22:Heartbeat

1.6K 70 10
                                    

-Hannah POV-


Kinusot ko ang aking mga mata pagkagising ko.May napanaginipan ako.Isa daw akong nawawalang apo ng isang hari.Pero imposible naman yatang mangyari ang bagay na yun kaya binalewala ko na lamang.


Agad-agad akong nagtungo sa CR.Binuka ko ang aking bibig.Laking gulat ko ng makitang wala na akong pangil.Kinilabutan ako.Ano bang misteryo ang nangyayari sa ngayon?


Naligo nalang ako.Mabuti nga iyon eh.


Oo nga pala,dalawang araw mula ngayon,18th birthday ko na.Teka,hala!Magkasabay pala yung birthday ko saka yung JS Prom.Hayyysss.Bahala na.


Matapos kong maligo ay nagbihis ako at kumain.Nakita ko si Tatay at Nanay na natutulog pa.Bakit kaya?Kalimitan kasi,maaga gumising si Nanay kapag may pasok ako.Siguro,pagod lang siya.


Sumakay ako sa taxi.Haha!Hindi na ako naglalakad ngayon,nuh.Feeling prinsesa muna ako sa ngayon.Pero taxi lang ito,sorry na.Mababa ang estado namin  sa buhay sa ngayon.


Ilang minuto lamang ang lumipas at narating ko na ang school.Nang iluwa ako ng taxi at pagkalakad ko sa hallway ng school,animo'y nakakita sila ng multo.Bakit?Ang pangit ko ba ngayon o may dumi ba ako sa mukha?


"Pre.Yan ba si Hannah ng Section 1?"

"Dyosa na nga dati,mas naging dyosa pa."

"Is that Hannah?"

"Oh yeah,kailangan pala ay kaibiganin natin siya para mapalapit tayo sa mga crush natin"

"Yeah!"


Yun ang mga bulungan ng estudyante na narinig ko.Yung totoo?Ano bang meron?


Naglakad na lamang ako papunta sa room pero pagkapunta ko sa room.Para na naman silang nakakita ng multo?Ano bang meron,bakit ayaw nilang i-explain?Bitch please!


Umupo ako sa upuan ko at lumapit sakin si Louise at Nicole.


"Hannah,ikaw ba yan?", tanong ni Nicole sakin.Sinampal ko siya ng marahan.


"Para kayong sira!Malamang ako 'to", inis kong sabi sakanya.


"Grabe ka Hannah.Ang Dyosa mo.Paano ba maging maganda?", sabi ni Louise pero napakunot lamang ako ng noo.



-Vin POV-


Kasalukuyan akong papunta sa room ko.


Pagkapunta ko sa upuan ko ay may katabi akong babae.


Hala ka!Bakit biglang bumilis yung tibok ng puso matapos kong makita yung babaeng dyosa na 'to?Teka,ano bang pinagsasabi kong dyosa?


No flirting.Sabi ni Leah sakin ay maging loyal kami sa isa't isa.


***


The Untitled Vampire StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon