CHAPTER FOUR (The Other Characters)

51 2 0
                                    


“Kumusta ang guwapo ng campus?” sigaw ni Bonschichi sabay tapik sa balikat niya. “Tumangkad ka at bumata. Anong sekreto mo, brad?” patuloy nito.

Nanatiling tahimik si Aya sa pagkakaupo sa balikat ng Kuya niya. Biglang sumabad sa usapan si Mitsoumi. “Napag-isipan mo na, Shin?” tanong ni Mitsoumi.

Nawala ang ngiti nito sa labi. Tumalim pati ang sulyap. “Hindi ka ba titigil sa kapipilit sa bagay na iyan? Kahit kailan, hinding-hindi kita papayagan sa masama mong binabalak sa amin!” Mahinahon ngunit may kalakip na gigil sa bawat katagang nasabi ni Shin. Nagulat ang lahat sa naging reaksiyon ng mahinahong kaibigan.

Si Mitsoumi kasi ang klase ng tao na hindi titigil hangga’t hindi nito nakakamit ang gusto. Lalo kung pag-uusapan ang magiging pakinabang nito sa binata. Maging si Aya ay nagulat sa reaksiyon ng Kuya niya.

“Hindi kita pinipilit. Gusto ko lang naman ipaalam sa yo,” seryosong sabi ni Mitsoumi.

“Ganoon din iyon. Matutuwa ba ang isang tao kung gagawin mong eksperimento ang buhay niya? Ano naman ang mapapala mo sa walang silbing teorya na gusto mong tuklasin sa pagkatao namin?” nang-uusig na lahad ni Shin.

“Shin Natsume, kabilang ako sa angkan ng Takayanagi. Upang bantayan at tuklasin ang kakaiba ninyong alamat. Di ba ikaw rin ang nagsabing wala kang pakialam? Wala akong pakialam kung mapahamak man ako. Gusto kong malaman ang tinatago ninyong sekreto. Para malaman ko  kung bakit napaslang ang aking ama,” pahayag ni Mitsoumi kay Shin.

“Kung hindi sana makulit at pakialamero ang ama mo. . . sana ay buhay pa siya. Patuloy niyang binabaliw ang sarili niya dahil sa mga natuklasan niya sa amin,”

nakakunot-noong pahayag ni Shin.
Npangisi si Shin pero binalewala ni Mitsoumi iyon. Tinalikuran nila ang isat isa pagkatapos.  “Kung hindi dahil kay papa, hindi ko matutuklasan ang kakaiba ninyong alamat.”

Hindi na lang umimik si Shin. “Ipakilala mo si Aya sa lahat, Maya,” sabat ni Shin kay Maya.

Tumingin ito sa kakambal. “Aya, sila sina Bonschichi, Emi, Chiaki, Bob, Kuzunoha, Mitsoumi, Masataka at ang nobyo kong si Souichiro.”

Sa pagkakarinig ng nobyo’y agad na ibinaba ni Aya ang binabasa. Pinagmasdan niyang maigi kasintahan ng kakambal. Taas-baba ang ginawa niyang panunuri dito. Muli niyang ibinalik sa binabasa ang pansin.

Sa ginawa ni Aya ay parang napahiya ito. Dahil sa labis na gigil ni Souichiro, kulang na lang ay sipain niya mula sa balikat at durugin ang mga mata nitong nanglalait.

Natigilan siya nang magsalita ang maliit na si Aya. Maya, sinabi mong kasintahan mo ito di ba?” tanong ni Aya sa kakambal. Hindi maitago sa boses  ang marahas niyang tinig.

“Oo, bakit?” tanong ni Maya sa kakambal. Bakas sa tinig ang katuwaan dahil mukhang naging interesado ang kapatid sa pag-aari niya.

“Wala naman. Mukhang nakalimutan ng syota mo ang pagsasara ng zipper. Hindi ko in-expect na syota mo pala ‘to,” nanunuyang sagot ni Aya sa kapatid.

Agad tumalikod si Souichiro at isinara ang zipper. Sabay na nagtawanan ang lahat. Maliban kay Maya. Labis siyang nainsulto rito.

“Bakit? May nakakatawa ba sa sinabi ko?” tanong ni Aya sa lahat. Biglang natahimik ang lahat. Isa-isa niyang tinitigan ang lahat. Tumalon siya mula sa pagkakaupo sa balikat ng Kuya niyang si Shin. Nagumpisa na siyang mang-insulto sa mga mga kaibigan ng mga kapatid.

“Ikaw. . .” turo niya kay Bonschichi. “Alam mo bang nabibingi ako sa talas ng dila mo? Ang masahol pa. . . ang hininga mo ay amoy patay na daga!” Lalo itong napahiya nang titigan niya mula ulo hanggang paa.

“Ikaw, babae, bukas ang butones ng uniform mo. Hindi ka ba nasisilipan diyan?” nakataas ang kilay na sabi ni Aya kay Chiaki.

“Ikaw, babaeng kulay rosas ang buhok! Hindi mo inayos ang lipstick mo. Wala ka bang salamin o ayaw mong manalamin dahil sa napakapangit mo?” pahayag ni Aya na ikinamula ni Emi.

“Ikaw, balugang parang hindi naliligo!”

“Ako, bakit?” tanong ni Mitsoumi.
“Nakakadiri ka!” aniya saka tumingin ito nang mapait kay Bob.

“Oh, ano, iinsultuhin mo ako ulit?” inis ng sigaw ni Bob kay Aya.

Ngunit hindi pala si Bob ang kanina pa tinitingnan ng maliit na si Aya kundi si Kuzunoha na panay na ang tingin sa sarili. Kung may mali sa kaniya, ayaw niyang mapahiya sa harap ng maraming tao. Lalo’t lahat ng estudyante sa Todo High ay nakatingin na sa kanila nang masama.

Ngumisi ang maliit na si Aya bago naglakad palapit sa kaniya. “Ikaw,” sabay tapak sa sapatos nitong bagong bili. “Di ka yata nakapagsintas ng sapatos mo o hindi kaya’y. . .” Lalo niyang diniinan ang pagkakatapak sa kaniyang sapatos.

“Ano?” Napakunot-noo siya, hindi dahil sa inis, kundi dahil nasasaktan siya sa pagkakatapak ni Aya sa sapatos niya. Tila mababalian siya.

“Hindi mo alam ang magsintas? Simpleng bagay, hindi mo alam?” gigil na sabi ni Aya.

“Itigil mo iyan, Aya,” saway ni Shin sa kapatid. Tumingin nang pagkasama-sama si Aya sa kapatid.

“Ang kill joy mo, Kuya Shin! marahas na tugon ni Aya bago niya inalis ang pagkakatapak sa sapatos ni Kuzunoha. Doon lamang nakahinga nang maluwag ang huli.

Muli, si Maya naman ang napagdiskitahan ni Aya. “At ikaw. . .” sabay turo sa kapatid.  “Napakalandi mo! Para kang linta kung makayakap sa lalaking iyan. Dinudumihan mo ang pangalan ng mga Natsume. Ano ang mapapala mo sa walang kuwentang lalaking ‘yan? Kung ako sa iyo’y iiwan at lalayuan ko ang lalaking iyan!” pagtatapos ni Aya sa sinasabi.
Muli siyang umupo sa balikat ng kaniyang Kuya Shin bago nagbalik sa ginagawa niyang pagbabasa. Muli niyang tinitigan nang nang-iinsultong tingin ang lahat!

“Pagpasensiyahan nyo na lang ang kapatid ko,” pagbubukas ng usapan ni Shin.

“Kapatid?!” mapait na sagot ni Bonschichi.

“Aya, humingi ka ng despinsa sa lahat,” mahinahong utos niya sa kapatid.

Muli niyang tinitigan ang kapatid. “Kuya Shin, nababagay lamang sa kanilang pahiyain. Mga mababaw, walang alam!” madiing sambit ni Aya.
“Kuya Shin, mauna na ako. Ayaw kong naririnig ang mga insulto ng tarantadong babaing iyan!” sigaw ni Maya habang palakad na sila ni Souichiro patungo sa loob ng campus.

Bumaba si Aya mula sa balikat ng Kuya niya. Kailangan niyang sundan sina Maya.

“Pasok na ako, Kuya Shin,” pamamaalam ni Aya.

Lalong pumanglaw ang mga mata ng binata. “Sige, mauna ka na. May pag-uusapan pa kami,” malungkot na pahayag ni Shin.

Naglalakad na si Aya nang tumigil siya sa harapan ni Masataka. Parang natuka ng ahas si Masataka. Nagulat si Masataka nang balingan siya ng tingin ng inosenting mukha nito.

“B-bakit?” tanong ni Masataka. Pero hindi sumagot si Aya at ngumisi lang ito. Kapagdaka’y hinugot nito mula sa likuran ang napakahabang espada, espadang umaabot hanggang sa talampakan ni Shin. Napapikit si Masataka, naging  mabilis ang pangyayari.

“Aya!” sigaw ni Shin.

Itinigil niya sa tapat ng polo ng binata ang hawak na espada. May inalis itong ilang butil ng kanin.

Dahan-dahang nagmulat ng mata si Masataka. Nagulat din ito sa nakita.
“Wala kang galang sa pagkain. . . marahas na sambit ni Aya bago nagpatuloy sa paglalakad

✔️SOKTOREGGIE(TENJHO TENGE) COMPLETE/ UNDER-EDITED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon