-Hannah's POV-
Nakatingin ako sa harap ng salamin habang may ngiti sa aking labi. Taas noo ako ngayon at alam ko sa sarili kong napakaganda ko naman talaga.Nakasuot ako ng isang gown na kulay pula na bumagay sa maputi kong balat at mapupulang labi.
Ang galing naman kasi talaga nina Yuri, Yumi , at Yuki.Mahahalata mong bihasa sila sa pag-aayos gamit ang mga magagaling na kamay nila.
"Napakaganda mo, mahal na prinsesa", sabi ni Yuri. Napangiti naman ako at feeling ko ay nag-blush ako. Bakit ba? Eh kinikilig ako eh!
Hindi ko naman kasi maitatangging ang ganda ko ngayon! Okay, linawin ko lang. Maganda talaga ako since birth , pero ngayon, sobrang ganda. Oki?
Napatingin naman ako sa pinto ng kwarto ko dahil may kumatok. Dahan-dahan akong lumapit dito at binuksan.Bumungad sa akin ang isang kawal. Nag-bow muna siya bago nagsimulang magsalita."Magandang araw po, mahal na prinsesa. Ipinag-uutos po ng Mahal na Haring Virkujumo na pumunta na kayo sa bulwagan ng kaharian upang kayo'y makaalis na", aniya saka umalis na.
"Yuri, Yumi, Yuki", tiningnan ko silang tatlo. "Thank you talaga hah. Ang galing-galing niyo. Ang ganda-ganda ko pa lalo dahil sa inyo. Hihi"
"Walang anuman, Prinsesa", sabi ni Yuki. "Oo nga pala", pumunta siya sa isang cabinet at may kinuha. Ano naman kaya iyon?
"Mas gumanda ka pa lalo, Prinsesa", sabi ni Yuki matapos niya akong suotan ng isang flower crown na pula ang mga bulaklak.
Ngumiti at nagpasalamat ako sakanya bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Nagtungo ako sa bulwagan at nakita ko ang OMG to the higest level na napakagwapong lolo ko! In short, nakita ko ang sobrang gwapong si Jumo.
Alam naman siguro ng lahat na pare-parehas lang ang sinusuot ng mga lalaki kapag formal attire - tuxedo, long sleeves,black slacks, and black shoes.Pero kahit ganoon, sobrang nadali 'to ni Jumo. As in, sobrang pogi niya talaga. Kinikilig nga ako eh! Mukhang alam ko na kung saan ko nakuha ang magandang lahi ko!
"Ang ganda naman ng apo ko", aniya at hinapit ang bewang ko. Nginitian ko siya at inirapan. Bakit ba? Eh sa gustong gusto ko talaga umirap eh. May magagawa pa ba kayo?
Nasabi sa akin ni Jumo na pupunta raw kami sa isang kasal. Excited na nga ako sobra eh. Paano kaya mag-celebrate ng wedding ang mga bampira? I really wonder how.
"Are you ready?", tanong niya sa akin. Napairap ako. Bampira siya 'di ba? Siguro naman nababasa niya ang iniisip ko kaya hindi na niya kailangang magtanong? Hay,naku!
***
Ilang saglit pa'y napunta kami sa isang lugar na napaka-enggrande. Makikita mo rito ang mga arko ng makukulay na bulaklak. Ang mga babae ay nakasuot ng kanilang mga magagandang gown. Ang ibang babae ay naka-red gown habang ang iba naman ay black. Buti na nga lang at naka-pulang gown ako dahil kung hindi, baka ma-o.p. ako. Naka-tuxedo, long sleeves, black slacks, at black shoes naman ang mga lalaki.
Okay. Aaminin ko. Ang daming magaganda't gwapo dito ngayon. Pero inaamin ko rin na higit na mas maganda ako sa mga babaeng nandito at si Jumo ang pinakagwapong lalaki sa lugar na ito.
Nagtaka naman ako nang very very light lang naman.
Kasal ba talaga itong napuntahan namin o isang debut celebration?
Ohhh... Vampire thingy.
***
Habang nagmumuni-muni at dahil wala naman akong magawa ay lumapit ako sa isang lalaking nag-a-assist sa mga inumin dito. In fairness hah, ang gwapo ni kuya mo.
Kumuha ako ng isang basong --- may laman na pulang juice? Ahh ewan.
Nilagok ko ang laman nito. Masarap naman siya. Matamis. Parang juice lang ang lasa pero malapot. Teka, ano ba ito?
Sa kadahilanang wala akong magawa, nag-sightseeing nalang ako at umupo.
Kung iki-critic mo ang lugar na ito, purong positive comments lang talaga ang masasabi mo dahil sa ganda nito. Napaka-enggrande nitong tingnan dahil sa nagniningning nitong mga chandeliers. Ang ganda pa ng mga flower decorations sa bawat paligid. Nananaig ang color red and black sa lugar na ito.
Ilang saglit pa'y nagsipag-upo ang mga bampira nang dumating ang isang lalaking ang edad ay nasa 20 o 21. In fairness, ang gwapo niya! At saka meron siyang kamukha eh! Teka, sino ba iyon?
Hinanap naman ng mata ko si Jumo. Natagpuan ko siya sa unahan. Nakaupo siya sa isang hilera ng mga upuan na sobrang ganda.
Base sa itsura ng mga upuan na ito, sinasabi nitong nakatataas ang nakaupo rito. And no doubt, nakataas naman talaga ang lolo kong si King Virkujumo Leofard!
***
Nagsalita iyong lalaking dumating na siyang dahilan ng pagtahimik ng lugar.
"Magandang araw sa inyong lahat! Isa ang araw na ito sa pinakahihintay ko at ng aking asawa, gayundin ang buong Emperius Vampiruz. Nawala man siya ng ilang taon, ngayon din ay bumalik na ang aking kaisa-isang anak! At ngayon din ang kaniyang kasal! Magdiwang, Emperius Vampiruz! Sama-samang magdiwang sa pagbabalik ng aking anak na si Vin Eduard kasama ang babaeng kaniyang pakakasalan na si Clarinet Zennfir!"
Bukod sa napakalakas na palakpakan, tila nabingi yata ako sa aking narinig. Anak niya si Vin Eduard? Anak niya ang lalaking mahal ko?
Kaya pala! Sabi ko na nga ba may kamukha siya eh!
Pero may isang bagay pang tila nagpabingi sa akin nang tuluyan. Si Vin ikakasal na? Ikakasal doon sa Clarinet? Sinong Clarinet? Aba't hindi pwede 'to!
Namumuo na ang luha sa aking mata. Ilang segundo pa'y nakita ko na nga siya. Nakita ko na si Vin na tila nagtataka ang mukha habang may babaeng nakangiti ang nakapulupot sa kaniya.
Tuluyang bumagsak ang luha ko noong magkatinginan kami ni Vin. Nagkatinginan kami ng lalaking mahal ko.
Sa wakas, nagkita na ulit kami!
***
BINABASA MO ANG
The Untitled Vampire Story
VampireMagulo at lalo pang gumugulo ang buhay ni Hannah. Simple lamang ang pamumuhay ng kanilang pamilya ngunit noong magsimulang magkasakit ang kaniyang ina at makilala niya ang lalaking mahal niya, nagsimula nang dumating ang samu't saring mga problema s...