2:Campus Hearthrob

3.8K 129 7
                                    

[Kabanata 2]

Campus Hearthrob



-Hannah POV-



Martes...



Kasalakuyan akong naglalakad kasama ang aking mga kaibigan papuntang eskuwelahan.Maaga pa lang ay nilalakad na namin ito sapagkat may kalayuan rin ang distansya nito sa aming mga bahay.



Hindi kasi ganoon kayaman ang aming mga pamilya,pero hindi rin naman kami yung mga dukha.Sapat lang siguro yung nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw at nabibigyan kami ng baon kahit papaano ng aming mga magulang sa pang-araw-araw na pagpasok namin sa eskuwelahan.



Matapos ang humigit kumulang tatlumpung paglalakbay namin papuntang eskuwelahan,sa wakas ay nakarating na rin kami sa aming paroroonan.




St.Paul Academy...


Nandito palang kami ay tanaw na namin ang pangalan ng aming eskwelahan sa arko nito.




Nang makapasok kami sa loob ng aming eskuwelahan,binagtas na namin ang daan papunta sa silid-aralan.Sandali kaming napahinto at napatingin sa isang parte ng school kung saan nagkakagulo ang mga babae.



Dahil kaming magkakaibigan ay naging curious sa mga nangyayari,pinuntahan namin ang lugar na yun.



Habang naglalakad kami ay nakarinig kami ng mga bulungan at hagikgikan na parang kilig na kilig!




"Ang gwapo niya Sis!"



"Friendship.He's so handsome."



"May facebook ba siya?Stalker niya na ako!"



"I want to know his cellphone number!"



"Mukhang hihimatayin na ako sa kilig dito."



"Kuya anakan mo naman akooo.PLEASE"




Natawa kami sa huling babaeng nagsalita na ang sabi ay "Kuya anakan mo naman akooo.PLEASE".Hahahaha.Obsessed much!

The Untitled Vampire StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon