-Vin POV-
....
"Ama,Ina", ang naibulong ko.Napakahina ng pagkakabigkas ko sa mga salitang iyon pero nagawa pa rin nilang lumingon sa aking direksyon.
Nabalot ng saya ang mga mata nila at napaluha pa ang aking Ina nang ako'y makita nila.Mabilis silang nagtungo papalapit sa akin at niyakap nila ako ng mahigpit.
Tuwang-tuwa talaga sila nang makita ako pero wala akong maramdamang kasiyahan.Para bang walang espesyal,walang masaya.
"Vin,anak", ani Ina habang siya'y sumisigok.Niyakap niya ako muli at hinalikan sa pisngi.
"Anak,masaya kami't bumalik ka na ulit dito sa atin", saad ni Ama at niyakap ako.Ilang segundo lang ang pagkakayakap niya sa akin at matapos iyon ay ginulo niya lamang ang aking buhok.
"Masaya rin po ako ng makita ko ulit kayo" sabi ko naman sa kanila at sila'y nginitian ko lamang.
Isang ngiti na walang bakas ng kasiyahan.Masaya nga ba ako o niloloko ko lang sila at ang sarili ko?
"Anak,mabuti pa't bumalik na lamang tayo sa ating kaharian", sabi 'yon ni Ina at tumango na lamang ako.
Bumalik ang piskante ng karwahe.Sumakay kaming apat dito—kasama kasi namin si Clarinet.
Hindi ko nga rin alam kung bakit kasama pa rin namin siya.
Hindi siya tinanong ng aking mga magulang kung bakit siya nandito,tuwang tuwa pa nga ang mga ito at niyakap pa nila si Clarinet at paulit-ulit sinasabi ang salitang 'Salamat'.
Nagtaka ako pero ipinagsawalang bahala ko na lamang ito.
Halos kalahating oras rin ang nagtagal bago kami makabalik sa aming kaharian.
Nagsiluhuran ang mga kawal ng makita nila kami.Ganon din ang ginawa ng mga bampirang naglilingkod sa aming kaharian.
Binagtas namin ang pasilyo patungo sa aming silid.
"Marami tayong pag-uusapan,Vin", seryosong pahayag ni Ama at tumingin siya kay Clarinet at ngumiti—"Clarinet,mabuti pa't bukas ka na lamang bumalik dito para mapag-usapan natin ang ating plano"
Plano?Teka—para saan ang plano nila?Mukhang hindi maganda 'yang plano nila hah.
"Masusunod po,Kamahalan", sabi ni Clarinet at dahan-dahang lumabas.
Naiwan kaming tatlo dito—ako,si Ina at si Ama.
***
"Vin,napakasaya namin at nakabalik ka na.Pero ano nga ba ang dahilan at umalis ka papunta sa mundo ng mga Mortal?"
"Dahil po naiiyamot ako sa mukha ni Thea"
"Si Thea?Ang perzakias bang si Thea Vanrizon ang itinutukoy mo, anak?"
"Ganon na nga po"
"Mukhang alam na namin ang dahilan kung bakit ka naiiyamot sa Thea na iyon,anak.Pasensya ka na kung napamanahan kita ng kagwapuhan ko anak hah"
AHAHAHAHA.ANG HANGIN NI AMA.
Napahagalpak kaming tatlo sa katatawa.Ngayon ko lang yata naramdaman ang saya—konting saya.
"Mabuti pa't kalimutan muna natin ang Thea na 'yan,anak.Ang gusto naming itanong sa'yo ay kamusta ang naging pamumuhay mo sa mundo ng mga mortal"
"Uhhmm.Ayos lang naman po ang naging pamumuhay ko sa Mortal Universe.Wala akong naging problema sa pera at wala rin akong problema sa pag-aaral ko"
BINABASA MO ANG
The Untitled Vampire Story
VampireMagulo at lalo pang gumugulo ang buhay ni Hannah. Simple lamang ang pamumuhay ng kanilang pamilya ngunit noong magsimulang magkasakit ang kaniyang ina at makilala niya ang lalaking mahal niya, nagsimula nang dumating ang samu't saring mga problema s...