1:Totoo kaya ang mga bampira?

4.7K 143 13
                                    

[Kabanata 1]

Totoo kaya ang mga bampira?

-Hannah's POV-

Recess....

Kasalukuyan akong nakaupo dito sa "bench" sa school kasama ang aking mga kaibigan.Inubos naming lahat ang mga pagkain naming binili kanina sa canteen.

Dahil maaga pa naman,napagdesisyunan naming lahat na magkuwentuhan na lamang sapagkat may natitira pa kaming dalawampung minuto sa apatnapu't limang minuto para sa recess.

Napansin kong tungkol sa "misteryo" at "kababalaghan" ang kanilang pinagkukuwentuhan kaya naman nakinig nalang ako sa kalokohan nila.

Mga "common" na ang kanilang pinag-uusapan pero ang isang tanong na ito ni Noel ay kumuha ng atensyon ko mula sa pagkabagot.


"Naniniwala ba kayo sa bampira?",tanong niya sa amin ng seryoso.

"HINDI!",mabilis kong tugon sa kanyang tanong.

"Ako rin HINDI.Mga imahinasyon lang naman sila at kuwento ng matatanda.Tinatakot lang nila ang mga sarili nila!",tugon naman ni Louise na may kaparehong ideya sa sagot ko.

Lahat kami ay sinagot ang tanong ni Noel na may magkakaparehas na sagot.Pare-pareho kami ng sagot sa kanyang tanong.Limang letra. 

H-I-N-D-I.Hindi!

Ibig sabihin lahat kami ay HINDI naniniwala sa mga BAMPIRA pero....

"Ako OO.Naniniwala ako sa kanila!",sabi ni Noel sa amin na may kabaligtarang ideya sa mga sinabi namin.

Hindi ko alam ang susunod na mangyayari pero bigla nalang akong tumawa.Masakit na ang tiyan ko kakatawa pero patuloy pa rin ako sa ginagawa ko.Tumawa lang rin ng tumawa ang aking mga kaibigan habang si Noel ay nag-iisang seryoso at nakakunot ang noo.

Mga ilang minuto rin ang lumipas bago namin ibalik sa pagiging normal ang mga sarili namin.Marahil ang "OA" namin pero si Noel? Isang hamak na guwapong lalaking may matipunong katawan,matapang,hinahangaan ng kababaihan sa aming eskuwelahan ang naniniwala sa "BAMPIRA"? Para tuloy akong na "turn off" sa kanya.

"Noel,seryoso?Naniniwala ka sa BAMPIRA o nagpapatawa ka lang?",seryosong pagtatanong ko sa kanya.

"Seryoso ako.Basta.Naniniwala ako sa kanila!",sagot niya sa tanong ko.

Napatingin ako sa mga kasama namin at nagkibit balikat lamang sila.

"Tara na! Baka mahuli pa tayo sa klase niyan! Sa susunod nalang ulit tayo magusap.Isang minuto nalang at magsisimula na ang klase natin,oh.",pagyayaya sa amin ni Louise.

Mabuti nalang at magkakaklase kaming lahat kaya kapag kami ay nahuli sa klase.Sama-sama kaming mapapagalitan ng aming guro.Hahahaha.

Pumasok kami sa loob ng aming silid-aralan ng sama-sama at suwerte namin dahil hindi pa dumadating ang aming guro sa Agham.

Nang dumating ang aming guro,may naisip nalang ako bigla.

Totoo kaya ang mga BAMPIRA?

***

The Untitled Vampire StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon