31:Leah's George Baldwin

395 23 3
                                    

-Leah POV-

Hi.

Kilala niyo pa ako?

Sabi ko nga kilala niyo pa ako eh.

Sino ba namang makakalimot sa kabaliwan at kaengot-an ko?

Sino ba namang makakalimot sa babaeng karibal ni Hannah kay Vin?

At sino ba namang makakalimot sa dyosang si AKO?

Syempre wala.

Ako lang naman si Leah Collantes.Mas maganda,mas mayaman,mas talentado at mas mabait kung ikukumpara kay Hannah.Tama ba?

Hahaha.Pero oo na,mas matalino na si Hannah kaysa sa'kin.Ano masaya ka na?

Sabi nila,wala 'daw' forever.

Sabi ko,wala talagang forever sa inyong mga pangit.Hahaha.

Gusto mo ng gwapo pero hindi ka maganda?

Pwes,ang kapal ng mukha mo!

Ano ka sabog?

Kumbaga galunggong ka pero gusto mong magka-shota ng bangus?

Aba't engot ka!

Bad ka!

Ambisosya!

'Wag niyo akong kakatwiranan na 'Opposite Attracts'.

Hindi uso sa'kin yang mga ganyan.May mga nalalaman pa kayong mga ganyan.

OPPOSITE ATTRACTS-Kataga ng mga babaeng pangit na nagkakagusto sa mga gwapong lalaki.Kumbaga ito yung excuse nila kapag inaway sila ng lipunan.Sasabihin lang nilang 'Opposite Attracts' para maipagtanggol ang mga sarili.

Hahaha.Tama ba?Oh ano ka ngayon?Edi natamaan kang pangit ka.

Kung akala niyong nakalimutan ko kayo nakaraan na sinabihan niyo akong ambisosya,pwes ibabalik ko lang 'yon sa inyo.Worst,doble pa.

Hindi pa ako nakakamove-on sa inyo.

Dahil kay Hannah at Vin palang ako nakaka-move-on.

Yeah,you read it right.

Naka-move-on na ako.

Paano?

Simple lang.

Dahil maganda ako.Yun lang yun.Madali kang makakapag-move-on kung maganda ka,kaya ikaw,maniwala ka sa sarili mong maganda ka.

Maganda ka!Oo ikaw na nagbabasa nito,maganda ka.

Pero para sa'kin,hindi ka pa papasa!

HAHAHAHA.

Anyway,naka-move-on na talaga ako kay Vin & Hannah.Kahit maglampungan pa sila sa harap ko ay wala akong pakialam.Dahil nga nakamove-on na ako.

Kapag nakita ko talaga si Vin & Hannah,hihingi ako ng sorry sa kanila.

***

The Untitled Vampire StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon