[Kabanata 9]
Pagpapakilala
-Hannah POV-
Nandito na nga kami ngayon sa ospital dito sa bayan.
Nakaupo lang kami ngayon ni Vin dito sa mahabang upuan habang kasalukuyang isinasagawa ang operasyon kay Nanay.Si tatay naman ay lumabas muna saglit para magpahangin.
"Babe,nagugutom ka na?", tanong sa akin ni Vin.Mahigit tatlong oras na kasi kami ditong naghihintay.Umiling lang ako sa kanya kahit ang totoo, gutom na talaga ako.
"Babe ,gutom ka na eh.Nabasa ko kaya sa isip mo!", tugon niya sa ginawa ko.Sinuklian ko na lamang siya ng ngiti.
"Sige, dito ka na lang muna.Ako na lang ang bibili ng pagkain mo", aniya.Tumango na lang ako sa sinabi niya.
Lumabas na nga si Vin at bumili ng pagkain ko.
Kitang kita ko yung mga babaeng nurse na halos matunaw si Vin sa mga titig nila.Kilig na kilig naman yung mga nurse.
Ilang minuto lamang ay bumalik na si Vin,kasama niya na ngayon si Tatay.
Inabot sa akin ni Vin yung binili niyang strawberry cupcake saka softdrinks bago siya umupo.
Si Tatay naman ay naupo rin sa katapat naming mahabang upuan.Bale kami ni Vin yung magkatabi.
Inubos ko na yung pagkain ko.
Maya-maya lang ay lumabas na yung doktor na nag-opera kay Nanay kaya naman napatayo kaming tatlo.
"Dok, ano pong naging resulta?", tanong ni Tatay doon sa doktor.
Tinanggal muna ni Dok yung mask niya bago magsalita.
"Congratulations! Successful ang operasyon niya!", masiglang tugon sa amin ni Dok.
Napalundag naman ako sa tuwa at napayakap ako kay Vin.Sumigla naman yung mukha ni Tatay.
BINABASA MO ANG
The Untitled Vampire Story
VampireMagulo at lalo pang gumugulo ang buhay ni Hannah. Simple lamang ang pamumuhay ng kanilang pamilya ngunit noong magsimulang magkasakit ang kaniyang ina at makilala niya ang lalaking mahal niya, nagsimula nang dumating ang samu't saring mga problema s...