Puro ka drawing! Puro ka plano!
"Hi!
I'm from feu and graduating. BSArchitecture ang course ko. Nakasakay na ako ng bus pauwi na sa bahay. Merong dalawang lalaki sa likod ng inuupuan ko. Di ko naman intensyon na marinig lahat ng pinaguusapan nila. Ang lakas lang talaga ng daldalan nila e. Students din sila, base sa narininig ko, yung isa electrical engineering at yung isa naman is tourism. And this caught my attention. Nabanggit nila yung architecture. Sabi nung isa, ""sobrang hirap nun, madaming ginagawa, madaming plates, pero di mo na kailangang magaral""Sa isip isip ko naman... Hay nako mga kuya, kung alam niyo lang na may mga minor subjects din kami na kailangan talaga magaral ng mabuti, at may math din kami! Hindi lang kami puro drawing! Marami din kaming kailangan kabisaduhin tulad ng mga laws and standards. Pag nagdodrawing kami at nagdedesign hindi lang kamay ang gumagana, pati utak, dapat maraming alam para makabuo ng magandang design at kailangan talagang pagaralan ng mabuti.
Lahat naman ng courses e kailangang pagaralan ng mabuti. At wala namang course na hindi mahirap.
Ps. Di ako galit. Nageexplain lang."
Eavesdropper
2011
Institute of Architecture and Fine Arts (IARFA)
FEU Manila

BINABASA MO ANG
The FEU's Secret Files 2
AléatoireThe second book of FEU's Secret Files. A compilation of college student's stories.