-Hannah POV-
Pagkatapos nun ay pumunta kami ni Vin dito sa park.Hindi ko alam kung anong naisipan ng lalaking ito.Feel ata ang mag-gala eh.
"Ang sharap chalaga!", sabi ko habang nginunguya yung chocolate na binili niya para sakin.Actually,ako yung nag-request sakanya na bilhin ito.Hindi ko nga alam kung bakit nitong mga nakaraang araw,gustong gusto ko ang chocolate eh.Hindi kaya buntis ako?CHAROT!
"Hinay-hinay lang sa chocolate babe.Baka magka-diabetes ka niyan", aniya habang nakatingin sakin.For sure,nagagandahan yan sakin eh.Joke.He-he.
"Kum magkaka-diabetish ako.Dati pa kasi dati pa namach akosh mahiligsh sa shokoleyts eyy", sabi ko at parehas kaming natawa sa pagkasabi ko.Para kasi akong sira.
Matapos kong kainin yun ay umupo kami sa isang bench.Mula dito ay tanaw namin ang lawa.Maganda na ang view dahil takip-silim na.Isama mo pa yung mga nagliliparang mga ibon kaya da best talaga.
Habang nagmo-moment kami dito ni Vin ay medyo hindi maganda yung pakiramdam ko.Hindi naman yung parang may sakit ako pero parang may nagmamasid saming dalawa.
Kapag tinitingnan ko naman yung mga tao,wala naman.May mga sari-sarili rin silang ginagawa.Hayyyssss.Mabuti't pa't huwag ko nang pansinin yun.
Malapit na ring mag-gabi kaya niyaya ko na si Vin na umalis doon.Hanggang dito ay pakiramdam ko'y may nagmamasid pa rin saming dalawa.
Dumiretso kami ni Vin sa kotse niya at sumakay.Pauwi na sana kami pero ang sabi niya'y sa restaurant nalang daw kami kumain tapos daw ay mag-mall kami.Mas maganda sana sa bahay pero dahil sabi ni Vin ay susundin ko.Girlfriend ako ng Vampire Prince eh.
Nang makapunta kami sa restaurant ay umupo kami sa table for two at umorder naman si Vin ng kakainin namin.Bahala na siya dun.
Ilang minuto lamang ay nakarating na agad si Vin dala-dala ang inorder niya.Sinunggaban ko naman kaagad yung mga pagkain.Joke.Over naman yung sinunggaban,kinain lang.Ha-ha.
Habang ako'y kumakain ay muntik ko nang mailuwa ang aking pagkaing nginunguya dahil sa aking nakita.
Nakakita lang naman ako ng babaeng nagdudugo yung bibig.Tinatakpan niya ito habang nakayuko siya.Para bang tinatago niya ito sa mga taong nakakakita sa kanya.Pero bakit parang ako lang ang nakakakita sakanya?Teka,totoo ba talaga itong nakikita ko?
BINABASA MO ANG
The Untitled Vampire Story
VampirMagulo at lalo pang gumugulo ang buhay ni Hannah. Simple lamang ang pamumuhay ng kanilang pamilya ngunit noong magsimulang magkasakit ang kaniyang ina at makilala niya ang lalaking mahal niya, nagsimula nang dumating ang samu't saring mga problema s...