CHAPTER THREE (Ang Pang-iinsulto Ni Aya)

62 2 1
                                    


HINDI pa rin makalimutan ni Maya ang desisyon ng kaniyang Kuya Shin. Galit siya rito ngunit hindi niya ipinahalata sa mga kasama.

"Good Morning, Kuya Shin!" nakangiting bati ni Maya rito. Matalim ang tinging ipinukol niya sa kakambal. Matipid namang napangiti si Shin sa kapatid.

Hindi pa nakakapagsalita uli si Maya ay unti-unting ibinaba ni Aya ang hawak na libro. Malamig siyang tumingin sa kakambal.
"Ano ang iginanda ng umaga, Maya? E, lalo mo lang itong pinapangit!" marahas na bigkas ni Aya.

"Talaga lang! Hindi ka na magbabago sa paang-iinsulto!" malakas at nagtatampong pasigaw na turan ni Maya sa kakambal.

"Pang-iinsulto?!" Matalim at tila nang-uusig ang tingin na itinuon ni Aya sa kakambal. Pinasadahan niya ito mula ulo hanggang paa. Muli ay napako ang tila dragon niyang mata sa kakambal . . . tila magliliyab. Biglang natakot na musmos si Maya. Nagtago siya sa likuran ni Suitsiro. Kanina pa pala ito inis at nakatingin sa kakambal niya.

"Kuya Shin, sawayin mo si Aya. Kung makatingin ang mapupula niyang mata, para akong susunugin nang buhay."
Hindi agad napuna ni Shin ang inasal ng kapatid. "Aya, tama na! Di ba't sinabi kong huwag mong. . ."

Ngunit hindi pinatapos ni Aya ang sasabihin ni Shin. Agad siyang nagsalita. Dahil sa makapal na salaming suot ay hindi napansin ni Shin ang pagbuka ng tila dragong mga mata ng kapatid.

"Kuya, kung hindi mo aayusin ang pagkakabaluktot ng masamang ugali ng kakambal ko. . . baka sa susunod ay hindi lang iyan ang aabutin niya sa 'kin. Baka. . ." Masamang tingin ang ipinukol niya sa kakambal.

Kanina pa nagtatago ito sa likuran ng nobyo. ". . .buburahin ko na ang babaeng iyan sa mundo!" mahina ngunit mariing pagkakasabi ni Aya upang marinig ng lahat ang kaniyang sinabi. Ibinalik niya sa pagbabasa ng hawak na libro ang pansin.

"Aya. . ." bulong ni Shin sa kapatid. Mula sa likuran ay lumabas si Maya. Nakatingin siya nang masama sa mga kapatid.

"Kuya Shin, hanggang kailan mo pagpapasensiyahan ang ugali ng tarantadong babaeng iyan? Kung makaasta ay parang papatayin ako! Tila susunugin ako ng demonyitang iyan. Parati siya ang pinapaburan mo kapag magkaaway kami. Siya nga itong pabigat sa atin!" sigaw ni Maya.

"Maya, intindihin mo na lang," mahinahong tugon ni Shin kay Maya.

Lalong nainis ito. "Iniintindi ko naman, ha? Pero this time, I'm through with this. I'm starting to unlike this situation now. Simula nang makasama natin ang malditang iyan ay hindi mo na ako napapansin. Siya na lang lagi!" inis na sigaw ni Maya habang patalikod ito para pumasok sa pasilyo.

Maagap na namang nahawakan ni Shin ang braso niya. "Maya, sa bahay na lang natin ito pag-usapan," pakiusap ni Shin.
Hindi naman ganoon dati ang kapatid. Malaki ang ipinagbago nito. Mas naging tahimik ito sa paglipas ng panahon. Hindi mo panghihinayangang pagmasdan ang mga mata niyang katulad ni Aya. Parang mata ng dragon na umiiyak. Bagay sa maamong mukha niya ang mahaba itong buhok na hanggang beywang. Kakulay iyon ng asul na kalangitan. Sa taas na 5'9 ay walang babae ang hindi hahanga rito. Bukod sa hearthrob ito sa school ay ubod pa ng talino. This year, siya ang napiling valedictorian ng Tondo High School ng Japan.

Magmula nang gabing naganap ang trahedya sa kanilang pamilya ay nag-iba na ang Kuya niya. Kitang-kita niya mula sa pintuan ang dalawa. Wala siyang maintindihan at tila siya naparalisa. Hindi makagalaw. Bigla ang paggapang ng takot sa kaniya nang makita ang mata ng kakambal. Nanlilisik, dilat na dilat. Parang sa dragon. Dahil sa pagkagulat, dinapuan siya ng karamdaman. Pero bago siya nakatulog ay tila nabalot ng lungkot at kadiliman ang paligid. Kasabay ang huni ng isang tumatangis at nagdurusang dragon. Hanggang ngayon, hindi siya makalimot. Lalot kasalamuha niya ang kakambal na si Aya.

"Maya. . ." untag ni Shin kay Maya. "H-huh? B-bakit, Kuya Shin?" gulat na tanong ni Maya sa kapatid. "Hindi mo ba ipapakilala ang kakambal mo sa kanila?" anito kasabay ng pagsulyap kila Masataka.

"S-sige, sandali,"nakangiting pagpapaumanhin ni Maya. Palihim na sinulyapan ni Aya ang kakambal mula sa likuran ng aklat. Muli, nanariwa kay Aya ang nasabi ng kakambal.

"Mula sa araw na ito ay magiging aral sa iyo, Maya Natsume, na naging kakambal mo ako. Pagsisisihan mo at kakainin mo lahat ng mga sinabi mo sa akin nang gabing iyon. Kung saan gagawin kong miserable at impyerno ang High School life mo!" malademonyong tawa ni Aya mula sa isip.

✔️SOKTOREGGIE(TENJHO TENGE) COMPLETE/ UNDER-EDITED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon