Chapter Thirty Nine

1K 30 0
                                    


B2C38

Julianna's POV

"Ate!" tawag ko kay Ate Gab, medyo malayo layo na kami sa kinaroonan nila Kristy. Mabilis yang maglakad kaya naiwan ako sa likod.

"Ate, tawag ko ulit pero diretso sya sa Ice cream parlor na pilag-iwanan namin kila Jacobo at Ayisha."

Pumasok siya sa loob at nakasunod naman ako. Wala na ang dalawa ng datnan namin doon, kaya nagtanong sya sa isa sa mga waiter.

"Kuya, nakita nyo po ba ang dalawang bata dito?" tanong niya

"Ay, umalis na po Ma'am dala yung Ice cream na binili nila. Pupunta daw po sa Mama at Papa nila." Magalang na sagot ng Waiter.

Nagpasalamat kami ata mabilis na umalis, para bumalik sa buffet area ng resort.

"Mom!" tawag ko kay Mommy ng makarating kami, kumakain din sila ng Ice cream, grabe kasi ang init.

"Ate where have you been? The both of you walkout in the parlor tapos iniwan kami." Jacobo said.

"Ahhhh.... we just talk." Sabi ko at bumaling kay Ate, na tahimik na lang na naupo sa gilid.

Habang tahimik ang lahat na tinatapos ang pagkain, biglang dumating si Krsity, kasama ang lalaki, na Paul ata ang pangalan.

"Ma!" tawag niya kay Tita Dawn at humalik sa pisngi nito

"Kanina ka pa ba?" tanong ni Tita

"Yes, kasama ko si Paul." Sabi nito na tinuro ang kasama.

"Hindi pa ba tayo pupunta sa villa?" singit ni Ate Gab

Napatingin kaming lahat sa kanya, mukhang naiirita sa sya dahil narin sa sobrang init at dumating pa ang nakakabwesit na si Kristy.

"Tataposin lang namin to, sagot ni Tito Anton." Umalis si Ate sa kina-uupan niya, naglakad palayo, tumayo ako para sundan sya, pero nakita kung tumakbo yung Paul para habulin sya. Kaya medyo nag back off ako. May something ba yung dalawa?"

-----------------------------------

Ella's POV

Mas mabuti pang umalis muna ako doon at magpahangin kaysa sa makita ko ang pagmumukha ng Kristy na yun, dumagdag pa si Paul.

Naramdaman ko na may sumusunod sakin at si Paul iyon, kaya mas binilisan ko pa ang lakad, medyo patakbo na nga ako. malayo na ang nalakad ko pero patuloy pa rin ako dahil sa alam kung may naksunod saakin. Wala din namang gaanong tao na naglalakad dahil sa sobrang init.

Medyo nagdahan dahan ako sa paglalakad dahil nagdilim ata ang paningin ko sa sobrang init, sa dahilan para maabotan ako ni Paul.

"Ano ba? May plano ka bang matusta sa init ng araw?" sigaw niya sakin. Hindi ko alam kung anong expression nya ng sinabi niya iyon dahil nakatalikod ako, pero mukhang galit siya. Imbis harapin ko sya, pinagpatuloy ko ang paglalakad na parang walang narinig.

"Ella!" tawag niya ulit at hinawakan ang kamay ko at napaharap ako sa kanya.

"Bitawan mo nga ako!" sigaw ko sa kanya habang nakatitig ng diretso sa mata niya.

"No!" at mas nilapit ang mukha nya sakin.

Nagbaba ako ng tingin at pilit na kinalas ang kamay ko sa pakakahawak niya, pero masyado itong mahigpit.

"Ano ba! Let go of my hand! Bumalik ka na doon kay Kristy!" sigaw ko habang pinagpatuloy ang pagpupumiglas.

"Hindi ko naman gustong, makasama ang babaing yon Ell, kung meron man akong gustong makasama, Ikaw yun."

She Act Stranger for RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon