-Vin POV-
We're here at Emperius Vampiruz.
.
Kasama ko si Clarinet na nakasabit ang kamay sa braso ko.Sa totoo lang,ayaw ko sakanya.Hindi maganda ang kutob ko sakanya.Basta.Feeling ko totoo yung sinabi niyang serial killer siya eh.Plus the mere fact na bampira rin siya gaya ko,of course she has a power.Kapangyarihan na maaaring gamitin niya para kitilin ang buhay ko.
.
Tahimik lang naming binabagtas ang lugar kung saan kami naroroon ngayon.Habang tumatagal ay malapit na kami sa pinakasentro o bayan ng Emperius Vampiruz.Kumbaga dito naninirahan ang maraming bampira.
.
Nasa bayan na kami at marami kaming nakasalubong na bampira.Nagulat ang karamihan nang makita nila ako.Marahil ay nagulat sila dahil ngayon nalang ulit nila ako nakita.
.
Three years lang naman ang nakalipas pero feeling ko napakatagal ko nang nawalay sa lugar na ito.
.
Ilang saglit pa'y nakarating na kami sa kaharian ng aking Ama't Ina.
.
Maski ang mga kawal ay nagulat nang makita nila ako.Yumuko sila sa harapan ko upang magbigay galang.
.
Hindi na ako sanay maging prinsipe.
.
Pagkapasok pa lamang namin ni Clarinet sa bulwagan ay nagbigay galang na kaagad ang mga bampirang nandoon.Mga naglilingkod sila sa aming kaharian.
.
"Prinsipe,kami'y nablaberistikaryo nang ika'y aming namataan.Maligaya ang aming puso sa katotohanang nagbalik ka na sa ating imperyo", anitong isang babaeng bampirang naglilingkod sa'min.
.
Aish!
.
Lumalalim na rin tuloy yung pagtatagalog ko dahil sakanila eh.Amp.
.
"Wala po rito ang Amang Hari at Inang Reyna mahal na prinsipe.Sila'y nasa isang pagpupulong ukol sa pagpapatakbo ng mga organisyon dito sa ating kaharian", aniya na sinabayan niya pa ng muwestra.
.
Binagtas namin ang pasilyo palabas nang bulwagan at nakahanda na kaagad ang karwahe para sa akin,para sa amin pala ng letseng si Clarinet.
.
"Isadora,ipatawag mo ang piskante ng karwahe na maglalayag tungo sa lunan kung saan nagpupulong ang mag-liyag", utos ng lalaking bampira.
.
Ilang saglit pa ay dumating na ang piskante ng karwahe.Ilang minuto pa'y nakarating na kami sa pagpupulong na sinasabi nila.
.
Teka,nasaan ang pagpupulong?At teka,anong pagpupulong ang sinasabi nila?!
***
BINABASA MO ANG
The Untitled Vampire Story
VampiroMagulo at lalo pang gumugulo ang buhay ni Hannah. Simple lamang ang pamumuhay ng kanilang pamilya ngunit noong magsimulang magkasakit ang kaniyang ina at makilala niya ang lalaking mahal niya, nagsimula nang dumating ang samu't saring mga problema s...