-Hannah POV-
Kasalukuyan kong isinasagawa ang mga morning rituals ko.Gaya ng nakagawian,una syempre,dumilat muna ako.Tapos sunud-sunod na iyon.Saka alam niyo na rin siguro yung morning rituals.
Matapos akong kagatin ni Vin ay kinumpirma niya na isa na talaga akong ganap na bampira.Huhu.Pero siyempre,ayoko pa ring humihigop ako ng dugo nuh.Alam niyo na,kadiri kaya.Yun nga lang,sa birthday ko ay no choice ako kundi uminom ng dugo dahil kapag nagkulang daw ako sa dugo ay hihina daw ang katawan ko.Ang kumpliakado nuh?Sana hindi nalang ako naging bampira.
Dahil nga ayoko pa uminom ng dugo ay nagluto nalang ako ng sarili kong almusal.Hehe.Scrambled eggs,hotdogs,ham,bacon,spam at tocino.Common na makikita niyo lang yan sa lamesa lalo na kapag almusal.
Nagsimula na akong kumain ng almusal habang si Vin,ninanamnam yung bawat patak ng dugong hinihigop niya sa isang baso.
Minsan natatanong ko sa isip ko,bakit kaya ang bango pa rin ng hininga ni Vin kahit umiinom siya ng dugo tuwing umaga?Hindi ba dapat bad breath siya kasi ang langsa ng dugo.Hayyysss.Mabuti pa't huwag ko nang isipin ang mga ganyang bagay at nandidiri lang ako.Hindi ako nandidiri kapag si Vin ang gumagawa.Pero kapag iniisip kong ako na mismo ang umiinom,eww.Di ko maatim dre!
After several minutes ay natapos na kaming mag-almusal at ready na kami para pumasok sa aming school.
Dumiretso kami sa kotse niya at nagsimula na nga siyang mag-drive.
Gaya ng nakagawian ay mabilis pa rin talaga siya mag-drive.Partida,medyo bumagal pa siya sa lagay na to hah.Minsan natatanong ko siya kung bakit ang bilis ba niyang mag-drive.Tinatanong ko kung meron ba siyang lakad o may humahabol sakanya pero wala naman daw.Hayyysss.
Napapikit nalang ako at napahawak sa lap ko.Sana malapit na kami sa school.Sana malapit na!
Yes!Finally!Nakaalis na rin sa kotse niya.Bumaba kami doon at dumiretso sa aming room pero bago iyon siyempre.Mawawala ba naman ang___
"Kyyyyyaaaaaa!"
"Ang gwapo!"
"OMG!"
"Oh my god!"
"Oh my gosh!"
Alam niyo na.Hehe.Ang walang kasawaang tilian ng mga babaeng bumubuo sa Vin Fans Club.Aba.Dinaig pa nitong boyfriend ko ang isang artista eh.
Hindi bale,hanggang tili lang sila dahil hindi nila alam ang mangyayari sa kanila kapag inagaw nila sakin si Vin.Errr.Ano nga ba?
Sinuklian naman ng nakamamatay na ngiti at kindat ni Vin ang mga admirers niya.Kaya naman ang mga ito,ayun.Tulo laway pero OA naman yata yun.
Pagkapasok namin sa room ay nadatnan namin ang magulo naming klase kasama ang iba naming magugulong kaklase.
BINABASA MO ANG
The Untitled Vampire Story
VampireMagulo at lalo pang gumugulo ang buhay ni Hannah. Simple lamang ang pamumuhay ng kanilang pamilya ngunit noong magsimulang magkasakit ang kaniyang ina at makilala niya ang lalaking mahal niya, nagsimula nang dumating ang samu't saring mga problema s...