Math

7K 50 0
                                    

Math

"Dahil trip kong magshare sa sobrang ka-boringan dito sa bahay gusto ko lang ishare about sa math ko na ngayo'y pinagtutuunan ko na ng pansin.

Tuwing mag-ma-math time na, lagi akong na-eexcite kasi ang cute cute ng prof namin. Kaya lagi akong present sa subject niya. Wala akong pake kung gaano pa kahirap yang math na yan. Lahat gagawin ko para makapasa sa subject niya. Dahil sa kanya nagiging henyo ako sa math eh. Marami akong natututunan about math pati na rin sa kanya. Lalo na yung ""Guiding Principles of Math Wizards"". Yung number 1 and 2. Talagang mapapa-aral ka talaga eh. Kasi pag-once na hindi ka nag-aral, ayon nga sa Guiding Principles of Math Wizards number 2, ""My every action has corresponding consequences."" kaya todo aral talaga ako eh.

Sa tuwing may makakasagot sa tanong mo sir, naiingit ako sa kanila. Kasi sa tuwing makakasagot sila, napapansin mo sila. Eh gusto ko rin magpapansin. Kaya ang tanging way ko lang para mapansin mo ako ay ang mag-aral ng advance para kapag nagtanong ka, ako naman ang sasagot or makakuha ng high score (kung kakayanin xD!). Hahahaha! Gustong-gusto ko talagang magpapansin sa inyo pero wala eh, bokloids na ako pagdating sa math. Minsan pa nga kahit gusto kong magtanong after class, hindi ko talaga kaya eh. Kasi baka hindi lang tayo magkaintindihan. Lalo na't UP ka pa naman sir. Mataas ang tingin ko sa mga UP grads lalo na pag Diliman dahil marami kayong alam and mataas ang level ng brains niyo. Sana hindi ka lang nag-iisa sir, sana maraming lalaki ang katulad mo. Kwela, matalino, at cute.

Paghanga lang naman eh. Sa totoo nga lang sir, idol na idol ko kayo. Ang lupet lang kasi ang galing niyong mag-isip at mag-analyze ng problem kung saan yun ang wala ako. Kaya napapa-WOW ako. Kaya nagsisikap ako ngayon mag-aral sa math para maging katulad niyo. Yung tipong lahat ng problem nasasagot mo.

Ayun, yung mga candies pala na ipinamigay mo sa amin sir, hindi ko parin kinakain. Nakatago parin yun sa mini treasure ko. Wala akong pake kung mabulok man yon. Remembrance na lang yun na nang galing yun mula sayo.

Tsaka sir, huling hirit, ako nga pala yung pinakapangit mong estudyante ever. Realtalk! Pangit na nga, bokloids pa. Saan ka pa? Ahahaha!"

GirlSabogLang
2015
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon