-Hannah POV-
"Hannah"
"I'm Clarence"
Aniya.Siya pala si Clarence.
Umupo siya sa tabi ko kahit medyo basa yun dahil sa ulan.Tinitigan niya ako pero iniwas ko ang aking mga mata sa pagtitig niya.
"Ahhmm,Hannah.Bakit ka nga pala nagpapakabasa?Naliligo ka lang ba sa ulan?", inosenteng tanong niya pero napatawa ako.Joker rin pala ang isang ito eh nuh.Si Hannah na 17 years old na ay nagtatampisaw sa ulan?Wow!
"Sira.Wala ka na dun", sabi ko sakanya.Mas mabuti pang hindi ko nalang sabihin sakanya dahil ayaw ko ng matandaan yung nangyari.
"Ahh.Okay.San ka nga pala nag-aaral?", tanong na naman niya.Interviewer naman daw siya ngayon.
"Sa St.Paul Academy", sambit ko sa tinanong niya.
Nagkwentuhan lang kami ng kung anu-ano.Joker nga pala talaga siya.Haha.Hindi na namin namalayan ang oras.
"KUYA!", sigaw ng batang babae sa loob ng van.Siguro kapatid niya yun.
"Wait lang Micah!", sagot naman niya.
"Ah eh.Hannah,si Micah kapatid ko.Oo nga pala,nakalimutan kong may pupuntahan pa kami.Oh paano?Mauna na ako hah", sagot niya.
"Okay,sige.Mag-ingat kayo sa daan!", sabi ko sabay ngiti.Nginitian niya rin ako.Hindi pa siya tuluyang nakakaalis at nakatitig lang kami sa isa't isa.Siguro parang 1inch nalang,malapit nang magdikit yung mga labi namin.Nakita ko rin siyang napapikit pero iniwas ko ang mukha ko.
Napasabunot siya sa sarili niya.
"Sorry,Hannah ah.Hindi ko yun gustong gawin", aniya.
"Okay lang.Sige ingat!", paalam ko at pumasok na nga siya sa van nila.Kumindat pa siya sakin bago umalis.
Pasensya Clarence....
Pasensya kung hindi ko maibibigay ang gusto mo....
Kasi hanggang ngayon,si Vin parin talaga yung mahal ko.
-Guillermo POV-
Maggagabi na at nagluluto na ng ulam ang aking asawa.Nagluluto siya ng adobong manok.
"Ang bango naman ng niluluto ng mahal ko", sambit ko at lumapit sakanya.
BINABASA MO ANG
The Untitled Vampire Story
VampireMagulo at lalo pang gumugulo ang buhay ni Hannah. Simple lamang ang pamumuhay ng kanilang pamilya ngunit noong magsimulang magkasakit ang kaniyang ina at makilala niya ang lalaking mahal niya, nagsimula nang dumating ang samu't saring mga problema s...