MASAMANG tinitigan nina Kuzunoha at Souichiro si Aya. Wala silang pagpipilian kundi gamitin ang kaniya-kaniyang kakayahan. Kung kinakailangang magkaisa sila ay gagawin nila. Kahit alam nila kung gaano kalakas si Aya at hindi hamak na mas matindi at mas malakas ito kay Shin ay wala silang pakialam. Basta ang nasa isip nila ay pagtulungan si Aya para matalo ito sa laban. Kahit pa ang kapalit ay ang kanilang mga buhay. Napangisi si Aya, lalong naengganyo sa nakikita.
Dahan-dahan siyang nagsalita na parang alam na alam ang bawat sitwasyong magaganap.
“Kung ako sa inyo, mamadaliin ko ang pagkilos kung ayaw ninyong maunahan ko kayong magtuloy sa kamatayan!” malakas na pahayag ni Aya.
Unti-unting nagmulat ng mga mata si Maya mula sa pagkakahiga sa kandungan ng nobyong si Souichiro. Mahigpit na hinawakan ni Maya ang pisngi ng namumulang nobyo kasabay ng pagbaling ng mga mata ni Maya sa kakambal. Napatda si Maya sa nasaksihan. Ang mga mata ng kakambal ay mapupula na palang katulad sa dragon. Lalo pang tumingkad ang pamumula niyon nang mukhang nakakasagap ito ng mga enerhiya sa paligid. Nagbigay daan iyon sa paglitaw ng dragon.
“Souichiro, huwag ninyong ituloy! Ang Riyugan! Mapanganib!” pakiusap ni Maya na nag-umpisa nang umiyak.
“Hindi maaari, Maya, nakapagdesisyon na kami. Lalaban namin siya sa abot ng aming kakayahan!” matigas na pahayag ni Souichiro. Dahan-daha niyang itinabi si Maya.
“Huwag, Souichiro!” sigaw ni Maya na narinig naman ni Shin na kalalabas pa lang sa palikuran ng mga lalaki.
“Anong nangyayari dito?” malumanay na tanong ni Shin bagamat may pagtataka sa tinig.
“Kuya may binabalak si Aya sa mga kaibigan natin!” sigaw ni Maya na nakatayo na ngunit nanatiling nakaagapay sa dingding dahil sa nanginginig na mga tuhod at hita.
“Aya? Anong. . .” agaw pansin ni Shin sa kapatid ngunit nahalinhinan si Shin ng kaba sa nakita mula sa kapatid. Ang kapatid niyang si Aya ay naglalabas ng nakakakilabot na aura.
“Aya, itigil mo na iyan!” pigil ni Shin habang patuloy na niyuyugyog ang balikat ng kapatid na ikinagising ng natutulog na kaluluwa nito.
“Kuya,” bulong ni Aya. Niyakap ni Shin ang kapatid dahil sa sobrang emosyong nararamdaman. “Huwag mong uulitin iyon, Aya,” bulong ni Shin sa napatahimik na kapatid.
Dahan-dahang nagbalik ang sitwasyon sa normal. Hindi na muling umimik ang lahat. Nag-umpisang maglakad si Aya pababa.
“Saan ka pupunta Aya?” tanong ni Shin, nasa tinig niya ang pag-aalala.
“Sa silid-aralan. Papasok na,” maiksing pahayag ni Aya. Nag-umpisa itong maglakad hanggang sa mawala ito sa kanilang paningin.
Ilang segundo ang lumipas ay naglakas ng loob na magsalita si Mitsoumi. “Shin, anong klaseng kapangyarihan mayroon si Aya? Bakit parang napakaimposible naman yatang magkaroon ng isang katulad niya?”
Malungkot na tumitig si Shin kay Mitsoumi. Nanunumbat at naghihinakit.
“Espesyal si Aya. . . alam mo iyan. Kaya hindi lingid sa yo kung anong kapangyarihan ang mayroon siya,” sambit ni Shin sa malamig na tinig.“Alam kong marami ka pang itinatago sa amin, Shin. Sana pagdating ng tamang panahon ay ipaalam mo na rin sa amin ang lahat-lahat. Para hindi kami nagmumukhang tanga!” naiinis na sumbat ni Mitsoumi.
“Wala kang alam, Mitsoumi,” balewalang sagot ni Shin. Nag-umpisa na itong maglakad pabalik sa silid-aralan.
Mayamaya ay tumingin si Mitsoumi nng makahulugan sa mata ni Maya.
BINABASA MO ANG
✔️SOKTOREGGIE(TENJHO TENGE) COMPLETE/ UNDER-EDITED
Fanfiction"Para sa lahat siya ay inosenti, pero sa likod ng maamong mukha nagtatago ang mapait na katotohanan sa tunay niyang pagkatao..." SYNOPSIS Aya Natsume, kabilang sa angkan ng mga Natsume na nagtataglay ng kakaibang mata. Mata ng hinaharap kung tawagi...