CHAPTER ONE (The First Part)

195 4 13
                                    

SA hindi kalayuang High School ng Todo ay may isang binata ang tumatakbo.

"Naku! Late na naman ako. Lagot ako kay Mitsoumi. Katakot-takot na sermon na naman ang matatanggap ko sa gurang na iyon."

Lumiko siya hanggang siya'y makarating sa malaking gate. Natanaw niya roon ang pagkalaki-laking orasan. Nasa bandang gitna ito sa may itaas ng kanilang paaralan. Alas otso na ng umaga ayon sa orasang iyon.

Muling napatigil siya sa pagtakbo. Patuloy siyang naglakad sa kung saan. Tanaw niya roon ang mga kagrupo at kaibigan. Masayang nagkukuwentuhan ang lahat.

Palapit na siya nang mapuna ang kakaibang aura sa paligid. Napatingin na lang siya sa puno ng Cherry. Para sa kaniya ay tila umuulan ng bulaklak sa araw na iyon. Patuloy ang pagbagsak sa lupa ng mga kulay rosas na talutot ng puno.

Hindi namalayan ni Masataka ang paglapit ng kaibigan. "Masataka, anong ginagawa mo? Para kang patay na kandilang nakatayo riyan," untag ni Bonschichi rito.

Sa pagtatapos ng mga salitang nabitiwan ni Bonschichi ay maang na napatingin si Masataka sa kaibigan. "Huh? W-Wala. May iniisip lamang ako," tugon ni Masataka.

"Anong wala? Para kang timang na nakatingin sa itaas ng puno ng cherry. May problema ba? Bakit parang kulang ka sa tulog?" patuloy ni Bonschichi.

"Anong kulang? Mantakin mong tanghali na ay kadarating lang ng kumag na iyan!" Sabat ng isang tinig. Sabay na napalingon sa likuran ang dalawang nag-uusap.

"Pareng Mitsoumi, nandiyan ka pala! Kumusta tayo?" Pag-uumpisa ni Bonshchichi.

Tiningnan siya ni Mitsoumi. Matipid itong ngumiti. "Okay lang," pagkatapos niyon ay tumitig ito kay Masataka nang makahulugan. "Tatawagin ko lamang sina Kuzunoha at ang iba pa. Para mapag-usapan natin ang dapat pag-usapan."

Patalikod na si Mitsoumi nang makarinig ito ng salita mula kay Masataka. "Hindi nga kulang ang tulog ko pero para sa iyo, Mitsoumi, kulang ka naman sa suklay," pang-iinsulto niya.

Humarap siyang muli sa mga kaibigan. Tipid siyang ngumiti at kinapa ang makapal at magulong buhok pagkatapos. "Gano'n ba?"

Mabilis siyang nag-ipon ng puwersa mula sa kamao. Lalong tumaas ang tensiyon sa paligid.

"Ooops! Easy lang!"

Kung hindi nasangga ni Bonschichi at humakbang nang patalikod si Masataka ay siguradong sa clinic siya babagsak. Kasing lakas lang naman ng kamao ni Mitsoumi ang dalawampu't siyam na toro! Posibleng mabalian ito. Mabuti na lang at maagap na pinalakas niya ang chin sa katawan.

"Pagsabihan mo ang Masatakang iyan. Sa susunod ay hinding-hindi ko na siya pagbibigyan."

"Pare, magpinsan kayo pero kung ituring ninyo ang isa't isa ay para kayong hindi magkaano-ano," pagbibiro ni Bonschichi sa magpinsan.

"Kahit kailan ay hindi ko itinuring na pinsan ang balugang iyan," sabat ni Masataka. Lalong kumunot ang noo ni Mitsoumi. Halos lumabas na ang mga ugat niya sa leeg.

"Hep! Huwag mag-aaway! Umagang-umaga, e, para kayong mga sirang plaka!"

"Pasalamat ka, Masataka, kung hindi dahil kay Bonschichi ay tiyak kong paglalamayan ka ng iyong ama," paninindak ni Mitsoumi. Sumilay roon ang nang-iinis na ngiti.

"Mitsoumi, sabihin man nilang kasing lakas mo ang dalawampu't siyam na toro'y hindi ka uubra sa akin. Dahil sa totoo lang, wala ka pa sa aking talampakan kung tutuusin!" naghihimutok na sabi ni Masataka.

"Hanggang ngayon, Mitsoumi, nagkikimkim ka pa rin ng sama ng loob mula sa akin? Ipinaubaya ko na sa yo ang Katanaga Club ay ayaw pa rin magpaawat ng inis mo sa akin? Anong klaseng sama ng loob ang nakabaon diyan? Tila lumala. Hindi ka pa rin ba kuntento? Hanggang ngayon, hindi pa natatapos ang alitan natin? Hindi ka ba nagsasawa, Mitsoumi?"

Mapait na ngumiti si Mitsoumi bago tumalikod para puntahan ang mga naghihintay na kasama. "Kahit na kailan ay hindi kita mapapatawad sa ginawa mong pangdidiskarte sa girlfriend ko. Mabuti't naagapan ko. Kung hindi, patay ka na dapat ngayon." Tumalikod ito pagkatapos.

"Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis ang usaping iyon sa amin," bulong sa isip ni Masataka. Nakatutok sa likuran ni Mitsoumi ang kaniyang tingin.
"Okay ka na, pare? Mukhang may iniisip kang napakalalim."

"Wala naman." Pilit siyang ngumiti.

Habang papalayo sa malaking puno ng cherry ay hindi pa rin matigil ang pagbuhos ng mga bulaklak nito. Tila nagsasayaw iyon sa saliw ng hangin. Parang may kakaiba sa ganda ng umagang iyon. Para kay Masataka, tila siya nahihipnotismo. Sa bawat lakad niya'y hindi niya maiwasang titigan ang mga kaibigan. Lalong-lalo na ang dati niyang niligawan. Ang una nyang minahal . . . si Kuzunoha.

"Hi, Masataka, late ka na naman, ah? Araw-araw na iyan, natitiyak ko," malambing na sabi ni Kuzunoha.

"Hindi naman," tipid na sagot niya.

"Ang tagal naman ni Maya at Shin! Ilang minutes na lang time na,"ani Suitchiro.

"Huwag ka ngang mainip, pare! Darating din ang girlfriend mo at ang soon to be bayaw mo," sabat ni Bob, ang bestfriend ni Suitchiro. Maliban kina Mitsoumi, naroon din ang nobya ni Bob na si Chiaki. Bukod sa maganda'y may malulusog pa itong pangangatawan na maihahalintulad kina Cristine Reyes. Napaka-sexy at hot nito. Hindi rin pahuhuli ang nobya ni Bonschichi. Bukod sa kinaiingitan ng iba, may girlfriend pa siyang maipagmamalaki. Si Emi, ang cute sa grupo.

✔️SOKTOREGGIE(TENJHO TENGE) COMPLETE/ UNDER-EDITED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon