-Hannah POV-
"Hmm.Ahh", napakagat ako sa labi ng maramdamang kumikirot ang katawan ko.Iminulat ko ang aking mga mata at tumambad sa akin ang isang native na village sa Japan o Korea.Bilog ang buwan.Napahawak ako sa braso ko at sinubukan kong tumayo.Nung una ay hindi ko kaya pero habang sinusubukan ko ay nagawa ko na.
Nagmasid ako sa paligid.Teka,nasaan na ba ako ngayon?Parang hindi naman ganito ang bayan namin hah.
"Aray!", napahawak ako sa bewang ko nang ako ay madapa.Habang nakatalikod pala ako ay may nakabungguan ako.
"Paumanhin,binibini", tinulungan ako ng lalaking nakabunggo sa akin.
"Ahmm.Ako nga po ang dapat mag-sorry eh.Hehe", sabi ko sa lalaking ito.Teenager siya pero ang lalim niya magsalita.Paumanhin.Binibini.Ay bongga!Pamilyar nga siya sa akin eh.Parang dati ko pa siya nakita.Pero mukhang imposible naman dahil first time ko lang makapunta sa lugar na ito.
"Ako nga pala si Virkujumo", aniya.Ayy!Amfufu naman ng pangalan niya.Parang binaon pa sa kasaysayan.
"I'm Hannah", sabi ko at inabot ang kaniyang kamay.Inilibot ko ang aking tingin at ang daming tao.Ay mali.Ang dami palang prinsepe at prinsesa ang nakatingin sa amin nitong si Virkujumo.Grabe.Ganito ba talaga ang mga tao dito?Parang maharlika.Ang gagwapo't ang gaganda.Puro teenagers.
"Ahmm.Virkujumo.Ganito ba talaga ang mga tao dito?Mga maharlika.Ang ga-gwapo't ang gaganda.Puro teenagers", sabi ko sakanya ng nakangiti.
"Haha.Teenager?Ang ibig sabihin ba ng salitang iyan ay mga binata't dalaga.Ipagpaumanhin mo binibini,ngunit hindi na sila binata't dalaga pa,nasa edad isang daan na sila pataas.At wala ring maharlika sa kanila,sila'y mga pangkaraniwang bampira lamang", aniya.
"Hahahahahhahahaha.Virkujumo naman eh.Hahahaha.Laughtrip.Amputek.Seryoso ako dito tapos joke time ka pala.Saka ano?Bampira.Err.Virkujumo naman eh.Hahahaha", sabi ko ng natatawa pero sa kabilang banda ay kinakabahan ako na ewan.
"Haha.Pasensya,Hannah.Pero hindi ako gumagawa ng biro o ano pa man.Ako'y nagsasabi ng katotohanan", sabi niya.Napatingin ulit ako sa paligid at nakita ang mga nakatira dito na nagbubulungan.
"Ibig mong sabihin ay bampira kayo?", tanong ko kay Virkujumo pero sa mga oras na ito ay hindi na ako natatakot at kinakabahan.Bampira sila?Bakit,sila lang ba?
"Oo", sabi niya at hinawakan ang aking ulo.Unti-unti akong nahili pero hindi ako nagpadala doon.
"Hindi ka ba natatakot?", tanong sa akin ni Virkujumo.
"Bakit ako matatakot sa kauri ko?", ani ko sabay ngumisi.
"Ilang taon ka na?", tanong na naman niya sa akin.
"Kaka-18 ko lamang ngayon ", pahayag ko sakanya.
Nagulat ako sa tinuran niya.Bigla niya na lamang kasing itinapat sa aking labi ang kaniyang pulso.
"Anong gagawin ko diyan?Nababaliw ka na ba?", sabi ko sakanya habang ako'y nalilito't nagtataka.
"Hindi ko maaaring sabihin sa iyo kung ano ang iyong gagawin sa aking pulso.Ngunit ang gagawin mo lamang dito ay titigan at aking oobserbahan kung ano ang gagawin mo dito", aniya pero sinunod ko na lamang siya.
Ilang sandali pa ay napasinghap ang mga bampira sa aking ginawa.Maski ako ay nagulat at hindi ko alam kung bakit ko iyon nagawa.Sinulyapan ko si Virkujumo pero nakangiti lamang siya sa akin at parang walang iniindang sakit.
Bigla ko na lamang kasing kinagat ang kaniyang pulso at ininom ang dugong sumisirit dito.
***
BINABASA MO ANG
The Untitled Vampire Story
VampirosMagulo at lalo pang gumugulo ang buhay ni Hannah. Simple lamang ang pamumuhay ng kanilang pamilya ngunit noong magsimulang magkasakit ang kaniyang ina at makilala niya ang lalaking mahal niya, nagsimula nang dumating ang samu't saring mga problema s...