MAGDADAPITHAPON na nang mapagpasyahan ng grupo ni Masataka na magpunta sa tahanan ng mga Natsume.Habang naglalakad ay panay ang hithit ni Bonschichi sa sigarilyong hawak. May problema ba? ani Bob.
"Wala, pare," sagot naman ni Bonschichi.
"Ano bang pagpupulungan natin?" ani Emi."Madami. . . para iyon sa nalalapit na tournament at kung anu-ano pa ang dapat baguhin sa plano, sagot ni Masataka habang inaalis ang balat ng bubble gum.
"Teka, ang ibig mong sabihin, Masataka, may idadagdag tayo sa grupo?" excited na pakiwari ni Chiaki.
"Oo, magdadagdag tayo ng mga rules ng paligsahanpara sa mga taong lalahok sa grupo natin," pagtatapos ng salita ni Masataka. Pagkatapos noon ay kumatok na sila sa tahan ng mga Natsume.
Makaraan ang ilang sandali ay bumaba si Maya at masaya silang sinalubong. "Oh, andito na pala kayo? Nasaan sina Souichiro at Mitsoumi?" Nagtatakang tanong ni Maya sa mga kaibigan.
"Ahh. . . si Souchiro ay susunod na raw. Si Mitsoumi naman ay hindi ko alam kung nasaan. Baka tulog na, sagot ni Masataka. Ahh, ganoon ba? Sige, pasok na nga lang kayo. Naghapunan na ba kayo?" natatawang tanong ni Maya.
“Hindi pa kumakain si Masataka kaya ipaghanda mo na Maya," nangingiting dagdag ni Kuzunoha..
"Ano? Bakit ako na naman? Puwede namang si Bonschichi, ah? Ipinapahalata nyo namang masyado akong masiba sa pagkain," naiinis na sambit ni Masataka habang iginagalaw pa ang kamay sa ere
" Ano ba? Tama na nga iyan? Huwag kayong magturuan. Pakakainin ko naman kayo lahat. Iyon ang bilin ni Kuya," lahad ni Maya at nagpatiuna nang pumasok sa loob ng bahay.
" W-wow! Iyan ang gustong-gusto ko kay Shin, e! Kabait niya talaga! Pakakainin daw tayo!" natutuwang sigaw ni Bob sa mga kasama.
Binatukan siya nang mahina ni Chiaki." Magtigil ka nga, Bobby! Nakakahiya, parang hindi ka kumakain, ah!" Nahihiyang suway ni Chiaki rito.
" Sorry na, babe, natutuwa lang ako," sagot nito na inakbayan pagkatapos si Chiaki.
Matamang inilibot ng magkakaibigan ang mga mata sa bahay ng mga Natsume." Wow, nice place you had girl," sawata ni Kuzunoha habang umuupo na sa bakanteng upuan.
“Thanks, maikling sagot naman ni Maya habang naghahanda na ng makakain.
Nasaan pala ang mga kasama mo sa bahay, Maya?" Tanong ni Masataka habang isa-isang tinitingnan ang mga ulam na nakahilera, sa hapag-kainan." Nagmadali silang umalis. Kasama niya si Aya," sagot ni Maya na halatang ayaw pag-usapan ang tungkol sa kakambal.
" Gabi na. Saan naman pupunta ang mga iyon?" nagtatakang tanong ni Emi sa dalaga.
"Aba, ewan ko? Puwede bang kumain na lang kayo?" nagdadabog na sabi ni Maya. Dali-dali itong lumabas ng kusina.
Anong problema niyon? nagtatakang tanong ni Masataka habang sumusubo ng kanin."Alam n’yo namang masyadong sensitibo iyon pagdating sa kakambal niya," singit ni Bonschichi.
"Ahh, okay, kain na nga lang tayo! Ang sarap naman nito," masayang sambit ni Masataka habang kumukuha pa ng ulam.
"Ano ba, Masataka? Parang wala kang kasama, ah?" Magtira ka naman! sigaw ni Emi.
"Emi naman! Sige na nga, sa yo na ‘tong sushi," natatawang sabi ni Masataka at ibinalik ang ilang sushi. Nagpatuloy ang magbabarkada sa masayang usapan habang nagsisikain.
BINABASA MO ANG
✔️SOKTOREGGIE(TENJHO TENGE) COMPLETE/ UNDER-EDITED
Fanfiction"Para sa lahat siya ay inosenti, pero sa likod ng maamong mukha nagtatago ang mapait na katotohanan sa tunay niyang pagkatao..." SYNOPSIS Aya Natsume, kabilang sa angkan ng mga Natsume na nagtataglay ng kakaibang mata. Mata ng hinaharap kung tawagi...