CHAPTER FIFTEEN
(Ang Katotohanan Sa Likod Nang Nakaraan.)DAHAN-DAHANG umupo si Maya sa kaniyang tabi. “Kuya, ano ang ibig sabihin ng mga ikinikilos ni Aya? Parang may kakaiba sa kaniya.”
“Hindi ko alam kung dapat ko nang ipaalam sa inyo ang tungkol kay Aya. Wala akong karapatang sabihin sa inyo ang tungkol sa. . .”
“Ano, Shin? Hindi mo kayang sabihin sa lahat ang katotohanan? Ipagkakait mo sa lahat ang nalalaman mo?” nakangising singit ni Mitsoumi na tila may laman ang bawat salitang binitiwan.
“Pwede ba, Mitz? Huwag mo akong pangunahan! Hindi lang ito simpleng bagay! Ito’y maselan na bagay na hindi dapat pinag-uusapan. Pero ito na siguro ang panahon na kailangan n’yo nang malaman ang lahat-lahat ng tungkol kay Aya. Para na rin maintindihan ninyo kung bakit ganoon na lang ang pag-aalala ko sa kaniya,” malungkot na pahayag ni Shin at tinitigan ang bawat kasama sa grupo. Umaasa siyang walang ibang makakaalam sa ilalahad niyang sekreto. At sana ay maintindihan ng bawat isa ang sitwasyon ni Aya.
Huli niyang tinapunan ng tingin si Maya. Puno iyon ng pag-aalalala. “Sana, Maya, maunawaan mo ang kakambal mo.”
Bago inumpisahan ni Shin ang paglalahad ay dumungaw muna ito sa labas ng bintana. Nakita pa ni Shin ang paglingon ng bunsong kapatid na parang may ipinaparating. Nagumpisa itong maglakad palayo. Napatango si Shin at inumpisahan ang pagkukuwento.
“Nasa edad pito pa lamang sina Aya at Maya noon. Malapit pa sila sa isat isa.”
Tinitigan nito si Maya na parang nagulat sa narinig. Actually, wala siyang matandaan noong bata pa siya. Hindi niya aakalain na magkasundo nga sila ng kakambal niya. Nagpapatawa yata ang Kuya Shin niya. Muli siyang nakinig nang ipinagpatuloy ng huli ang paglalahad.
“Si Maya ay tatahi-tahimik lang noon. . . habang si Aya naman ang maingay, laging nakatawa at bibo. Halos siya ang nangunguna sa klase nila,” nakangiting kuwento ni Shin. Ipinagpatuloy nito ang pagsasalaysay nang mapansing nakikinig na ang lahat sa kaniya. “Akala ko ay lalaking masiyahin si Aya tulad ng ibang mga bata, Pero dahil sa pangyayaring hindi namin napaghandaan nina Mama at Papa. . .Masayang naglalaro ng tagu-taguan sina Aya, Maya at Shin. Si Shin ang taya noon. Nag-umpisang magtago ang kambal nang nagbilang si Shin hanggang sampu. Nang matapos magbilang ay nag-umpisa nang maglakad si Shin.
“Nasaan na kayo?” nangngiting tawag ni Shin.
Nang makarinig si Shin ng kalabog sa silid ng mga magulang ay nagpunta siya roon. Pagkabukas ng pintuan ni Shin ay nagulat siya sa nasaksihan. Ang kanilang mga magulang ay naliligo sa sariling nilang dugo habang si Aya ay nakatayo roon at nanlilimahid din sa pulang likido.
Gumagapang pa ang kanilang Papa at sa huling hugot ng hininga ay nakapaghabilin pa ito.
“S-Shin, anak, huwag na huwagmong pababayaan si Aya. Kung maaari lang ay ilayo mo sa kaniya ang espada. Hindi niya kayang kontrolin ito,” iyon ang mga huling salitang nabitiwan ng ama nila. Nangangatog na tumayo ang batang si Shin at pinagmasdan ang bunsong kapatid. Dahan-dahang siyang nagsalita at tinawag ang bunsong kapatid na si Aya. Tila wala sa sariling tumingin ito sa panganay na kapatid. Nakangisi ito ngunit maya-maya ay para namang nahimasmasan at agad nabitiwan ang espadang Soktoreggie.
Dali-daling lumapit si Aya sa mga magulang at nag-iiyak. Hinayaan ni Shin ang kapatid. Hanggang sa sumulpot sa pintuan si Maya. Nakita nitong duguan at patay na ang mga magulang.
“A-anong nangyari, Aya? Kuya Shin?” hysterical na tanong ni Maya. Nahagip ni Maya ang espada at tiningnan nang matalim si Aya na napuno ng dugo.
“Anong ginawa mo, Aya? Ikaw! Ikaw ang pumatay sa mga magulang natin! Isa kang halimaw!” nag-iiyak si Maya
Napatigil si Aya sa pag-iyak at matamang tinitigan ang kakambal. Mabilis niya itong sinakal at ibinato sa may gilid ng pader. Tumama ang ulo ni Maya sa kahoy na pader kaya nawalan ito ng ulirat.
Hindi napansin ni Aya na nasa likuran na pala niya ang panganay na kapatid. “Patawarin mo ako, Aya.” Kasabay niyon ang pagkawala ng malay ni Aya.
Nagising si Aya na nasa loob na ng madilim na kuwarto at puno ng makakapal na rehas na bakal ang paligid. Natakot si Aya at nagsisigaw. Dahan-dahang nagpakita sa dilim si Shin at pinayapa ang kapatid.
“Pakawalan mo ako rito, Kuya Shin! Hindi ko sinasadya iyon! Parang may bumubulong sa tenga kong gawin ko iyon, Kuya!” patuloy na hikbi ni Aya rito.
“Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin ngayon, Aya,” malungkot na saad ni Shin.
“Si Maya?” tanong ni Aya kay Shin.
“Nasa kuwarto na niya at nagpapahinga. Masama ang naging tama niya sa ulo, Aya,” mapait na sagot ni Shin.
Tahimik na naupo si Aya sa tabi. Ilang araw ang lumipas, tuluyang nagbago ang pag-uugali ng bunsong Natsume. Nawala na nang tuluyan ang inosenteng bata na si Aya.
Isang gabi, habang mahimbing na pinapatulog ni Shin si Maya ay nakarinig siya ng kaluskos. Dali-dali niyang kinumutan si Maya at agad na lumabas ng kuwarto nito. Nagulat siya nang makitang halos mapuno ng dugo ang damit ni Aya. Napaluhod pa ito at inalis ang mga dugong nakakalat sa mukha ng kapatid.
“Ano na naman bang ginawa mo, Aya?” umiiyak na sabi noon ni Shin. Hindi niya matanggap ang sinapit ng kapatid. Na sa isang iglap ay nagbago ang lahat. Nawala ang kainosentehan ni Aya at nakulong ito sa sumpa ng espadang Soktoreggie. Nawala ang memorya ni Maya at ang pinakamasaklap ay namatay ang mga magulang nila dahil sa kagagawan ni Aya.
“Pumatay ako, Kuya! Ang gaan sa pakiramdam,” bulong ni Aya. Dahan-dahan niyang iginiya sa may paliguan si Aya at masuyong dinampian ng sabon ang katawan nito.
“Kuya?” mahinang bulong ni Aya habang nakatitig sa kawalan.
“Ano iyon, Aya?” nagtatakang tanong ni Shin.
“Kuya, nangangako ka bang hindi mo ako iiwanan?” tanong ni Aya.
Niyakap ni Shin ang kapatid at nangakong hindi ito iiwanan . . . na ibibigay nito ang lahat. Lahat ng nais at makapagpapasaya rito’y ibibigay niya. Kahit na hindi nakakabuti rito ay pinababayaan na niya.
BINABASA MO ANG
✔️SOKTOREGGIE(TENJHO TENGE) COMPLETE/ UNDER-EDITED
Fanfiction"Para sa lahat siya ay inosenti, pero sa likod ng maamong mukha nagtatago ang mapait na katotohanan sa tunay niyang pagkatao..." SYNOPSIS Aya Natsume, kabilang sa angkan ng mga Natsume na nagtataglay ng kakaibang mata. Mata ng hinaharap kung tawagi...