CHAPTER TWENTY
(Realization)MAAGANG nagising si Kira. Ipagluluto niya si Aya ng masarap na almusal. Alam niyang dumating ito kagabi dahil narinig niya ang pagbukas at pagsara ng gate sa labas. Gumawa siya ng mainit na soup at nagluto ng kanin dahil hindi nakapag-dinner kagabi si Aya. Tiyak gutom na gutom ito. Nakahanda na ang lahat sa lamesa nang mapagdesisyunan na ni Kira na katukin na sa kuwarto ang dalaga. Nakailang katok na siya sa pinto ay hindi pa rin ito nagbubukas kaya minabuti na lamang niyang pasukin at kusang gisingin ang dalaga. Pinihit niya ang seradura at dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng silid ni Aya. Maingat niyang inilapat ulit ang pinto pasara. Dahan-dahang naglakad palapit sa kama si Kira. Napanganga si Kira dahil hindi si Aya ang nasa kama kung hindi isang estrangherang babae. Hindi lang basta babae. . . napakagandang babae!
Napalunok ng ilang beses si Kira bago tinapik nito ang braso ng babaing estranghera. Napaigtad si Aya sa kirot na agad sumalakay sa kaniyang balikat. Hindi pa lubos ang paggaling nito kaya ganoon na lamang ang naramdaman niyang sakit.
Maang na tinitigan ni Aya si Kira. Ano ba, Kira? Ang aga-aga pa binubulabog mo na ang tulog ko! naiinis nitong sabi sa binata. Napalayo si Kira nang umupo si Aya sa kama at tinitigan siya nito na parang inis na inis!
Pero hindi papatalo si Kira dahil pamamahay niya ito. Siya dapat ang magmataas at hindi ang babaeng kaharap. Saka hindi niya ito kakilala kaya dapat na ito ang mag-alangan at hindi siya . . . kahit napakaganda nito.
“E-ehem, Miss, pwedeng huwag mo akong madaan-daan sa ganiyan. Luma na ‘yan. Kung hindi ako nagkakamali, ikaw ang dapat mahiya dahil hindi kita kakilala. Sino ka ba at nasaan si Aya? tanong ni Kira nang makuha na nito ang lakas ng loob na harapin ang estrangherang bisita.
Maang na tumitig si Aya sa kaharap na binata. Sa natatawang boses siya ay nagsalìta. What?! Ano ba ang pinagsasabi mo, Kira? Hello, ako ito, si Ay. . . ngunit tila naumid ang dila ni Aya nang may maalala. Dali-dali siyang humarap sa malaking salamin na nasa loob ng kaniyang kuwarto. Pinagmasdan niya ang sariling repleksiyon sa salamin. Tila siya estranghera sa natuklasan. Talagang hindi siya makikilala ni Kira sapagkat malaki ang ipinagbago niya physically. Sa namamanghang mga mata ay napadako ang kaniyang tingin sa binatang tiyak na naghihintay na sa kaniyang sasabihin.
“Oh, ano? Sino ka ba at bakit naririto ka sa pamamahay ko? Nasaan si Aya? mabilis na tanong ni Kira na kakikitaan na ng pagkainip. Mula sa bawat sulok ng mga labi ni Aya ay sumilay roon ang matamis na ngiti at halakhak. Natulala na lang si Kira sa ginawa ng hindi niya kilalang bisita.
Hoy, babae! May sira ka ba sa ulo? Malakas nitong biro dahil hindi matigil sa pagtawa ang estranghera.
Binatukan siya ni Aya. Ikaw ang sira!
Hindi nakahuma agad si Kira, nasaktan ito sa pagtapik ni Aya. Ano ba! Napakasakit no’n. Para kang si Aya na masakit. . . Napatigil si Kira at sa nanlalaking mga mata ay hinawakan sa magkabilang pisngi si Aya.
Ikaw ba talaga iyan, Aya? hindi pa rin makapaniwalang kumpirma ni Kira. Oo ako nga. Bakit ba ayaw mong maniwala na ganito talaga ang tunay kong hitsura? nakataas ang kilay nitong sabi habang nakapameywang pa.
Ah kasi. . . parang wala sa sariling sabi ni Kira.
Kasi? tanong naman ni Aya.
Kasi nakahain na ako ng breakfast. Alam ko kasing hindi ka pa nagdi-dinner. Tara, lalamig na iyong niluto ko, walang anu-anong aya ni Kira sa kaharap.
Ah, okay. Gutom na talaga ako, masayang sambit ni Aya.
Nagpatiuna itong naglakad palapit sa komedor. Sabi ko na nga ba. Ang takaw-takaw mo talaga! nagbibirong sabi ni Kira at ipinaghila ng mauupuan si Aya, saka ito umupo sa kaibayong upuan.
Habang kumakain ay hindi maalis ni Kira ang paningin sa dalaga. Naninibago siya sa bagong Aya na kaharap niya ngayon.
Ahemm. . . Kira, can you stop staring at me? Kumakain kasi tayo, tila nahihiyang sabi ni Aya.
S-sorry. Hindi lang siguro ako sanay na makita kang ganiyan ang hitsura. Ang ganda mo naman pala talaga, bigkas nito sabay ng pagyuko ng ulo ni Kira.
Napakurap si Aya sa narinig. Itinuon na lamang niya sa pagkain ang pansin at ipinagwalang-bahala ang narinig. Habang kumakain, nagsimulang mag-open ng topic si Kira. Aya, gusto mo bang sumamang magsimba sa akin? tanong ni Kira sa kumakaing dalaga.
Baka masunog ako nang buhay, Kira, pabirong sabi ni Aya.
Hindi ka masusunog. Lahat ay welcome sa kaharian ng Diyos. Tandaan mo iyan, Aya, saad ni Kira kay Aya ngunit nanatili lang na tikom ang mga labi ng huli. Ipinasyang manahimik na lang ni Kira at ipagpatuloy ang pagkain.
Nagliligpit na siya nang mapansin niyang nasa gilid si Aya at parang hinihintay na mapansin niya.
Bakit, Aya? May problema ba? Ako ang duty sa hugasin ngayon kaya ayos lang kung magpahinga ka na lang sa silid mo. Alam kong pagod ka mula kagabi. Dahan-dahang naglagay ng hugasin sa may lababo si Kira.
Sige. Maliligo na ako at magbibihis. Sasamahan kitang magsimba kaso wala akong damit na maisusuot na angkop sa simbahan. Napalis ang namumuong lungkot sa loob ni Kira at napalitan iyon ng masiglang aura.
R-really? Sasamahan mo akong magsimba? That’s nice! Sige, bibilhan kita ng dress,” sabi nito at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Tila tinatantiya ang katawan niya. Namula si Aya at dali-daling pumasok sa kuwarto.
Naghahanda na siyang maligo nang kumatok si Kira sa kaniyang pinto. Ibinigay nito sa kaniya ang biniling damit. Puti ang kulay ng semi-formal dress na bumagay naman sa kaniyang kulay.
Hindi siya kaputian kaya tama lang ang pinili nitong kasuotan sa kaniya.
By the way, Kira, salamat,” tipid nitong pasasalamat saka marahang isinara ang pintuan. Habang naliligo, hindi mapuknat-puknat sa isip niya ang sinabi ng binata sa kanina at ang mga palihim nitong tingin sa kaniya. Tila nalulusaw siya sa paraan ng pagkakatitig nito sa kaniya. Ilang sandali pa’y nakaligo na siya at napagpasiyahan ni Aya na isuot na ang damit. Ipinusod na lamang niya ang mahabang buhok. Hindi siya mahilig maglagay ng kung anu-ano sa mukha niya. Hindi katulad ni Maya na halos magmukha na itong cheap sa paningin niya.
Isinara na niya ang pinto ng kaniyang kuwarto. Nadatnan niyang nagbabasa ng daily newspaper si Kira sa sala.
Nakamaong pants ito at polo shirt na puti. Sinapinan naman ng rubber shoes ang mga paa nito. Agad na napatayo ito pagkakita sa kaniya. Pinasadaan siya ng tingin ni Kira. Tila na-conscious naman si Aya at umiwas na lang ng tingin.
You look great. Very beautiful, nakangiting sabi ni Kira sa dalaga. S-salamat, Kira. Tara, yakag ni Aya at nagpatiuna nang lumabas ng apartment.
Habang naglalakad ay hindi makaapuhap ng sasabihin si Kira.
Ah, Aya. . . bigkas ni Kira.
Bakit, Kira? Malayo pa ba ang simbahan? takang tanong ni Aya sa binata.
Malapit na. Kakaliwa lang tayo then iyon na, maiksi nitong pahayag, tila naiilang.
Tumigil sa paglalakad si Aya at matamang tinitigan ang binata. Bakit parang nahihiya kang kasama ako, Kira? Puno ng lumbay ang tanong nito.
Hindi naman sa ganoon, Aya. Nahihiya ako dahil napakaganda mo, matalino at magaling pa sa larangan ng martial arts. Habang ako ay ito lang, lampa,” himutok ni Kira dito.
Tinitigan siya ni Aya nang matagal. Marahang hinawakan ang palad niya at pinisil iyon. Bakit? Ano kung lampa ka? Huwag kang ma-insecure sa sarili mo, Kira. Sa totoo lang. . .
Kasabay niyon ang pagtigil ni Aya dahil nasa tapat na sila ng simbahan. Ano ang totoo, Aya? nabitin at takang tanong ni Kira.
Matamis na ngumiti si Aya at nagsabing, Dahil sa ugali mong iyan ay parang nagugustuhan na kita, higit pa sa inaakala mo.” Napalunok nang ilang beses si Kira at namula sa narinig. Iniwas nito ang mukha.
Marahan niyang hinila si Aya patungo sa loob ng simbahan. Umupo sila sa may bakanteng upuan malaoit sa harap ng altar.
Tila nakahinga ng maluwag si Aya, kasabay niyon nginitian niya si Kira.
B-bakit, Aya? nagtatakang tanong ni Kira. Napailing na lang si Aya at ipinagpatuloy ang pakikinig sa pari. Tinatalakay nito ang tungkol sa mga nangyaring patayan kamakailan.
Tila naman binuhusan ng malamig na tubig si Aya. Ang sabi pa ng pari ay dapat nang mahuli at mabulok sa impyerno ang taong gumawa niyon. Hindi raw ba nito naisip na mabigat na kasalanan ang ginawang pagpatay.
“May mga anak, asawa, kapatid at pamilya ang mga napatay. Kaya dapat na ipagdasal natin ang mga kaluluwa ng mga namatay. Lalong-lalo na ang pumatay sa mga ito. Nawa’y makunsensiya ito sa nagawa.” Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo ni Aya dahil sa reyalisasyon na sumambulat sa kaniya. Napatingin si Aya sa binatang nakaluhod at taimtim na nagdadasal, si Kira. Parang naninikip ang dibdib ni Aya.
Mabilis siyang napatayo at agad na lumabas ng simbahan. Napakasakit ng katotohanan. Hindi siya karapat-dapat na mahalin ng kung sino man. Dahil wala siyang karapatan.
Unti-unting tumulo ang mga luha ni Aya sa pisngi. Napalingon siya sa kaniyang likuran nang makarinig siya ng papalapit na yabag. Dali-dali niyang pinunasan ang sariling luha at inusisa kung sino ang sumunod sa kaniya. Nagulat siya at hindi napigilan ang pag-awang ng mga labi.
Ang Kuya Shin niya ang nasa mismong harap niya at tahimik siyang pinagmamasdan.
“Kumusta na, Aya? walang kaemo-emosyong tanong ni Shin sa bunsong kapatid.
BINABASA MO ANG
✔️SOKTOREGGIE(TENJHO TENGE) COMPLETE/ UNDER-EDITED
Fanfiction"Para sa lahat siya ay inosenti, pero sa likod ng maamong mukha nagtatago ang mapait na katotohanan sa tunay niyang pagkatao..." SYNOPSIS Aya Natsume, kabilang sa angkan ng mga Natsume na nagtataglay ng kakaibang mata. Mata ng hinaharap kung tawagi...