EPILOGUE
EVERY situation has its own reason. . . And every struggle has its end.
Unti-unting idinilat ni Aya ang mga mata. Ngunit kahit nakadilat ang mga mata ay napakadilim pa rin ng paligid. Dahan-dahan siyang tumayo at pinakiramdaman ang sarili.
A-anong nangyayari? ‘Di ba patay na ako? wala sa sariling tanong ni Aya. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad.
Hanggang sa natunton ng kaniyang mga paa ang puno ng cherry. Tila isang napakagandang tanawin ito. Ito lamang ang namumukod tanging nagbibigay liwanag sa napakadilim niyang kinaroroonan. Ang naglalagas na mga bulaklak nito na dumadamoi sa kaniya. Nawala ang atensyon niya sa puno ng cherry. May isang bagay ang umagaw sa kaniyang atensyon. Mula sa hindi kalayuan ay kitang-kita niya ang espadang nakatarak sa gitna ng kadiliman. Walang maririnig na huni kung hindi ang tibok lamang ng kaniyang puso.
Hindi niya alam ang nangyayari. Ang naiisip niya lang ay dapat patay na siya. Pero ito na ba ang naghihintay sa kaniya? Ang kadiliman?
Lalo niyang binilisan ang paglalakad hanggang sa makaharap niya ang espada. Espadang nakasama niya halos sa paglaki niya. Pilit niyang inaabot ang espada ngunit pakiramdam niya’y hindi niya ito maabot-abot.
Napayuko na lamang siya. Sa hindi niya maunawaang sitwasyon, siya’y napaiyak! Isang tinig ang biglaang pumukaw sa kaniyang pagdaramdam.
Aya. Parang nanggaling sa lupa ang tinig maririnig na tumawag sa kaniya.
Si-sino ka?” wala sa sariling sabi ni Aya, tila sa isip lamang lumalabas ang mga katagang binitiwan.
Pinakatitigan ni Aya ang espadang nasa harap. Tama nga ang hinala niya, ito nga ang pinanggagalingan ng tinig. Nagpatuloy ito sa pagkausap sa kaniya.
Aya, gusto mo bang magbalik?” Muli ay nagtatakang pinakatitigan niya ang espadang kaharap, sunod-sunod siyang napatango. Kung gayon papipilin kita. Makakabalik ka sa dati mong buhay. Maitatama mo ang lahat, walang gulo, walang pagdanak ng dugo ngunit sa isang kondisyon.”
Anong kondisyon?
Mawawala ang lahat ng kapangyarihang ibinigay ko sa iyo. Mawawala ang minimintina mong lakas. Higit sa lahat ay ako. . . ang Soktoreggie na siyang nagbibigay sa iyo ng higit na lakas na hinihiling ng bawat imortal sa balat ng lupa!”
Oo, iiwan ko lahat! Para sa akin, isang sumpa ang mabuhay nang wala ang mga kapatid at ang pinakamamahal kong si Kira. Oo, iiwanan ko ang lahat-lahat at tatanggapin kong magiging normal ako sa piling ng mga mahal ko sa buhay!” humahagulgol na sabi ni Aya. Sa pagtatapos ng mga huling salita niya ay napuno ang paligid ng liwanag.
Unti-unting nawala sa kadiliman ang espadang Soktoreggie at nabalutan ang buong paligid ng nakakasilaw na liwanag. Dahil sa labis na liwanag ay mariin niyang ipinikit ang mga mata.ISANG malakas na tili at yugyog ang naramdaman ni Aya sa kaniyang balikat. Napabalikwas siya ng bangon. Mabilis niyang inikot ang kamumulat lang na mga mata. Napakurap-kurap pa siya. Nang may isang kamay ang gumalaw-galaw sa harap niya, tila pinupukaw siya sa kaniyang pagkatulala.
Hoy, Aya! Para kang tulog mantika, ah! Kanina pa kita ginigising, ayaw mong magising!” nakasimangot na sabi nito na halata sa boses ang pagkairita. Hindi pa ring makaimik si Aya.
Ano ba! Hindi ka na ba talaga babangon, sister? Alas-diyes na! By the way, Happy Birthday sa atin, sis!” tuwang-tuwang tili ni Maya at mahigpit na niyakap si Aya.
Tara na nga, lalamig ang mga nalutong pagkain. Mabuti at magaling magluto ang boyfriend mo, kung hindi wala kaming katulungan nina mama, papa at kuya!” tuloy-tuloy na sabi ni May na mabilis siyang kinaladkad palabas ng kuwarto.
Kitang-kita ni Aya ang lahat magmula sa pagbaba nila ng kuwarto. Ibang-iba ang dating ng paligid.
Tila mas gumaan ang paligid, nabigyan ng bawat kulay ang nakikita niya. Hanggang sa tumigil sila sa may sala kung saan naroroon ang mga bisita nila. Napanganga na lang si Aya at dali-daling tinakpan ng kamay ang mukha. Ngunit bago pa niya magawa iyon ay may nagflush na!
Ano ba ‘yan! Hindi pa ako nakapaghilamos, eh!” tili ni Aya at akmang tatakbo pabalik ng kuwarto ngunit bigla na lang siyang niyakap ng kung sino man. Tila nanindig ang lahat ng buhok niya nang magsalita ang may-ari ng bisig na yumayakap sa kaniya.
Mahal, kahit hindi ka nakapaghilamos, ayos lang iyan. Wala kaming paki. . . Happy Birthday, mahal ko!” masayang bulong ni Kira at mariing hinalikan sa mga labi ang nobya. Nag-uumapaw ang nararamdamang kasiyahan ni Aya.
Anumang sandali ay mapapaiyak na siya. Naalala niya ang nakalipas. Hindi niya aakalain na sa pagmulat ng kaniyang mga mata ay ganito ang madadatnan niya. Mahigpit niyang niyakap ang nobyo. Sabay-sabay na naghiyawan ang mga kasama nila.
Tama na nga iyan! Kain na tayo! Gutom na ako, eh!” sigaw ni Masataka na tinawanan na lang ng magkakaibigan.
Hindi aakalain ni Aya na sa paggising niya ay iyon ang mamumulatan niyang buhay. . .
Buhay na kapiling ang mga magulang, kapatid, kaibigan at higit sa lahat ang lalaking una at huli niyang mamahalin. Alam niyang nawala na ang sumpa na ibinigay sa kaniya ng Espadang Soktoreggie. Natutunan niyang kailanman, sa buhay ng tao, ang pinakamahalaga ay pagmamahal at hindi kapangyarihan.
BINABASA MO ANG
✔️SOKTOREGGIE(TENJHO TENGE) COMPLETE/ UNDER-EDITED
Fanfiction"Para sa lahat siya ay inosenti, pero sa likod ng maamong mukha nagtatago ang mapait na katotohanan sa tunay niyang pagkatao..." SYNOPSIS Aya Natsume, kabilang sa angkan ng mga Natsume na nagtataglay ng kakaibang mata. Mata ng hinaharap kung tawagi...