47:See You Again & Again

46 3 4
                                    

-Hannah's POV-


Matapos ang pag-uusap namin ni Vetra ay sinamahan niya ako sa magiging kwarto ko sa buong pamamalagi ko rito sa Blood Academy. Nagpaalam na rin si Jumo na uuwi na rin siya. Sabi ni Jumo ay huwag daw akong mag-alala dahil bibisita siya rito kada buwan. Gayumpaman, hindi ko maiwasang mapa-buntong hininga. Sigurado akong mami-miss ko ang Lolo ko dahil hindi pa naman gaano katagal ang panahon na nagsama kami.


Ang hinintuan naming lugar ay isang dormitoryo. Gayumpaman, higit na mas malaki ang isang 'to kung ikukumpara sa mga dormitoryo na tinutuluyan ng mga tao.


Nang makapasok kami rito ay 'di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan. Ngunit nawala ang mga ito nang kami'y huminto sa harap ng isang kwarto. Kumatok nang tatlong beses si Vetra sa pintuan nito.


Naghintay kami ng ilang minuto bago tuluyang bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang isang nakangiting babae.


"Hi, Ms. Vetra, ano po ang aking maipaglilingkod ko sa inyo?", pormal na tugon ng babaeng nasa harap namin. Nakatitig lamang ako sa mukha niya nang bigla rin siyang lumingon sa gawi ko kaya naman iniba ko ang direksyon ng aking mukha. Sa halip ay lumingon na lamang ako sa gawi ni Vetra.


"Magandang umaga rin Riza", ani Vetra at lumingon sa aking gawi. "Siya nga pala si Hannah. Hannah M. Lim. Apo siya ni Virkujumo Leofard at naririto siya dahil simula ngayon ay dito na siya mag-aaral sa Blood Academy. At bukod pa roon ay siya rin ang makakasama mo sa kwartong ito dahil wala ka pa namang kasama rito, tama ba?"


"Opo!", ani Riza at tumingin sa gawi ko habang nakangiti. Hindi ko naman maiwasang hindi ngumiti dahil nakahahawa ang ngiti niya. "Hi Hannah, ako nga pala si Riza. Sinisigurado kong magiging masaya ang pagtuloy mo dito dahil bukod sa maaliwalas at masaya dito, marami ring gwapo!", nakangiting aniya kaya napatawa kaming tatlo. Inilahad niya ang kaniyang kamay kaya naman iniabot ko ito. Malambot ang palad niya at parang matutunaw kapag hinawakan.


Inutusan ako ni Vetra na pumasok na sa kwartong iyon kaya naman pumasok na nga ako hila-hila ang aking maleta. Nag-usap-usap muna kaming tatlo bago tuluyang umalis si Vetra at kaming dalawa na lamang ni Riza ang maiwan.


***

Lumipas ang mga oras at talaga namang sising sisi ako kung bakit hinayaan kong maiwan ako sa kwartong ito kasama si Riza. Napakaingay niya to the point that she kept on telling nonsense things. Ni hindi ko nga maintindihan kung ano ang mga sinasabi niya. Besides, wala talaga akong pakialam dahil pagod ako ngayon at hindi na kayang mag-register sa utak ko ang mga sinasabi niya.



If she wants to broadcast her entire life, pwede naman siyang tumawag sa number ng MMK or Magpakailanman, 'di ba? Atleast doon, siguradong malalaman ng lahat ang buong buhay niya.



We're not that close yet kaya naman ngumingiti ako kahit papaano everytime na magkukwento siya ng mga nakakatawang pangyayari sa buhay niya. Well, I don't know kung nakakatawa nga ba o nahahawa lang talaga ako sa tawa niya?



"Hannah, kailangan nating magpahinga ngayon. Mamayang alas otso ng gabi, gigisingin kita dahil 9PM magsisimula ang klase natin at magtatapos nang alas singko ng madaling araw." 

The Untitled Vampire StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon