CHAPTER TWENTY SIX (Riyugan)

21 2 0
                                    

CHAPTER TWENTY SIX
(Riyugan)

HALOS isang buwan ang matuling lumipas magmula nang umalis si Kira. Nandoon pa rin si Aya sa bahay ng binata. Araw-araw niyang pini-page si Kira. Araw-araw rin na wala siyang nakukuhang sagot rito. Halos gabi-gabing nag-iiyak si Aya dahil sa paghihintay sa nobyo.
Sa mga gabing lumipas ay hindi siya iniwan ni Masataka. Natuto siyang uminom ng alak at sa tuwing nalalasing siya ay hindi niya mapigilan ang pag-iyak.
Kakauwi lang ng gabing iyon ni Aya. Naglabas siya ng iinuming alak sa may ref. Wala na naman siyang ganang kumain sa gabing iyon tulad ng mga nakaraang gabi. Halos hindi na siya kumakain.
Habang lumalagok ng alak ay mapait na napangiti si Aya. Tila lutang siya sa mga nagdaang araw. Unti-unting tumulo sa kaniyang magkabilang pisngi ang mga luha.
Napalingon si Aya sa binatang umupo sa kaniyang tabi. Kinuha na niya ang bote ng alak na wala ng laman. Itinabi na lang nito sa gilid ang bote. Iniabot nito ang dalang pagkain na bagong luto lamang. Tinitigan lamang ni Aya ito at itinabi sa gilid.
“Aya, kumain ka na. Ilang araw ka ng ganiyan,” pilit na udyok ni Masataka sa dalaga.
Walang emosyong tinitigan lang ni Aya ang binata.
Napakasakit, Masataka. Ang sakit-sakit palang magmahal. Pagkasabi nito ng mga salitang iyon, agad itong napahagulhol.
Aya, halos pabulong na bigkas ni Masataka. Hindi na alam ni Masataka kung paano kukonsolahin ang dalaga na ngayon ay malaki na ang ipinagbago. Alam niyang depress na depress na ang dalaga dahil sa paglayo at pag-iwan rito ng nobyo.
Sa araw-araw na nakikita niya itong ganoon ay gustong-gusto na niyang aminin rito ang lahat. Napalingon ulit si Masataka sa dalaga nang muli itong nagsalita.
Ba-bakit? Ano bang ginawa kong mali? Ibinaba ko ang lahat-lahat para sa kaniya at ganito ang isusukli niya! madamdaming hayag ni Aya at mariin pang ikinuyom nito ang mga palad.
Tama na nga ‘yan, Aya. N-nandirito naman ako,” malungkot na sabi ni Masataka sa dalaga. Dahan-dahan siyang nilingon ni Aya. Noong mga unang linggo na wala si Kira sa tabi niya ay nagparamdam na si Masataka sa kaniya na ipinagkibit lang niya. Ngunit sa mga nagdaang araw na nakakasama niya ito, ramdam niyang may mas malalim pala itong pagtingin sa kaniya. Bibigyan niya lamang ang binata ng rejection.
Hanggang sa magpasiya ng umuwi si Masataka. Aya, maaga kang pumasok bukas para makapagpapawis ka pa para sa tournament.
Tila napapitlag si Aya dahil sa tinuran ng kasama.
Bukas na pala iyon. Muntik na akong makalimot. Salamat at ipinaalala mo, Masataka.”
Isang matipid na ngiti ang isinukli ng binata. Bago umalis ay ginulo muna ni Masataka ang buhok ni Aya na nakagawian na niyang gawin.
Oh, siya sige. Good night, Aya,” maiksing hayag ni Masataka at naglakad na sa kadiliman ng gabi.
Pumasok na si Aya sa silid niya. Iniisip niya ang huling paksa nila ng binata.  “Bukas na pala ang tournament. Bakit ko ba iyon nakaligtaan?” Sa mga nagdaang araw ay si Kira kasi ang pulos laman ng isip niya. Mariin na niyang ipinikit ang mga mata, kalakip pa rin ang nagmamaliw na pakiramdam. “Kailangan ko nang magpahinga. Muli ay sinalakay na naman siya ng pag-iisa.
Unti-unting nagsipagbasakan sa maamo niyang mga mata ang mga butil ng luha na akala niya’y ubos na.
“Ka-kailangan ko na sigurong kalimutan ang lahat ng mga nangyari sa amin ni Kira. . . ang mga alaala niya. Kailangan. . . makaya ko! Ngunit mabuway ang mga salitang lumabas sa mga labi nito. Tila hindi kayang mapanindigan ang bawat binitiwang mga salita.
Muli ay napaiyak si Aya at halos humahagulgol na ito. Nasa ganoon siyang sitwasyon nang may maramdaman siyang kakaibang aura. Sa isang banda ng kaniyang kuwartong kinaroroonan ay biglang may nagliwanag. Dahan-dahan niyang tinitigan ang espada ng Soktoreggie. Tila nagbibigay na naman ng kakaibang puwersa ang liwanag na bumabalot rito. Marahan siyang lumapit at pinagmasdan ang espadang matagal niyang hindi nahawakan at nagamit. Ang dahilan lang naman ay dahil sa pagkasawi niya sa pag-ibig. Masuyo niya itong hinawakan.
Tila may malamig na bagay ang humahawak sa pusong sugatan ni Aya. Mahigpit niyang niyakap ang espadang Soktoreggie. Humagulhol siya ng iyak rito. Tila ito na lang ang nag-iisang makakalutas sa kaniyang problemang kinakaharap.
Bigla na lang natahimik si Aya sa pag-iyak. Mayamaya ay napuno na ng kakaibang tawa ang loob ng kuwartong kinaroronan niya. Tila wala sa sariling napatingin si Aya sa itaas ng kisame. Matamang itinutok niya roon ang kulay dugong mga mata ng dragon na taglay ni Aya mula pagkabata. Parang eksena sa pelikulang naglitawan sa isip ni Aya ang mga pangyayari kung saan pinagtulungang bugbugin ng kaniyang mga kagrupo si Kira. Lalo pa siyang nasindak sapagkat ang Kuya Shin niya na kaniyang pinagkatiwalaan ang siyang pasimuno! Mas humigpit ang pagkakayapos ni Aya sa espada. Lalong napabuka ang mga mata ng dragon habang lumalalim ang mga senaryo ng totoong nangyari.
Ang mga katanungang pumaimbabaw sa balintataw ni Aya na binibigyang kasagutan na ngayon ng espadang Soktoreggie. Gamit ang kaniyang Riyugan.
Matapos ang maiksing pagpapakita sa kaniya ay matagal muna bago ito hindi nakaimik. Tila nakikiramdam lang sa huni ng paligid. Dahan-dahan siyang napatayo at nagbalik sa kaniyang kama. Hawak na nito ang espadang Soktoreggie na kailanman ay hinding-hindi na niya bibitiwan.
Mapait na napangiti si Aya. Sa nakakakilabot na boses ay nagwika ito. Ganoon pala ang totoong nangyari! puno ng hinanakit na sabi ni Aya at lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa espada. Bago hilain ng antok si Aya ay maiksing sumagi sa isip niya ang mga gunitang iyon. Matamis siyang napangisi.
Kabilugan ng buwan bukas ng gabi. Maghintay kayo at pagbabayarin ko kayo sa mga ginawa ninyo kay Kira!” makahulugang sambit ni Aya. Tuluyan na siyang hinila ng antok na kung saan doon niya lang nakakasama ang mga alaala ng minamahal na nobyo.

✔️SOKTOREGGIE(TENJHO TENGE) COMPLETE/ UNDER-EDITED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon