-Third Person's POV-
"Vin?!/Hannah?!"
Sabay na napasigaw sa gulat at tuwa ang magnobyo't nobya.
Dali-dali silang lumapit sa isa't isa at pagkatapos noon ay nagyakap sila nang mahigpit. Hindi na nila mapigilan ang kinikimkim nilang emosyon. Sobrang saya ang nararamdaman nila sa mga oras na ito dahil kaytagal nilang hinintay at hinanap ang isa't isa.
Humagulgol sa sobrang tuwa si Hannah habang si Vin naman ay tahimik na naluluha dala na rin ng kasiyahan. 'Tears of joy' ika nga.
Nagsimula naman ang bulung-bulungan sa kanilang paligid. Halatang nagtataka ang kanilang mga kaklase sa inaasal nila.
"Anong meron? Bakit magkayakap sila?"
"Bakit sila magkayakap?"
"Hala! Tingnan mo, oh! Umiiyak sila pareho!"
"Ano'ng nangyayari?"
"Siya ba 'yong sinasabi ni Vin?"
"Ah, oo! Iyong matagal niya na raw na nobya pero hindi niya na makita!"
"I knew it!"
"Duh! Hindi sila bagay!"
"Tama! Mas bagay kami ni Vin. Ang pangit kaya ni Hannah! HAHAHA!"
"Buti nalang wala akong pake"
'Yan ang mga komentong maririnig sa apat na sulok ng kanilang silid-aralan. Bagama't may ibang positibo, mayroon ring mga negatibo at mas marami ang walang komento.
Maging si Riza ay naluluha na rin dahil sa kasiyahan. Kahit wala pang 24 oras ang pinagsasamahan nila ni Hannah, sobrang saya niya pa rin dahil talaga namang nakahahawa ang emosyong ipinapakita ng magkasintahan.
Hindi na rin napigilan ng kanilang guro na si Ms.Rose ang maluha. Alam niya kasi ang kwento ng dalawa at talaga namang sobrang saya niya dahil sa wakas ay nagkita na sina Vin at Hannah.
"Ang tagal kitang hinintay. Dito lang pala kita makikita. Mahigit apat na taon akong naghintay Vin at sa wakas! Salamat sa Diyos at tinulungan Niya akong mahanap ka!", lumuluha pa ring sambit ni Hannah kay Vin. Sobrang saya niya talaga at walang makapipigil aa kaniyang nadarama.
"Ako rin naman eh. Apat na taon din kitang hinanap pero hindi ka na pala nakatira sa dati niyong bahay. Hindi na rin kita mahanap sa mansion ko." tugon ni Vin.
"Lumipat kasi kami eh. But, let's just forget about it. What important right now is that we met each other again and destiny leads the way for us to meat each other again and again." sabi naman ni Hannah na siyang dahilan ng pagtango ng kasintahan.
Dahil sa nangyari, na-postpone ang klase ng kanilang pangkat at idineklarang wala muna silang pasok sa araw na 'to. May ibang nainis. May ibang nalungkot. Pero mas madami talaga ang nagdiwang ang loob. Sobrang pabor naman sa magkasintahang Vin at Hannah ang naging desisyon.
BINABASA MO ANG
The Untitled Vampire Story
VampirosMagulo at lalo pang gumugulo ang buhay ni Hannah. Simple lamang ang pamumuhay ng kanilang pamilya ngunit noong magsimulang magkasakit ang kaniyang ina at makilala niya ang lalaking mahal niya, nagsimula nang dumating ang samu't saring mga problema s...