14:Where Are We Going?

1.7K 96 15
                                    

[Kabanata 14]

Where are we going?


-Vin POV-



Ang dapat na gawin ko ay mapalapit kay Hannah para hindi nila kami mapaghiwalay.TAMA!



Kaya naman ngayon, may pupuntahan kaming lugar kung saan mapapasaya ko siya.




-Hannah POV-



Linggo ng umaga sa ngayon at kagagaling ko pa lamang sa simbahan kasama sila Tatay at Nanay.Ang tagal na rin kasi naming hindi nagsasama.




Kasalukuyan akong nasa kuwarto ko at nagbabasa ng wattpad.Nagbabasa ako ng mga vampire novels dahil paborito ko rin ang mga nobela tungkol sa mga bampira.




Hayyyssss.Nakakabagot naman dito.






Napatingin ako sa pinto ng kuwarto ko dahil kumatok si Vin.Siyempre si Vin ang kumatok dahil siya lang naman ang kasama ko dito sa bahay eh.




Binuksan ko ang pinto.





Anyare?Nakaraan lang parang Biyernes Santo ang mukha niya ngayon naman parang Muling Pagkabuhay.




Bipolar 




"Bakit?", tanong ko sakanya.



"May pupuntahan tayo", saad niya.



"Saan naman?", tanong ko ulit.



"Malalaman mo nalang yun kapag nandoon na tayo", aniya.



"Sige.Magbibihis lang ako", sabi ko sakanya.



"Okay,magbihis ka na.Pwede akong manood habang nagbibihis ka? *smirk*", tugon niya.



"VIN DIESEL EDUARD.ALIS!", sigaw ko sakanya at umalis na nga siya.Humalakhak pa talaga siya nung umaalis siya.Siraulo talaga yang isang yan.Bampira ba talaga siya? Napaka-abnormal niya and take note.MANYAK NA BAMPIRA!




Ni-lock ko yung pinto at nagbihis na nga ako.Nagsuot lang ako ng pink shirt na may note na "We are like photographs, we develop from negatives" . Pinartner ko naman yung pantalon at rubber shoes. Saka nagsuot rin ako ng cap na pang gangster, ang cute kasi nun eh.Okay na siguro itong suot ko.




Pagkalabas ko ng kuwarto ko ay nasilayan ko ang napakagwapong si Vin.OMO. Lumalandi ako.




Eh kasi naman,nakasuot rin siya ng pink shirt na may note naman na "Memories are like wattpad stories,maybe there is a flashback" saka pantalon at siyempre rubber shoes .Alangan namang mag-boots siya diba.




Naka-shades pa siya.Ang cute kasi pareho kaming nakapink shirt na may note pa.Ang cute niya pala sa pink na shirt. BOYFRIEND ko yan!




Teka! Ano bang nangyayari sakin at lumalandi ang peg ko....




" Are you done checking my body?", sabi niya kaya iniwas ko yung tingin sakanya.Shete.Kanina pa pala ako nakatingin sakanya kaya namula ang mukha ko.




"Ang yabang talaga!", sabi ko sa isip ko.



"Yeah.Mayabang talaga ako kasi may ipagyayabang ako", saad niya pero inirapan ko lamang siya.



"Tara na", sabi niya at dumiretso na nga kami papunta sa kotse niya.



Where are we going?




***


The Untitled Vampire StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon