CHAPTER TWENTY TWO (The Good Side Of Aya)

20 2 0
                                    

CHAPTER TWENTY TWO
(The Good Side Of Aya)

MAAGANG nagising si Aya kinabukasan para ipaghanda ng makakain si Kira. Marahan niyang sinilip ang binata sa silid nito na mahimbing pang natutulog. Patapos na siya sa kaniyang ginagawa nang mula sa likuran ay may mga bisig na yumakap sa kaniya.

"Good morning mahal. Alam mo, namiss kita! Napaniginipan din pala kita,"magaang sabi ni Kira habang idinantay nito ang ulo sa balikat ni Aya.

" Ano ba, Kira? Magkasama na nga tayo dito sa bahay. . . namimiss mo pa ako?” kinikilig na tanong ni Aya.

"Ayaw mo no’n? Lagi kitang gustong makasama, Aya,” husky ang boses nitong sabi at saka dinampian ng masuyong halik sa mga labi ang dalaga. Nagtagal sila sa ganoong ayos.

Tila hindi nila namamalayan ang bawat segundo na lumipas nang. . .
" Aya, iyong itlog nasusunog na ata,” bulong ni Kira na ikinagulat naman ng dalaga.

"Ikaw kasi, Kira! Ginugulo mo ako,” may himig na naninisi si Aya sa tinuran nito.

“Ikaw kasi. Naadik ka na sa akin niyan, Aya,” pang-aalaska pa ni Kira.
“Tumahimim ka na’t kakain na,” patuloy ni Aya sa usapan.

Tahimik silang kumakain nang biglang nagbukas ng topic si Kira.

"Aya. . . seryosong tawag sa kaniya ni Kira. Natigilan si Aya sa pagsubo at mataman na pinakatitigan nito ang seryosong mukha ng binata. Ba-bakit, Kira? Hindi ako sanay sa kaseryosohan mo. Lighten up!” walang anu-anong sabi ni Aya, iniwas nito ang paningin.

"Papayag ka bang umalis ng bansa, Aya? Sumama ka na sa akin sa States at doon na tayo tumira. Payag ka ba, Aya?" tanong nito na puno ng agam-agam ang mga mata. Isang ngiti ang pumunit sa tahimik na usapan.

"Oo naman, Kira. Sasama ako sa iyo kahit saan ka man magpunta. Mahal na mahal kita. Napangiti na lang si Kira at ipinagpatuloy ang naudlot na pagkain.

Palabas na sila ng bahay nang mabilis na nagbalik si Aya at kinuha ang espadang Soktoreggie. “Aya, kung maaari ay iwanan mo na iyan,” sabi ni Kira.

Panatag kasi ang loob ko kapag hawak-hawak ko ito Kira,” walang anu-anong sagot ni Aya at sinabayan na sa paglalakad ang binata.

MABILIS na lumipas ang mga minuto hanggang sa nakarating na nga sila sa may gate ng campus. Kitang-kita niya roon ang mga nagtitipon na kagrupo nila sa Katanaga Club. Marahan siyang tumingin sa binatang tila hindi mapakali.

"Ano ang problema, Kira?" takang tanong ni Aya sa binata.

“Ah. . . Kasi, Aya, hindi ako sanay na pinagtitinginan ng nakararami. . . na may nobya akong sikat,” nahihiyang pag-amin ni Kira habang nakayuko. Marahang itinaas ni Aya ang mukha ng binata.

"Huwag kang mabahala, Kira. Hindi kita iiwan sa ere,” masuyong saad ng dalaga at hinawakan nito ng mahigpit ang palad ng boyfriend.

Nagtuloy-tuloy sila na pumasok ng school prime. Mula naman sa kalayuan ay hindi naiwasan ng magbabarkada ang nakita kaya nagmulan naman iyon ng usapan.
"Sino kaya iyong bagong kasama ni Kira? Transferee rin ba, Shin?" tanong ni Nayumi.

"Hindi siya transferee, Nayumi," balik sagot ni Shin rito.

"E, sino ba iyon?" tanong pa rin ni Nayumi na tila naiinis na sinundan ng tingin ang naglalakad na sina Aya at Kira.

"Si Aya iyan," walang kagatol-gatol na sabi ni Shin na nag-umpisa nang maglakad papasok.

"What?!" sabay-sabay na sabi ng magbabarkada. Pati sina Maya at Souichiro na busy sa paghaharutan ay nagulat din.

✔️SOKTOREGGIE(TENJHO TENGE) COMPLETE/ UNDER-EDITED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon