[Kabanata 6]
Don't Worry
-Hannah POV-
Pinauwi na ako ni Tatay sa bahay.Ayoko pa talagang umuwi dahil gusto kong bantayan si Nanay pero dahil may pasok pa ako bukas,pumayag na rin ako.
Habang nakahiga ako,iyak pa rin ako ng iyak dahil sa naalala.Paano ako kukuha ng ganoong kalaking pera?Eh,hindi ko kaya ang malaking halaga.Mayroon kayang makakatulong sa akin?May trabaho kaya akong pwedeng mapasukan?Kahit ano,GAGAWIN ko.
Dahil iyak lamang ako ng iyak,napagod na rin ako hanggang sa ako ay makatulog...
---
Agad akong bumangon mula sa aking pagkakahiga at agad na nag-ayos papuntang eskuwelahan.
Sinundo ako ng aking mga kaibigan sa bahay upang kami ay sabay-sabay na pumasok sa aming eskuwelahan.
"Hannah,anong nangyari diyan sa mga mata mo?Umiyak ka ba kagabi?",tanong ni Nathan.Marahil ay napansin niya ang mga mata ko.
"Oo nga,Hannah.Umiyak ka ba kagabi o may kumagat lang diyan sa mata mo?",tanong naman ni Neil.
"Ahhmm",yan lamang ang nasagot ko dahil ako ay nagdadalawang-isip kung sasabihin ko ba sa kanila.Baka kasi,mag-alala sila sa akin kung sabihin ko.
"Hannah,may problema ba?Huwag kang magdadalawang-isip na sabihan iyan sa amin dahil kaibigan mo kami.Nandito lang kami at handa kang tulungan kapag may problema ka!",sabi naman ni Nicole.
"Mamayang recess ko na lamang sasabihin sa inyo doon sa bench.Magkakasama pa naman tayo mamaya diba?",pagpapaliwanag ko sa kanila.Tumango na lamang sila sa akin.
Nagpatuloy ng lamang kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang aming eskuwelahan.
Saint Paul Academy...
BINABASA MO ANG
The Untitled Vampire Story
VampireMagulo at lalo pang gumugulo ang buhay ni Hannah. Simple lamang ang pamumuhay ng kanilang pamilya ngunit noong magsimulang magkasakit ang kaniyang ina at makilala niya ang lalaking mahal niya, nagsimula nang dumating ang samu't saring mga problema s...