi ang hahawak muli ng club, pinsan,” nakangiting saad ni Mitsoumi na ikinalaki ng mga mata ni Masataka.

What? Bakit naman, Mitz? May binabalak ka bang ibang gawin? Akala ko ba ikaw na ang tuluyang magma-manage sa mga susunod na miyembro?” sunod-sunod na tanong ni Masataka na nandidilat pa ang mga mata.
Napangiti na lang si Mitsoumi. Magaang tinapik-tapik lang ang balikat ng pinsan. May iba na akong plano, Masataka. Pupunta ako ng America, walang ano-anong sabi ni Mitsoumi.
Ganoon ba? So, ayos na tayo? Hindi ka na galit sa akin?” Naguguluhan pa rin si Masataka ngunit may halong kasiyahan ang nadarama nito. Ngumiti ng totoo si Mitsoumi upang ipaabot nito ang sagot na nakuha naman ni Masataka. Nagkamayan silang magpinsan. Nagkatitigan ang magpinsan na nagkaayos na rin sa wakas! Masayang-masaya naman silang nilapitan ng mga kagrupo at nag-group hug.
“Ay! Akala ko never na kayong magbabati, eh!” pabirong iyak na emote ni Emi. Muli, nagyakapan sila.
Pare, pasensya na kung naging mapusok ako, sinserong sabi ni ni Mitsoumi kay Shin na akma na sanang tatalikod ngunit mabilis na nahawakan ng una ang braso ng kaibigan. Hindi lang si Aya ang nagawan ko ng mali, ikaw rin,” malungkot na saad ni Mitsoumi. Tila ipinaparating sa kaibigan ang taos-puso nitong paghingi ng tawad sa kaibigan. Maang siyang tinitigan ni Shin at sa naghihinakit na mga mata at boses ay nag-umpisang magsalita si Shin.
Bakit, Mitsoumi? Bakit mo nagawa ang mga ganoong bagay sa pamilya ko? Halos sabay na tayong lumaki!” Napabaling ang sulyap ni Mitsoumi sa maaliwalas na kalangitan.
Nagawa ko iyon, Shin, dahil. . .” Mataman muna siyang pinakatitigan ni Mitsoumi. Sa nagdaramdam na mga mata ay muli nitong dinugtungan ang sasabihin. “. . .si Aya ang pumatay sa aking ama!
Malakas na mga singhap ang maririnig sa buong silid.
Naningkit ang mga mata ni Shin na parang hindi makapaniwala. “Paano mo masasabing si Aya nga ang tunay na pumatay sa ama mo, Mitsoumi? Wala kang ebidensya!” gigil na sigaw ni Shin.
Pinigilan nina Souichiro at Bonschichi ang kaibigang si Shin na tila aambangan na ng suntok ang kaibigang si Mitsoumi.
Totoo ang sinasabi ko, Shin. Si Aya nga. Noong una kong matuklasan ay ayaw kong paniwalaan pero ang papa mismo ang nagsabi! Di ba’t si Aya lang naman ang gumagamit no’n? Alam kong alam mo iyan, Shin, dahil buhat nang mapaslang ni Aya ang mga magulang niyo ay napatay rin ni Aya ang ama ko!”
Ilang minuto ang nagdaan bago nahamig ng bawat isa ang kanilang mga sarili !
Kaya hindi mo ako masisisi kung bakit ko iyon plinano. Now, we’re quits!” walang emosyong bitaw ng mga salita ni Mitsoumi.
Mabilis siyang kinuwelyuhan ni Shin at sa mga nanlilisik na mga mata, siya ay nagsalita.
Bakit, Mitsoumi? May nangyari ba, huh? Meron ka bang napala? Wala, wala kang napala! Pare-parehas lang tayong nawalan ng mga magulang!” mariing bulong ni Shin at sa nag-aalab na mga mata, tumitig ito ng kay Mitsoumi. Mahinang itinulak ni Mitsoumi si Shin.
Oo, wala akong napala at oo tama ka! Hindi ko na maibabalik ang lahat lalong-lalo na si Papa. Kaya nga pinagsisisihan ko na ang lahat!”
Unti-unting lumambot ang ekspresyon ni Shin. Inunawa na lang nito ang nararamdaman ng kaibigan. Alam niya kung gaano kasakit mawalan ng mga magulang at hindi niya maitat’wang napakasakit niyon! Marahang ginulo ni Shin ang buhok ng kaibigan.
Sorry din, Mitsoumi,” paumanhin din ni Shin na sinuklian naman ni Mitsoumi ng isang totoong ngiti.
All right! Sa wakas, nagkaayos na rin ang barkada. Tara na sa big dome! Masayang sambit ni Maya sa lahat at masayang kumapit sa braso ng nobyo.
Nang makarating sila sa big dome ay halos magsigawan ang mga estudyanteng naroroon.
Ladies and gentlemen, let’s welcome the arrival of Katanaga Club members! Malakas na anunsiyo ng tagapagsalita na ikinahiyaw ng mga estudyanteng manunuod.
Sila po ang defending champion this year. Meron na kayang kukuha ng trono? So, guys, let’s begin the competition. Salamat sa mga sponsors for this competition! So, sit down and relax. Just enjoy the show guys!” malakas na sabi nito at lalong lumakas pa ang hiyawan sa arena.
Nagkatinginan ang magbabarkada. Mayamaya’y nagtaas ng kamay si Masataka na tila may gustong ipasabi.
Guys, hindi raw darating si Aya. Masama raw ang pakiramdam. Puntahan na lang daw niya tayo sa Katanaga Club,” tuloy-tuloy na winika ni Masataka sa mga nagwawarm-up na kagrupo. Nagkatinginan na lang ang magbabarkada. Sabay-sabay silang nagsitayo at nag-usap-usap. Matapos ang maikling pulong ay nag-umpisa na ang pinakahihintay at pinakamalaking event sa Todo High, ang paligsahan sa pampalakasan ngayong taon.

✔️SOKTOREGGIE(TENJHO TENGE) COMPLETE/ UNDER-EDITED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon