12:Ang Kaganapan sa Nakaraan

1.9K 81 8
                                    

[Kabanata 12]

Ang Kaganapan sa Nakaraan



-Someone POV-



Nalalapit na ang anibersaryo  ng aming Emperius Vampiruz kung kaya't ang lahat ng mga bampira ay abala sa paggawa ng kani-kanilang gawain na inatas ng mga pinuno.




"Hindi maaaring magkagusto ang prinsipe sa isang mortal!", sigaw yun ni Haring Virloño.Ang tinutukoy niyang prinsipe ay walang iba kundi ang anak niyang si Vin Diesel Eduard.




Marami kaming mga babaeng bampira ang humahanga sa angking kagwapuhan,kakisigan at kabaitan ng mahal na prinsipe pero dahil sa isang babaeng lubos ang pagnanasa sa prinsipe ay nagalit si Vin kung kaya't pumunta siya sa mundo ng mga mortal.




Hindi namin lubos na alam kung bakit hindi nasusunog ang prinsipe sa ilalim ng araw.




Hayaan niyong ikuwento ko sa inyo ang nangyari.




FLASHBACK


Ika-limangdaan at pitumpu't siyam na anibersaryo ng Emperius Vampiruz ang idinaraos sa ngayon.




Maraming mga bampira ang naghihintay sa bulwagan upang salubungin ang pagpapakilala sa bagong prinsipeng magiging susunod na hari ng imperyo.




Unang pumasok ang mahal na haring Virloño gamit ang isang karwaheng hila-hila ng isang kabayong may lahing pagkabampira.Kasama rin ni Haring Virloño ang kaniyang liyag na si Reyna Valeriana.




Sinalubong sila ng mga umuugong na instrumento at mga palakpakan naming mga bampira.




Ilang minuto lamang ay maypumasok na karwaheng mas maganda pa sa karwaheng sinakyan ng hari at reyna.Ang karwaheng ito ay nagluwa ng isang makisig na binatang nababalot ang mukha ng maskara.Mukhang siya na yata ang anak nila Hari at Reyna na sa wakas ay ipinakilala rin nila sa loob ng labing-limang taon.Ganoon talaga ang nakagawian namin dito na sa pagtungtong ng labing-limang taong gulang ng anak ng hari't reyna ay doon pa lamang ipakikilala ang kanilang anak,lalaki man o babae.




Nang tinanggal na ng binata ang maskarang nagtatakip sa kanyang mukha ay halos mapatili ang mga kababaihang bampira sa kagwapuhan nito.Agad namang lumapit ang binata kay Haring Virlono at Reyna Valeriana.

The Untitled Vampire StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon