[Kabanata 7]
BE MY GIRLFRIEND !
-Hannah POV-
Ano kaya yung kondisyon na sinasabi niya?Pero sa bagay,kahit ano pa iyon,kailangan kong sundin iyon para sa kapakanan ni Nanay.
Kahit pa maging utusan niya ako,alila,tuitor,susundin ko iyon.Ang yaman niya pala talaga para ipagamot niya si Nanay ng ganun-ganun nalang.Parang barya lang ang milyong halaga sa kanya hah.
"Ahhmm....Vin,ano yung kondisyon ?", tanong ko sa kaniya.
"Napakasimple.Walang kahirap-hirap", sabi niya sabay ngisi.Nakakainis na talaga siya.Prinsipe ba siya ng mga Ngisi?
"Hindi po ako Prinsipe ng mga Ngisi.Prinsipe ng mga BAMPIRA lang", sabi niya.Naalala kong nakakabasa nga pala siya ng isip ng iba.Mahirap palang plastikin ang mga tulad niya.
"Bakit,gusto mo ba akong plastikin?", tanong niya sabay pout.
Napahawak na lamang ako sa aking noo.Grabe.Ang kulit niya nga talaga.
"Hayysstt Vin.Ano ba yung kondisyon mo?", tanong ko na lamang sa kaniya.
"Simple! BE MY GIRLFRIEND !" , sabi niya.
"WHAT?!", sigaw ko sa kanya.
"I said BE MY GIRLFRIEND !", sabi niya sa akin sabay ngiti ng nakakaloko.
"Pero----"
"Wala ng pero pero pa.No choice ka naman eh.Hahayaan mo bang mamatay na lang ang Nanay mo?Sa gwapo kong ito,ikaw pa ang may ganang mag-refuse diyan.Eh,yung ibang babae nga gusto nang kainin yung 'six pack abs' ko eh", sabi niya sabay kindat.Nung sinabi niya yung 'six pack abs',hinubad niya yung polo niya sa sando niya kaya naman kita talaga yung sinasabi niyang 'six pack abs' niya.
BINABASA MO ANG
The Untitled Vampire Story
VampireMagulo at lalo pang gumugulo ang buhay ni Hannah. Simple lamang ang pamumuhay ng kanilang pamilya ngunit noong magsimulang magkasakit ang kaniyang ina at makilala niya ang lalaking mahal niya, nagsimula nang dumating ang samu't saring mga problema s...