Note
Sorry kung na-late ako ng update. Huwag kayong magalit sakin dahil isang araw lang naman ang delay.HAHAHA. Anyway, off topic muna tayo kala Hannah at Vin. Focus muna tayo sa vampire thingsssss. This is a short yet a must-read chappy.
-Third Person POV-
Ang pulang binhi ay siyang itinuturing bilang pinakaimportante at pinakamakapangyarihang bagay na matatagpuan sa Emperius Vampiruz.
Ang binhing ito ay hindi lamang isang pangkaraniwang binhi. Maraming imposible ang kayang gawing posible ng binhing ito.
Noong unang henerasyon sa mundo ng mga bampira, ang pulang binhi ay nasa pangangalaga ng Hari na si Virkujumo Leofard.
Maayos naman itong nakatago subalit dumating ang araw kung saan ito ay nawala na parang bula.
Iisa lamang ang itinuturong salarin ng haring si Virkujumo, walang iba kundi ang mahigpit na kalaban nitong si Virloño Eduard.
***
Flashback
"Ang Reyna Valeriana, manganganak na!", sigaw ng isang kawal sa bulwagan ng angkan ng mga Eduard.
Nagkagulo ang mga mga bampira kaya naman nagmadali ang mga itong tawagin ang kumadrona na si Theresa Vanrizon.
Patuloy pa ring nagkakagulo ang mga tao pero 'di nagtagal ay dumating na ang tinawagang kumadrona.
Ilang sandali pa'y sinimulan niya na ang palagi niyang ginagawa sa tuwing siya ay nagpapaanak ng mga kababaihan.
Nang mailabas ang sanggol ni Reyna Valeriana ay hindi na maipinta ang mukha ni Theresa. Tila mababakas na may hindi magandang nangyari dahil sa kaniyang reaksyon.
"Kamusta ang anak ko?", nakangiting sambit ni Reyna Valeriana kahit mababakas na siya ay pagod na pagod sa panganganak.
Napailing-iling naman si Theresa habang may hindi pa rin maipintang reaksyon, " Ang pulang binhi! Kailangan ang pulang binhi dahil hindi na nahinga ang sanggol na ito. Kahit ang mga Class S ay hindi kakayaning buhayin ang sanggol na ito dahil sa tindi mg kapangyarihang kailangan nito", saad ni Theresa.
Dahil sa narinig ay napahagulgol si Reyna Valeriana at hindi naman mapakali si Haring Virloño. Di nagtagal ay dali-daling umalis ang asawang lalaki.
***
Sa kaharian ng mga Leofard pumunta si Haring Virloño. Isa siyang Class S na bampira kaya naman nagawa niyang gawing invisible ang kaniyang sarili. Bunga nito, hindi siya nahuli ng mga nakabantay na kawal.
Mahimbing na natutulog ang Hari na si Virkujumo Leofard kaya naman nakamit ni Virloño ang kaniyang minimithing kuhanin ang pulang binhi.
***
Masayang masaya ang lahat nang ipakilala ng mag-asawang Eduard ang kanilang tagapagmanang sanggol na si Vin Eduard. Ang kasiyahan ay binuhay pa lalo ng malakas na saliw ng tugtugin ng orkestra.
Buhay na buhay ang sanggol dahil sa pulang binhi.
Dahil sa sobrang tuwa ng mag-asawa na nabuhay ang kanilang unico hijo, hindi na nila napansin na ang pulang binhi ay tuluyang nang napasakamay ni Theresa Vanrizon.
***
BINABASA MO ANG
The Untitled Vampire Story
VampirMagulo at lalo pang gumugulo ang buhay ni Hannah. Simple lamang ang pamumuhay ng kanilang pamilya ngunit noong magsimulang magkasakit ang kaniyang ina at makilala niya ang lalaking mahal niya, nagsimula nang dumating ang samu't saring mga problema s...