Chapter Twenty Two

1.1K 34 2
                                    












Dawn's POV

"It's ok Tita.. kaya ko tong si Ayisha.." sabi ni Ella habang unti unti umupo para paupuin si Ayisha.

Sumampa sa likod niya si Ayisha dahilan para lumabas ang kwentas niya na kanina pa nakatago sa sa puting polo nya.

Hindi ko maiwasang tingnan ito, hindi ako pweding magkamali sa pendant ng kwentas. Kahit na malayo hindi ako pweding magkamali.

Napatigil sya pagpuhat kay Ayisha at tiningnan ang tinitingnan ko sa leeg niya. Agad niya itong ibinalik sa loob ng polo niya .

"May problema po ba Tita?" tanong niya sakin.

Ako naman ay hindi alam ang isasagot at nanlungo na lang.

Nagpatuloy sila sa paglalakad habang nakasunod kami. May nakaabang na guide sa di kalayuan para ituro ng daan kung saan ang venue.

Nilingon ko ang pinag-iwanan namin ng sasakyan, at nakitang hindi umaalis si Kristy doon.

"Kristy!" Tawag ko sa kanya. "Hindi ka pwedeng maiwan jan! Dali na!" nakabusangot at padabog siyang naglakad at nilampasan lang ako.

Minsan talaga hindi ko maintindihan ang ugali ni Kristy, kung hindi lang talaga mahaba ang pasensya ko.

--------------------------------------------

Kristy's POV

Awwwww...... Shit... Ang sakit na ng paa ko.

"Hanggang kailan ba tayo maglalakad?" sigaw sa kanilang lahat ako yung sana pina kahuli.

"Malapit na tayo..." sabi ni Mama

"Malapit? Kanina pa tayo lakad ng lakad? Death March ata to." sigaw ko ulit.

Lumapit si Mama saakin at hinawakan ang braso ko.

"Awww... Ma..." actually hindi naman sya masakit, paraan lang talaga para bitawan niya ako.

"Kristy can you please stop acting like this? Hindi kana nahiya kina Ella at Amanda. Hindi din sila sanay maglakad ng ganito katagal. Pasan pa ni Ella si Ayisha.

"Amu pa ba Ma.." sabi ko sabay bawi ng braso ko sabay lakad palayo.

Kinumpara pa ako sa Ella na yun.. sanay kaya yun maglakad, sa run way nga lang.

Hindi nagtagal sa wakas narating na din namin ang event. Siguro mga lampas 2;00 pm na ng marating namin ang charity event na to.

Binaba ni Ella si Ayisha at ganun naman si Paul kay Jacobo. Ang gwapo talaga ng boyfriend ko...

Lumapit ako sa kanila. "Hi there!" bati ko

"Hello!" sabay nilang tugon at inagbayan ni Paul si Ella.

Magsasalita pa sana ako pero tinawag na ni Tita Amanda si Ella.

"Ella!! Dali na tumulong kana dito" tawag ni Tita.

"Tara.." Yaya ni Ella kay Paul.

"ako hindi mo ba aayain?" sabat ko

"Tara na nga?" sagot niya.

She Act Stranger for RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon