43:Missing You

56 3 1
                                    

-Hannah POV-


Isang cliché na pangyayari ang kasalukuyang nararanasan ko ngayong umaga. Nagising ako sa maingay na tunog ng alarm clock at napag-alaman kong 30 minutes nalang ay magsisimula na ang first class ko.


Dali-dali naman akong nagtungo sa CR upang maligo at makapaghanda. Nakapikit ako habang dinadama ang malamig na pagdaloy ng tubig sa aking katawan. Sa tanang buhay ko, ang bagay na hindi ko talaga pwedeng ipagpaliban sa isang araw ay ang maligo. Well, it's just so refreshing.


Nang tapos na akong maligo ay kaagad na akong nagbihis sa aking kwarto. Nang ako'y makabihis at makapaghanda ay agad na akong bumaba patungo sa 1st floor. Nakita ko naman siyang nakangiti habang abalang nagta-type sa kaniyang cellphone.  



"What's with the smile,Jumo?", nakangiti kong tanong sa kaniya. Umupo ako sa tabi niya at napag-alaman kong nagko-comment pala siya sa post ng isang meme page sa facebook.


Napatawa na rin naman ako dahil nakakatawa naman talaga ang meme na iyon. But suddenly, a thing pop out in my mind. Kailan pa natutong mag-facebook si Jumo? Hhmmm...


"Nakaraan ko lang natutunan ang facebook na ito, at para sakin, nakalilibang at ayos naman siya", nakangiti niyang sambit sa akin kaya napatango-tango na lamang ako. Sa lapad ng ngiti niya, halos mawala na ang kaniyang mga mata. Chinito huh.  



Well, good for him. Atleast, he can do things here that can kill his boredom. Congratulations sakanya at hindi siya naging jejemon.


Diba kapag bagong salta ka palang sa internet ay talagang magiging jeje ka muna? Pero siya, aba't meme lord na agad!  


Ayy!


Masyadong ata akong nawala sa sarili at nakalimutan kong malapit na ang first class ko kaya naman agad na akong nagpaalam kay Jumo na papasok na ako.


I kissed him on his right cheek bago ako umalis.

***


Buti nalang talaga at kahit paano'y nakapagbasa-basa ako kanina ng English book ko. I don't know. Alam niyo iyong feeling na wala kang magawa kaya nagbuklat-buklat ka nalang ng books mo tapos saktong may long quiz kayo. Buti nalang talaga nagbasa ako kanina dahil kung hindi, wala akong masasagot kanina sa quiz at magagaya ako sa mga blockmates ko na nangamote.


Recess ngayon kaya naman ako ay nasa cafeteria. Gutom na gutom ako kaya naman napadami ang inorder kong pagkain.


"Sinong may birthday?", pabirong tanong sa'kin ni Louise. Napangiti lang ako sa sinabi niya sabay napairap. Yeah. Nandito lahat ng kaibigan ko sa table na ito. I do really miss them. They are my friends since elementary days kaya naman imposibleng makalimutan at ipagpalit ko sila sa iba.Buti nalang talaga at nagkasama-sama ulit kami kahit ngayon lang! Alam niyo na, busy kami dahil masyadong hectic ang schedules namin.


Kumuha ako ng fries at isinubo ito. Ang sarap talaga.


The Untitled Vampire StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon