-Hannah POV-
Nasuot ko na ang dapat suotin at nakatayo na rin ako.Ganun rin si Vin.Pero ng maglalakad na ako ay nakaramdam ako ng matinding kirot sa ibaba ko.Ito ata yung resulta ng nakakahiya pero masara---Yuck!Resulta ata ito ng nakakahiyang pinaggagawa namin ni Vin kanina sa lamesa at sa school pa.
Napadaing ako sa sakit.Ang OA ko nga pero hindi ko mapigilan.Hindi naman ako lumpo pero nahihirapan akong maglakad pero kakayanin ko...
Nagulat ako sa ginawa ni Vin.Binuhat niya kasi ako na parang bride sa bagong kasal.
"H-Hoy!Hindi na-naman ako lumpo nuh.Anong tingin mo sakin?Pilay na kailangan pa ng alalay?Bitawan mo nga ako Vin.Hoy!Bitawan mo ako", sambit ko habang pinagpapalo ang dibdib ni Vin pero parang ako lang yata ang nasasaktan.Ughh!Paulit ulit lang yan yung sinasabi ko pero wala naman siyang ginagawa kundi maglakad papunta sa parking lot.
Nang makapunta kami sa parking lot at nahanap namin ang kotse ni Vin ay dali-dali niyang binuksan ang pinto sa passenger seat at inilapag ako dun ng maayos.Teka?!Bakit ako sa passenger seat?Aish!Anu ba Hannah?!Ikaw na nga lang ang makikisakay ikaw pa ang choosy diyan.Psh!
Ah kaya pala!
Tsk.
Kaya naman pala ako nasa passenger seat ay may nakasakay sa shotgun seat at yun lang naman ang mahal na prinsesa na PINAKAMAMAHAL ng mahal na prinsipe.Tsk!!
"Hon,who's that ugly girl?Pulubi ba siya na napulot mo at naaawa ka kaya papakainin mo sa bahay?Or isang janitress sa school?Teka,bakit nakauniform?Hey hon!I said who's that super duper mega ugly girl huh?" siguro naman kilala niyo ang nagsabi niyan nuh?
"Sssshhh.Leah.Ang ingay mo.", saway sa kanya ni Vin.Haha.Buti nga.Pahiya kunti bukas bawi.Tsk.
Binigyan niya ako ng nakamamatay na tingin pero siyempre magpapatalo ba naman ang isang Hannah M. Lim?Edi binigyan ko rin siya ng sobrang nakamamatay na tingin?Kala mo naman kinaganda niya yan.
"Hey hon!Sino ba kasi yang pangit na yan?", sabi ni DYOSA.
Grabe.Palakpakan.Nagsalita ang prinsesa ng mga DYOSA.Tawagin daw ba akong sobrang pangit?!
"Sabi ko tumahimik ka nalang diba?!", halos napatalon yung puso ko sa sigaw na yun ni Vin.Sobrang lakas kasi ng sigaw na yun na galit na galit na.Si Leah naman maluha-luha na.Yan buti nga sayo.Feeling maganda ka.Pahiya ka nuh.
Tumahimik naman si Leah pero nakikita ko siya sa salamin na handa na akong patayin o lamunin ng buhay.
Ilang minuto rin ang lumipas at huminto na ang sasakyan ni Vin sa kaniyang mansion.Hayyss.Namiss ko itong mansion na to!
Pero teka,bakit dito?Kala ko ba ihahatid niya ako?
***
BINABASA MO ANG
The Untitled Vampire Story
VampireMagulo at lalo pang gumugulo ang buhay ni Hannah. Simple lamang ang pamumuhay ng kanilang pamilya ngunit noong magsimulang magkasakit ang kaniyang ina at makilala niya ang lalaking mahal niya, nagsimula nang dumating ang samu't saring mga problema s...