44:Commemorate

45 3 1
                                    

-Hannah's POV-

Mabilis na lumipas ang mga araw at naka-graduate na ako sa college. Nagtapos ako sa kolehiyo bilang isa sa mga 'summa cum laude' ng aming batch. Dati rati'y pinapangarap ko lamang ang makapagtapos ng pag-aaral noong bata pa lamang ako pero ngayo'y nakamit ko na ito. Dati rati'y nagrereklamo pa ako sa mga mabibigat na projects na ibinibigay sa amin ng mga guro ngunit ngayo'y nalagpasan ko na ito. Dati rati'y gusto kong umiyak dahil sa hindi matapos-tapos na mga assignments ngunit ngayo'y wala na ito.Dati rati'y nandito pa si Vin kasama ko ngunit ngayo'y wala pa rin siya sa tabi ko.

Problema. Punong-puno na ng mga samu't saring problema ang buhay ko simula nang dumating ang lalaking mahal ko, si Vin Eduard. Gayumpaman, hindi ko siya sinisising dumating sa buhay ko. Dahil kung wala siya, paano na ako? Makakaramdam pa ba ako ng pagmamahal? Kung wala siya, maliligtas ba ang nanay ko?

Ang nanay ko. Ang tatay ko. Oo nga pala. Wala na ang nanay at tatay ko simula nang dumating si Vin Eduard. Ngunit kahit ganoon ay hindi ko talaga siya sinisisi. Wala siyang ibang ginawa sa akin kung hindi mahalin ako. Wala siyang ibang ginawa sa akin kung hindi pasayahin ako. Kaya bakit naman ako magagalit sa kaniya, 'di ba?

'Yong hinipnotismo siya ni Leah? Matagal ko nang naintindihan ang pangyayaring iyon. Sumailalim siya sa isang kapangyarihan kaya hindi niya ako nagawang makilala noong mga oras na iyon. Naiintindihan ko siya kaya bakit naman ako magagalit sa kaniya?

'Yong first and memorable date namin sa Enchanted Kingdom? Nag-effort siya sa bagay na iyon. Wala siyang ibang ginawa kung hindi pasayahin ako noong mga oras na iyon. 'Yong fireworks na pinasadya niya pa talaga sa'kin na ang nakalagay ay 'I LOVE YOU HANNAH!' , sobrang natuwa ako roon dahil feeling ko ay napaka-espesyal kong babae noong mga oras na iyon. Minahal niya ako kaya bakit naman ako magagalit sa kaniya?

***

Narito ako sa harap ng puntod ng aking mga magulang. Nagawa kong pumunta rito upang sila'y kwentuhan. Ito ang pangarap nila para sa akin, ang makapagtapos ng pag-aaral. Kaya alam kong kung narito man sila, paniguradong masaya sila dahil sa narating ko sa buhay.

Inilapag ko ang pumpon ng mga bulaklak sa harap ng kanilang magkatabing puntod.Umabot din ng halos dalawampung minuto ang pakikipag-usap ko sa kanila. Nami-miss ko na sila ngunit ayaw kong umiyak. Dapat kong tatagan ang aking loob dahil naniniwala akong marami pa akong mga problemang kakalabanin sa buhay.

Habang inaalala ang mga gunita, bigla na lamang sunod-sunod na pumatak ang mga ulan.

Naghanap ako ng masisilungan at swerte namang makahanap ako ng parang bahay. Dali-dali akong tumakbo papunta roon upang makisilong.

Kung bakit ba naman kasi wala akong dalang payong eh. Napairap na naman tuloy ako sa kawalan.

Nag-abang ako sa pagtila ng ulan ngunit iba ang nangyayari sa ngayon, parang lalo pa atang lumalakas ang buhos ng ulan at hindi na ako ligtas sa kinaroroonan ko dahil sa malakas na anggeng pumupunta sa akin. Kung minamalas ka nga naman.

Ulan. Hangin. Kidlat. Kulog. Ulan. Hangin. Kidlat. Kulog. Ulan. Hangin. Kidlat. Kulog.

Akala ko'y mananatili na ako habambuhay sa sementeryo ngunit hindi pala.

Mabuti na lamang at tumigil ang ulan. Ulan nga ba 'yon o bagyo?

Nang tumila ay ulan ay naghintay muna ako ng sampung minuto bago tuluyang lumabas dito. Basa pa kasi ang daanan at paniguradong matatalsilan lamang nito ang mga binti ko.

Dahan-dahan akong naglakad palabas sa sementeryong ito at nag-abang ng taxi. Please taxi, dumating ka na please. Gusto ko na talagang umuwi.

Nang saktong may papadaang taxi ay may biglang humawak aa balikat ko!

"Hsusmaryosep,Jumo! Papatayin mo naman ako sa gulat niyan eh. And wait,ba't nandito ka?", sunod-sunod kong tanong sa lalaking kaharap ko ngunit natatawa lamang siya habang kumakamot sa likod ng kaniyang ulo.

"Alam mo naman. Nararamdaman ko kung nasaan ka at saktong wala akong magawa sa bahay kaya sumunod ako rito sa'yo. Tapos pauwi ka na pala", aniya at napairap naman ako. Hindi ako nakokonsensya sa pinagsasabi niya.

" Hmm. Kawawa ka naman Jumo. Siguro gumala nalang tayo ngayon sa mall tutal nakakabagot sa bahay. Wala rin na naman akong assignments at projects na gagawin dahil graduate na ako"

"Oh sige. Kung iyan ang iyong nais"

Tumabi lamang ako sakanya at nagcast siya ng kung anong hocus pocus at sa isang iglap naman ay narito na kami sa harap ng mall. Wow,magic!

Naglakad naman kami ni Jumo papasok sa entrance ng mall at nagkahiwalay kami dahil separated ang pagche-check ng mga guards sa lalaki at babae.

Nagdesisyon kami ni Jumo na maggala-gala. Nang matapos kami rito ay napagdesisyunan naming kumain sa isang restaurant dito sa mall.

Nang kami'y maka-order ay nag-usap kami tungkol sa mga bagay-bagay ngunit ang huling sinabi ni Jumo ang nagpatigil sa ginagawa ko.

"Tutal ay nagtapos ka na ng pag-aaral dito sa Mortal Universe.Heto na ang tamang panahon para ipasok kita Hannah sa pinakasikat at pinakamalaking paaralan ng mga bampira, ang Blood Academy"

My jaw dropped.

***
Note: Vote and comment. Comment below your reactions in this chapter at pa-comment nalang sa mga gustong magpa-dedicate. Thanks.

The Untitled Vampire StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon