-Third Person's POV-
Ang Blood Academy ay isang sikat at magandang paaralan para sa mga mag-aaral na bampira na ang tanging layunin ay matuto ng samu't saring mga kapangyarihan at para na rin mapag-aralan ang kasaysayan sa mundo ng mga bampira noong unang panahon at ngayong makabagong henerasyon.
Ang Blood Academy ay isang paaralan na matatagpuan sa Sanguise Natione, isang lugar sa mundo ng mga mortal ngunit hindi pa natutuklasan at napapag-aralan ng mga dalubhasa.
Ang Blood Academy ay ipinatayo ng isang matandang bampirang ang nais ay matuto ang mga batang bampira.
Ang Blood Academy ang paaralang magtuturo sa mga bampira kung paano makakaligtas sa buhay. Ang paaralang ito ang magtuturo sa mga bampira kung paano makakaligtas gamit ang dugong kailangang dumanak mula sa mga kaaway.
***
-Hannah's POV-
"Jumo,sigurado ka ba talagang tama itong dinadaanan natin? Uhhmm. Halos apat na oras na kasi tayong bumibiyahe pero wala pa tayo doon sa sinasabi mong pupuntahan natin eh. Baka kasi naliligaw na tayo", sabi ko habang nakatingin kay Jumo.
Seryoso siyang nagmamaneho ng kotseng sinasakyan namin. Matapos naming kumain kahapon sa restaurant ay umuwi na kami sa bahay. Napag-usapan namin ang plano.
Aniya, kailangan ko raw talagang mag-aral sa Blood Academy para lalo pa akong matuto sa pagiging bampira ko. Sabi pa niya'y gugugol daw ako ng halos apatnapung taon para raw sa pag-aaral ko sa paaralang 'yon. Huwag daw akong mag-alala dahil after 40 years daw ay walang mababago sa hitsura ko dahil ang hitsura raw ng isang bampira noong siya labingwalong taong gulang ay mananatili na at hindi na magbabago pa sa talambuhay niya.
Ang astig talaga ng mga bampira!
Nakita ko naman si Jumo na napatingin sa direksyon ko habang nakangiti.
"Huwag kang mag-alala, Hannah. Labing-dalawang oras nalang at makakarating na tayo doon"
"What? Are you joking?", di makapaniwalang tugon ko.
"Mukha ba akong nagbibiro?" sabi niya habang seryoso ang kaniyang mukha. Oh,hindi nga siya nagbibiro!
"Eh bakit hindi nalang tayo sumakay sa eroplano gayong napakalayo pala ng pupuntahan natin? Hay naku, Jumo!", napairap ako sa kawalan dahil sa katangahan niya.
"Nag-iisip ka ba? Sa tingin mo ba ay mayroong eroplanong papunta sa lugar na iyon? Napapansin mo naman siguro na nasa liblib na lugar tayo hindi ba?", sabi niya.
Sabagay, may point siya sa sinasabi niya. Argh. Ang tanga ko sa part na 'yon hah.
Napasilip ako sa bintana ng kotseng kinalalagyan ko at wala akong ibang nakita kundi mga punong lalo pang nagpapadilim sa lugar na ito. Iba't ibang uri ng mga puno ang narito. Matataas. Malalaki.
Dahil sa matinding pagkabagot ay nakatulog ako. Well,sino ba naman ang hindi mababagot sa 16-hour trip na 'to? Pupungas pungas akong bumangon at humihikab pa. Napatingin ako kay Jumo.
"Nandito na tayo. Tara na!", aniya.
Bumaba na kami parehas sa kotse at sinundan ko lamang siya kung saan man siya pupunta at ilang saglit pa'y...
"Wow", my mouth formed letter 'O' because of amazement.
Heto kami ngayon. Nakaharap sa isang paaralang may pagkataas-taas na tarangkahan. Sumisilip ang nagtataasang at magagandang gusali sa gate ng school. Binasa ko naman ang nakasulat sa gate na ginamitan ng pulang tinta.
" Welcome to Blood Academy "
BINABASA MO ANG
The Untitled Vampire Story
VampireMagulo at lalo pang gumugulo ang buhay ni Hannah. Simple lamang ang pamumuhay ng kanilang pamilya ngunit noong magsimulang magkasakit ang kaniyang ina at makilala niya ang lalaking mahal niya, nagsimula nang dumating ang samu't saring mga problema s...